25

5.2K 132 1
                                    

Vhander

"Nandito ako para sayo Mia. At kahit ilang beses pa akong bugbugin ni Brook hinding hindi ako aalis sa tabi mo kahit ikamatay ko"

Napalitan ang ekspresyon ni Mia ng pangamba. "Bakit ngayon mo pa ako pinuntahan? Alam mo bang ayaw parin ni daddy at kuya sayo?

"Gagawin ko ang lahat, bumalik lang sa dati ang lahat Mia ipapakita ko sa daddy mo na ako lang ang nararapat sayo.. Ngayon lang ako nakapunta dahil inayos ko muna ang sa amin ni Anne at ang pag leave ko sa hospital" nakangiti kong sabi

Humakbang ako at lalapitan siya ng tinaas niya ang kanang kamay niya na pinapahinto ako...


"Dyan ka muna, may tanong ako kuya"

"Ano yun?" malumanay kong sabi.

"Bakit ka nag girlfriend?" nakataas kilay niyang sabi. Napangiti ako, para kasi siyang bata sa itsura niya ngayon...


"Wag kang ngumisi naaiinis ako sa itsura pag ganyan ka" dagdag niya pa. Huminga ako at tinignan siya sa mata. "Dahil akala ko wala ng pag-asa magkita tayo ulit. Tinago ka ng sobra ng pamilya mo sa akin ni hindi ko alam kong saan kita hahanapin" paliwanag ko.

"Matalino ka nga sa academics bobo ka naman sa direksyon" bulaslas niya... "Pumunta ako ng Australia after I save enough money, dumating ako doon at tinawagan ako ni Pat the next day na wala pala kayo doon nasa London. I have to wait for my sem break para mapuntahan ka Mia, ilang buwan ako naghintay at winter pa nang dumating ako sa London pero iba ang nakita ko roon."



Tumigil ako at tinignan si Mia dahil papaiyak nanaman ang mata niya. "Bakit ka tumigil? Tuloy mo" sabi niya.


"Si Brook ang nakita ko roon, nag-usap kami. Nagmakaawa ako sa kanya na tulungan niya akong magkausap tayo pero hindi siya pumayag. Sinabi rin niya sa akin na hindi ka niya kasama at ang mga magulang niyo ang kasama mo... Napagod ako Mia, at inaamin kung sumuko ako at nawalan ng pag-asa" mahina kong sabi..


"Pero masaya ako dahil nagkita tayo ulit. Kaya patawarin mo ko kong nagkulang ako" dagdag ko.

Tumakbo siya at niyakap ako. "Sorry din kuya" umiiyak niyang sabi. "Sorry kasi hindi ako naging matibay para ipaglaban ka" humikbi niyang sabi


"Shhhhhhh, ang importante magkasama na tayo" niyakap ko siya ng mahigpit...

Bumitiw siya sa yakap at tinignan ako. "Ilang buwan ang leave mo? "

"2 months. Pero wag kang mag-alala gagawa tayo ng maraming memories sa dalawang buwan na 'to" sabi ko.


"Saan ka titira kuya?" tanong nito. Napaisip ako oo nga saan ako titira. "Hindi ko alam, may malapit ba na hotel dito?" tanong ko.


"Joke lang, dito ka na. May isang kwarto pa naman." sabi nito na nakangisi. Napatawa nalang ako nakalimutan kong artistahin pala tong girlfriend ko.


"Tayo pa rin naman diba?" seryoso kong tanong. "Oo eh kahit nag two time ka" sagot niya... "Ikaw ba walang naging ano rito?" tanong ko. Pero parang gusto kong bawiin modelo si Mia impossibleng wala. Kinagat niya ang labi niya at napayuko. "I didn't have but had flings kuya, casual dating and flirting"


Pinaangat ko ang chin niya. "Wag kang mag-alala, I won't judge you for that. Pareho tayong may nagawang hindi tama pero noon na yun Mia. Ibabaon na natin iyon. "


Hinalikan ko siya sa noo. I miss her so bad, niyakap ko siya ulit... 


"Sorry kuya ang kalat nitong kwarto nakalimutan ko kasing linisin" nahihiya niyang sabi. "It's okay. Alam kong burara ka parin" natatawang sabi ko. Maraming damit nakalagay sa hihigaan ko kaya kinuha ko ito, nagulat nalang ako ng pati pair ng bra at panty meron din.

Fall with me Kuya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon