15

5.4K 129 2
                                    

Vhander

"Vhander naman bakit di mo sinabi na girlfriend mo si Mia? " hesterical na sabi ni Mama sakin.

"Coz I know hindi papayag si Brook, Ma lalo na ang Parent's niya"

"Tignan mo yang mukha mo para kang nilaplap ng bubuyog at halos di na bumuka" naiiyak niyang sabi. Napabuntong hininga ako hindi ko maintindihan si Mama kung nagagalit ba siya o naiiyak sa sitwasyon ko.

"Kuya naman kasi, sabi ko na sayo magpaalam ka. Tapos sinuntok ka na nga di ka pa lumaban" sabat naman ni Patrice.

"Di ko pwedeng gawin yun" mahinahon kong sabi.

"At bakit aber? " tanong ni Pat

"If I'll do that Brook will never give me his blessings to marry Mia. Come to think of it" nakangisi kong sabi.

"Ayan lumabas din" mahina akong pinalo ni mama sa braso. "Naku Vhander pag inulit pa ni Brook yang ginawa sayo sabihin mo sa 'kin hindi ako magdadalawang isip kasuhan siya" asik ni mama.

"Oo nga kuya, sabihin natin sa Mommy mo para mas malakas pwersa natin" natatawang sabi ni Pat. "Don't tell her. She doesn't need to know! " umiiling na sabi ko. "Maayos na ako Ma, Pat kaya wag kayong mag-alala na sakin. Tsaka wag niyo na ding sabihin kay Papa baka mauwi yun ng di oras" nakangisi kong sabi.

"Malamang, tiyak magkakagulo pa sila ni Herson dahil dyan" wika ni mama. "Sige Ma tulog na ako, salamat sa pag gamot sa akin" humalik ako sa pisngi niya at ginulo lang ang buhok ni Pat. Ang laki laki na ng utang na loob ko sa pamilyang ito. They stand for me bilang Mama at Papa ko at may instant kapatid na ako slash pinsan.

Wala namang kaso sa akin ang ginawa ni Brook, kahit sobrang sakit ng pagsuntok niya sa akin mas masakit pa kung malalaman kung nasaktan si Mia. Gusto kong lumaban pero mali talaga ako simula palang. Tapos heto nakikialam na ang parents nila Brook tiyak gusto na akong ipapakatay ng daddy niya sa addict sa kulungan.

Pumunta ako sa bahay nila kahapon, pero kita ko talaga ang galit sa mga mata ni Brook. Di nga nila ako pinapasok kahit todo na ako sa pagsigaw sa labas ng bahay nila. Kamusta na kaya si Mia? Maayos kaya kalagayan niya? Nag try akong e text siya mula kahapon pero hindi siya sumasagot. Baka kinuha na ni Brook ang phone niya kaya wala siyang reply.

Tumunog ang phone ko at kinuha ko iyon. Nagulat ako dahil si Mia ang tumatawag agad kong sinagot ito.

"Miaa? "

"This is Herson, Vhander gusto kitang makausap."

Napalunok ako. Malapit na kasing mag alas dose ng hating gabi tapos hetong oras pa na ito ang gusto niya akong makausap.

"Wag kang mag-alala hindi pa kita papatayin" dagdag nito. Huminga ako ng malalim bahala na. "Saan po?" tanong ko.

"Sa basket ball court" sasagot pa sana ako ng marinig kong tumunog na, na ang ibig sabihin putol na ang linya. Nagbihis ako ng shirt pero basketball short parin ang suot ko. Bumaba ako at nagbitbit ng flash light.

Malalim na talaga ang gabi ilang metro lang ang layo ng bahay sa basket ball court at sa malayo palang may naaaninag na akong bulto ng lalaki. Sa pangangatawan palang niya alam kong si Tito Herson na iyon.

"Magandang gabi po" bati ko rito. Malalig na tinignan niya ako.

"Naging mabait kami ng asawa ko sayo maging ng anak kong si Brook. Paano mo nagawang itago sa amin iyon? " casual lang ang mga salitang binibitawan niya.

Yumuko kahit mas matangkad ako sa kanya. "Patawarin niyo po ako tito" buong sinseridad kong sabi.

"Naawa din ako sa ginawa ng anak ko sayo Vhander, may hihilingin lang ako sayo"

Tumingin ako sa kanya ng diretso. Pero nagulat ako sa mga sunod sunod niya sinabi sa akin. Umiiling iling pa siya. Nanlulumo ako ilang minuto ang dumaan pero parang nagsisink in pa lahat sa utak ko ang sinabi ni Tito Herson. Gusto kong umiyak at ilabas ang saloobin ko. Hindi ko man kang alintana na kanina pa siya nakaalis sa harapan ko.


