7

7.8K 157 4
                                    

Kanina ko pa tinitignan ng masama si Mia. Kainis naman kasi sabi ko sa kanya wag yung daring yung suotin niya.

"Bro Jet ski tayo? " aya ni brook.

"Mamaya na Bro tutulungan ko nalang mommy mo sa pag babarbeque" sagot ko

"Sige ikaw bahala" umalis si Brook.

Pansin ko rin wala pa ang daddy nila. Nilapitan ko sila ni Mia. Yung mommy niya paypay ng paypay para magkaapoy na ang uling.

"Tita ako na dyan"

"Sige hijo salamat" binigay sa akin ni tita ang pamaypay.

Tinititigan ko si Mia pero todo iwas parin,  siguro iniisip niyang magagalit ako. Huminga ako ng malalim di naman ako magagalit talagang maiinis lang ako baka isipan ng ibang lalaki dito na single pa siya.

"Hijo iwan ko muna kayo ni Mia. Gigisingin ko lang ang asawa ko. "

"Sige po tita walang problema" nakangiti kong sabi.

"My sama ako sayo" may halong kaba na sabi niya.

"Dito kana Mia. Tulungan mo si Vhander kawawa naman"

"Mag-iiwasan nalang ba tayo Mia? " malumanay kong tanong.

"Galit ka ba sa akin kuya? "

"Hindi ako galit Mia kaya humarap ka sa akin"

"Di ko naman talaga gustong suotin to" sabay turo niya sa bikini niyang suot.

"Si mommy kasi pinipilit niya ako. Sabi niya kung hindi daw ako magsusuot nito ibig sabihin daw nun may boyfriend daw ako at baka daw magalit pag nakita akong nakasuot nito" naiiyak niyang paliwanag.

"Tingin mo ba Mia magagalit ako pag nag-suot ka niyan? "

Nagulat ako ng yumango siya agad.

"Bakit mo naisip na magagalit ako? "

"Diba sabi mo kanina wag daring! "

"Mia, sabihin mo sa akin ha kung nasasakal ka o pakiramdam mo nawawalan ka ng kalayaan"

"Hindi kuya. Gusto ko nga eh." nahihiyang sabi niya.

"Mia kung may oras ka pa mamaya date tayo ha! Narinig ko kasi sa usapan ng mommy at daddy mo mag babar sila mamaya kasama ng mga amigas nila baka isama nila ang kuya mo"

"Pero baka bantayan lang ako ni Kuya Brook kuya. "

"Ako ng bahala pipilitin ko siyang sumama" nakangisi kong sabi." 

Text ng text ako kay Mia pero hindi siya sumasagot. Saan na kaya siya? Buti nalang napaniwala ko si Brook na masakit ang tiyan ko.

"Kuya"

Napalingon ako at nakita kong hingal na hingal na dumating si Mia.

"Anong nangyari sayo? "

"Kuya ang layo naman kasi nito akala ko doon lang sa likod ng hotel yun pala dito sa magubat" maktol niyang sabi.

"Sorry marami kasing tao doon pero Mia may hinanda ako"

Halatang napahanga siya sa ginawa ko. Medyo magubat nga itong napili kong lugar pero safe naman siya dahil chineck ko ito kanina. Naglatag ako ng makapal na kumot plinano ko na kasi na kailangan maka date kami ni Mia kahit sandali kaya nagbaon ako.

"Saan galing tong nilatag mo kuya? "

"Dala ko yan, buti hindi napansin ng kuya mo na mabigat yung bag kong dala. "

Lumapit si Mia at umupo.

"Wala naman sigurong ahas dito kuya diba? "

"Wala. Pina check ko ito kanina kaya safe na safe tayo. "

Fall with me Kuya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon