Mia
"Kuya Brook, di ko pa ba pwedeng puntahan si Kuya Vhander?" tinigil ni kuya Brook ang pagkain sa ubas na nilalantakan niya at tinignan ako. "Kakayanin mo na ba? Baka kasi masakit pa yang dibdib mo?" may halong takot na sabi niya. "Mukhang okay na kuya, humiram ka nalang ng wheelchair, please!" nakangiti kong sabi. "Tatlong araw na ang nakalipas, baka pwede na?" dagdag ko.
"Pero pangako mo muna sa akin na hindi ka iiyak mamaya" nakangisi niyang sabi. Ngumuso ako, "Susubukan ko." nakangiti kong sabi.
Kuya Brook told me everything, mula sa magising si Kuya Vhander hanggang sa sinabi niyang nagka amnesia ito. It took time for me to absorb what he told me, masakit man tanggapin but Kuya told me to be strong. Kailangan ako ni Kuya Vhander, I need to help him to remember everything so I have to be strong for the both of us.
"Sige, magrerequest lang ako ng wheelchair para sayo." tumayo si Kuya Brook at lumabas ng kwarto ko.
Kahit nasa kabilang kwarto lang ang kay kuya Vhander parang ang bagal bagal ng galaw namin, kinakabahan ako na iwan. Hindi ko maintindihan at halo halo na ang emosyon na nararamdaman ko. Binuksan ni kuya Brook ang kwarto ni Kuya Vhander at tinulak ng nurse ang wheelchair ko papasok sa kwarto.
Nakangiting tumayo si Patrice sa akin at nilapitan ako. "Tulog pa si Kuya Vhander" mahinang sabi niya. "Pero wag kang mag-alala tiyak gigising na yan mamaya" lumabi ako. Naiiyak ako sa sitwasyon ni kuya Vhander ngayon. Malala pala ang nangyari sa kanya kesa sa akin. Ang sakit makita siyang ganito. Tumulo ang luha ko kaya pinunasan ko agad ito dahil nangako akong hindi na iiyak.
Nakatitig lang ako sa mukha ni kuya Vhander, may scar na siya sa gilid ng kilay niya. Kahit ganun hindi nabawasan ang kagwapuhan niya.
Nagulat ako ng bumuka ang mata niya, tumingin siya sa akin. Kumabog ang dibdib ko, hindi ko alam ang gagawin kaya ningitian ko siya. "Sino ka?" lumabi ako. Hindi niya ako natatandaan. "Ako si Mia" mahina kong tugon.
"Ikaw ba ang girlfriend ko?" tumulo ang luha ko sa sinabi niya. "Natatandaan mo?" tanong ko. "Ahh sinabi ko sa kanya nung pag gising niya" sabat ni Patrice. "Pwede niyo bang iwan muna kami saglit" nagulat ako sa sinabi ni Kuya Vhander. Sumunod naman sila Kuya Brook at Pat at sabay lumabas sa kwarto.
Hindi ako umimik at hinihintay na magsalita siya. "I'm sorry" umangat ang ulo ko at tinignan siya. "Pasensya ka na hindi kita matandaan, but my heart beats when I opened my eyes and saw you." kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag-iyak ko. "Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, kakaiba ka sa panignin ko." tinaas ko ang kamay ko at hinawakan ang kamay niya.
"Kuya, magtulungan tayo. Tutulungan kitang maalala ang lahat. Pero sa ngayon magpagaling kana agad para makauwi na tayo." sabi ko. Pinikit niya ang mata niya. "Mukhang okay naman ako, uwi na tayo" natatawang sabi niya. Natawa rin ako. Ganitong ganito dati si Kuya Vhander he's funny but mostly he's sarcastic that makes him more funny.
"Paano ba tayo nagkakilala?" tanong niya. Ngumuso ako. "Best friend mo ang kuya Brook ko. Bata palang ako panay pang-asar kana sa akin. But you're always my hero after the day" sabi ko. "Inaasar kita? Teka nga bakit kuya tawag mo sa akin kung girlfriend kita?". Huminga ako. "Yup, every single day mo akong inaasar dati at walabg araw na hindi mo ako pinapaiyak. To answer your second question, kuya ang tawag ko sayo kasi secret relationship tayo dati. Ayaw kasi ng parents ko sayo." nakangiti kong sabi. "Ayaw sa akin nang parents mo? Pero bestfriend ako ng Kuya mo?" nalilito niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Fall with me Kuya (Completed)
General FictionAll i want to hear from you is to say you love me too! -Vhander Matured Content