Dalawang buwan na ang dumaan ang unting unti ng gumagaling ang mata ko. Miss na miss ko na si Mia gusto ko siyang puntahan at bisitahin pero alam kong may mga matang nakasunod sa bawat galaw ko.

Bawat minuto siya lang ang nasa utak ko. Hindi ko mapigilang maiyak minsan sa gabi para akong may sakit na hindi tinatablan ng gamot. Para ding akong isang ugat na unting unting pinapatay sa pagkawalay sa kanya God I miss her so much!!

"Vhander tahimik mo diyan? " tinignan ko si Thea. Ngayon ko lang napansin wala na pala siyang glasses na ginagamit. "May naaalala lang" sabi ko. "Nag break kayo ng girlfriend mo? " mausisa niya tanong. "Never" sagot ko agad.

"Ang strong mo naman" nakangisi niyang sabi. "Kailan mo pa tinanggal ang glasses mo? " tanong ko. "two weeks na, tama nga ako hindi mo napapansin" mahinang sabi niya.

Hindi ako umimik, kailangan kong gumawa ng paraan para makita ko si Mia kahit saglit lang, kahit isang minuto lang o di kaya'y kahit likod lang niya sapat na iyon para mabawaswasan din ang pangungulila na nararamdaman ko.

Lumingon ako at nakita ko si Michael kababa sa sasakyan niyang honda civic. Alam ko na!!

Kanina pa ako pabalik balik sa labas ng eskwelahan ni Mia pero hindi ko siya maramdaman na andito siya. Wala ng pasok at alam kong hindi kakayanin ni Brook na sunduin si Mia dahil malayo ang eskwelahan niya. Napansin ko si Patrice papalabas palang pero mag-isa lang siya. Bumusina ako sa kanya ng makalabas na siya.. Binuksan ko ang bintana sa passenger seat. Gulat na gulat siya sa akin ng makita ako. Suminyas akong pumasok siya kaya tumakbo siya agad papalapit sa akin.

"Kuya bagong kotse mo? "tanong niya agad matapos niyang masara ang pintuan. "Hindi kay Michael 'to hiniram ko lang. Nga pala hindi kayo magkasama ni Mia? "

"Kuya bad news! " malungkot niyang sabi.

"Bakit? "

"Kuya 2 weeks ago ng nakaalis ng bansa si Mia. Narinig ko kanina sa office ng principal at teacher's. Lumipat na si Mia kuya"

Para akong binagsakan ng isang sako ng bigas. Naramdaman kong may tumutusok sa puso ko at gusto kong maiyak. Wala ito sa usapan namin ni Tito Herson...

Hinatid ko si Pat sa bahay bago ako dumiretso sa eskwelahan at isauli kay Michael ang kotse niya. Hindi ako pumasok sa klase ko at kinuha nalang ang kotse ko at umuwi nasa bahay.

Ang sakit sakit sa pakiramdam na iniwan ako ni Mia. Wala man lang siyang ginawang paraan para e text ako o sulatan para may balita man lang ako sa kanya... Hindi ko mapigilang umiyak at kusa ng tumutulo sa mata ko ang mga luha.

I miss her so bad. Her laughs, her smile, the way she'll giggle. I miss her soft lips her hair the way I brushes it with my fingers. Everything about her....




+++++++++++++++++++++++++

Early 3 Years

Mia

"Good Morning Mia, the plain magazine is interested to have you as their new cover girl" hindi ko sinagot ang manager kong si Heidi I know what she's up to. Money, money, money.

Binaba ko agad ang telephone. "Mia anak come join me for breakfast" I looked at my mom with a bored look. "I'm not hungry!" i said. Her face turns into disappointed. I'm starving already but I'll do my best not to eat breakfast with her never.

"Are you okay? " she asked worriedly. "I'm fine, I'll just take a bath" tumayo ako at nilampasan siya. No matter how they tried to reached me I wouldn't let them in. I'm trying to be the independent lady but living with same roof with them and brave girl at the same time.

Everytime the hot water touches my skin everything happened in the past keeps on replaying in my mind of how great my parents are it felt nostalgic. I grimaced at the thought of it. They don't deserve the Mia they know before not now and never will be...

Fall with me Kuya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon