Pat ayoko ngang gumawa ng project sa inyo, sa bahay nalang kasi namin.
"Ano bang problema mo sa bahay namin? " nakangisi niyang tanong.
Malaki. Malaking malaki ang problema ko sa bahay niyo. Gusto kong isigaw sa mukha niya pero diko magawa.
"Wag ka nang maarte sa bahay ko nalang, boring sa bahay niyo eh!"
Urghh nangangalati na ako sa gigil. Gusto kong suntukin si Patrice kong pwede lang sana pero diko magawa.
Nakabusangot akong nagdoorbel sa bahay nila. Pinagbuksan ako ng yaya niyang si Manang Mila.
Umupo ako sa sofa na nakayuko. Ayoko talaga dito sa bahay nila. Iniinis lang ako ng pinsan niyang si Kuya Vhander eh.
"Andito pala ang princesa" hindi ako sumagot dahil wala akong oras makipagsabayan sa kuya niya.
"Wala ka na bang bibig mahal na princesa o sadyang bingi ka lang"
Hindi parin ako umimik, naramdaman ko nalang na may tumabi sa akin. "Mahal na princesa gusto mo bang tumambay sa kwarto ko" sabay akbay niya sa akin.
Agad akong tumayo at sinapak siya sa braso. "Leave me alone" na kina echo ng bahay nila.
"Kuya Vhander iniinis mo nanaman ba si Mia?"
Hindi siya sumagot sa halip kinindatan niya lang ako na kinainis ko lalo.
"Mia, tara na sa kwarto ko"
Tumakbo ako agad kay Patrice at sabay kaming pumasok sa kwarto niya.
"Pat, ayaw ko dito sa bahay niyo si Kuya Vhander kasi! "
"Ganyan lang talaga yang si Kuya, type ka yata eh" nakangisi niyang sabi.
"eww, lagi akong iniinis ng kuya mo kulang nalang paiyakin niya ako eh" maktol ko.
"Wag mo na siyang pansinin. Simulan na natin Project natin" sabi niya.
Inabot niya ang gunting sa akin, ginupit ko agad ang illustration board gagawa kasi kami ng brain gamit ang clay at iba pang materials.
"Mia maghahanda lang ako ng snack natin ha"
Yumango lang ako at pinagpatuloy ang paggugunting.
"pstt Princess gusto mo tulungan kita? "
Lumingon ako at nag rolled eyes sa kanya. Tumawa siya at kinindatan ako ulit.
"Sige lang magsungit ka pa bagay sayo, mukha kang baboy" sabay tawa niya
Gusto ko talagang sipain si kuya Vhander pero imbes patulan siya diko nalang ginawa. Pinagpatuloy ko nalang ang paggunting.
"Mia kain ka muna" nilapag ni Patrice ang cookies na dala niya at four season juice.
"Pat yung jacket ko?"
"Ayy teka kuya kukunin ko sa baba" tumayo si Pat at iniwan ako pinagpatuloy ko ang ginagawa ko habang kinakagatan ang cookie.
"Mali yang pag gunting mo" hinila niya agad sa akin ang illustration sabay ang gunting.
"Ganito dapat"
Tinignan ko lang si kuya Vhander, gwapo pala siya sa malapitan. Chinky yung eyes niya in other words pasado na sa standards ko pero ang ugali niya walang wala.
"Gusto mo ba akong halikan?"
Parang lahat ata ng dugo ko sa baba pumunta sa taas. "Ang feeler mo!" Galit kong sabi.
"Pwede ba kitang ligawan?" imbes na ma shock ako naiinis ako lalo dahil bigla niya akong hinalikan sa pisngi.
"Bastos " sabay tayo ko.
BINABASA MO ANG
Fall with me Kuya (Completed)
Ficción GeneralAll i want to hear from you is to say you love me too! -Vhander Matured Content