Vhander
"Hello Anne!"
"Hi Babe, asan ka na?" tanong niya.
"Nasa mall pa ako. Didiresto na ako dyan pagkatapos kong mabili tong pinipili ko" pagsisinungaling ko.
"Sige, ingat ka. Love you!"
Inend ko ang call. Nasa jewelry shop ako ngayon balak ko na kasing magpropose kay Anne. Nalaman ko na malapit na pala akong mag 28. Siguro panahon na sa akin mag settle down.
"Good afternoon Sir!" bati sa akin nung sales lady. "Miss pwedeng matignan to" turo ko sa singsing. "Sige po" kinuha niya ang singsing at binigay sa akin. "Magkano to?" tanong ko habang sinusuri ang singsing. "200,000 Sir pero pwede niyo pong mabenta yan o palitan kung hindi niyo na po type" nakangiting sabi ng babae.
"Yun isa din Miss pakita" turo ko sa singsing na pinakauna na may malaking ginto sa gitna..... Hmm mukhang mas maganda parin itong una kong napili kesa dito sa pangalawa.
"Lea ako na dito, pinapatawag ka ni Miss Pearl"
Pag angat ko ng ulo ko ibang babae na ang nakabantay. "Sir, kayo pala. Kamusta kayo?" nakangiti nitong bati.... "Okay lang. Ito yung kukunin ko"... sabay abot ko sa kanya sa singsing. "Maganda po itong napili niyo. Palalagyan niyo ulit ng pangalan ni Miss Carmine?" kumunot ang noo ko sa sinabi ng babae. "Kilala mo siya?" gulat kong tanong.
"Opo, siya yung girlfriend niyo diba? Nagpagawa pa nga kayo dito ng necklace dati para sa inyong dalawa." nahihiya niyang sabi.... "May ipapalagay pa po kayo?" tanong niya....."Wala na" sagot ko. "Sige po balik lang po ako." umalis siya sa harap ko.
Biglang sumakit ang ulo ko na ikinapikit ko. Hinawakan ko ang gilid ng ulo ko.....Nanakit na ito at lumalabo ang paningin ko ng binuka ko ang mata ko. Humarap ako sa pintuan pero malabo lahat ang nakikita ko. "Sir, sir okay lang kayo?" Kumapit ako sa braso ng guard. I couldn't take the pain.
"Hindi na dapat kayo mag-alala Mrs. Alcantara. Maayos na ang kalagayan ng anak niyo. Kailan lang niya magpahinga, nangyayari po talaga ang mga paghihilo lalo na sa mga taong nagkaroon ng Amnesia. Mauna na po ako.
"Salamat Doc!"
Binuka ko ang mata ko. Nakita ko si Mama puno ng pag-alala ang mukha niya. "Ma" tawag ko sa pansin niya. "Anak" nag-aalala siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Ano? Masakit pa ba ang ulo mo? Anong masakit sayo?" sunod sunod na tanong niya.... "Medyo masakit pa ang ulo ko ma pero kaya ko na." nakangiti kong sabi.
Bumukas ang pintuan, pumasok si Anne na umiiyak. "Vhander? Thank God okay kana!" lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Hi tita! Ano pong sabi ng doctor?" naiiyak niyang sabi. "Normal lang daw hija, hindi na dapat tayo mag-alala" sagot ni mama sa kanya.
Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari. Ang alam ko naghiwalay na kami ni Anne at okay na kami ni Mia. "Anak iiwan ko muna kayo saglit bibili lang ako ng pagkain." pagpapaalam ni Mama. Naiwan kami ni Anne, sinusuklay niya ang buhok ko. "Pinag-alala mo ako ng sobra, dapat sinama mo na ako sa mall" nakanguso niyang sabi.
"I'm sorry" yun lang ang nasabi ko dahil naguhuluhan ako sa sitwasyon namin. "Okay lang, basta ang importante you're okay" nakangiti niyang sabi at hinalikan ulit ako. Shit I remember now. Napapikit ako.
"Babe? Okay ka lang?" binuka ko ang mata ko at bumangon. "Anne sabihin mo sa akin, anong nangyari sa akin? Nagka amnesia ba ako?" hindi siya nakaimik sa sinabi ko at umawang ang bibig niya halatang nagulat siya sa sinabi ko. "Naaalala mo na?" naiiyak niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Fall with me Kuya (Completed)
Художественная прозаAll i want to hear from you is to say you love me too! -Vhander Matured Content