Mia
Tatlong buwan na ang lumipas. Palaging umaalis si Kuya Vhander na hindi ako kasama. Wala akong magawa kung hindi umiyak. Wala si Kuya Brook dahil pinagpatuloy niya ang pag-aaral niya sa London. Ako lang ang naiwan dito sa pilipinas kasama ang yaya at driver. Wala akong masabihan sa dinaramdam ko.
Umalis ako at nagpahatid sa driver ko sa mall. Gusto kong e divert ang atensyon ko. Pumunta ako sa mga sandals. May naka display doon na silver high heels.. Ang ganda bagay na bagay na e pares sa traje de boda. Sana ganito din ka ganda ang isusuot kong heels sa kasal namin ni Kuya Vhander. "Ma'am gusto niyong sukatin?" tinignan ko ang sales lady na katabi ko. "Sige" tugon ko. Umupo ako sa silya at hinintay ang babae. Bumalik siya dala ang sandal.
Sinukat ko agad ang sandal at perfect na perfect siyang tignan sa paa ko. Sumilaw ang mata ko. "Ma'am bagay na bagay po sa inyo" saad ng babae. "Oo nga eh. Eksakto din ang size. Magkano to?" tanong ko. "7449 po ma'am" sagot agad nung babae. "Sige kunin ko na" nakangiti kong sabi.
Pagkatapos doon sa mga damit naman. Bumili ako ng bagong dress at sundress mukhang namiss ko na ang beach eh. Kumalam ang sikmura ko mukhang nagutom na ako sa pamamasyal ko. Pumunta ako sa Wendy's at doon kumain. Umorder ako agad ng chocolate cake, spaghetti at Buko pandan. Hinihintay ko ang inorder ko ng mapansin ko ang babae at lalaki na dumaan sa harap ko. Tumulo ang luha ko ng makilala ko sila. Masayang magkahawak kamay silang dumaan sa harap ko.. Para akong sinaksak sa nakita ko.
Hindi ko malunok ng mabuti ang inorder ko. Tudo tulo ang luha ko. Hindi ko na kayang manatili doon. Tinawagan ko agad ang driver ko at nagpasundo na. Dumiretso agad ako sa parking lot. Nandoon parin ang sasakyan ni Kuya Vhander. Hindi ko makakalimutan ang plate number niya dahil combination namin iyon. CVD XX29 (CarmineVhanderDelgado)
Huminto ang sasakyan sa harapan ko pumasok ako agad at doon nilabas ang kanina ko pang pinipigilan na luha. Alam kong nagtataka na si Manong kung anong nangyari sa akin. Hinintay kung gumabi. Nag-abang ako sa labas ng bahay nila Kuya Vhander. Pumarada ang sasakyan niya at lumabas siya doon. Mukhang hindi pa siya masaya na nakita ako. "Mia andyan ka pala?" saad niya. "Kanina pa kita hinihintay kuya" tugon ko. "Sana sa loob mo na ako hinintay" nakangiti niyang sabi.
"Anong nangyayari sayo kuya?" kinagat ko ang labi ko. "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya. "Bakit ka lumalayo sa akin kuya? Ako dapat ang tumutulong sayo pero iba na ang kasama mo. Anong nangyayari sayo?" Kumawala ang luha sa mata ko. "I'm sorry Mia. I don't want to hurt you. Pero iba na ang nararamdaman ko kay Anne. Mahal ko na siya." bumuhos ang luha ko. "Bakit kuya? Ako ang girlfriend mo kuya! Bakit mo ito nagawa sa akin? Mahal kita mahal natin ang isa't isa." umiiyak na sabi ko.
"I'm sorry Mia. Pero hindi ganun ang nararamdaman ko para sayo" malungkot na sabi niya. "Kuya may amnesia ka lang kaya nalilito ka." lumapit ako sa kanya. "Kuya ako ang mahal mo hindi si Anne. Nasasabi mo lang yan kasi wala kang maalala kuya" hindi ko na mapigilang magwala sa harap niya. "I'm sorry Mia." yun lang ang sinabi niya at lumayo sa akin. "Umuwi ka na." dagdag pa niya.
Iniwan niya ako at pumasok na sa bahay nila. Umiiyak na umalis ako doon. Kinabukasan wala si Kuya Vhander umalis sila ni Anne. Nakita ko si tito Herson. Lumapit ako sa kanya at umiyak. "Tito hindi na ako mahal ni Kuya Vhander" inalo niya ako at niyakap. "Pasensya ka na hija sinasabihan na namin si Vhander pero ayaw niya." dumating si Tita Venus at niyakap rin ako. "Hija kumalma ka. Hayaan mo kakausapin ko ulit si Vhander." dinamayan ako nila tito at tita. Hindi sila umalis sa tabi ko buong hapon. Sa kanila na din ako naghapunan. Mabigat ang dibdib ko ng lumabas sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
Fall with me Kuya (Completed)
General FictionAll i want to hear from you is to say you love me too! -Vhander Matured Content