Vhander
Nagising ako na wala na sa tabi ko si Mia. Shit ang lamig. Nanginginig akong tumayo at nilapitan ang maleta ko sabay bukas nito.. Sinoot ko ang sweater jacket ko at cotton pants.
Pumasok ako sa banyo at naghilamos at nagmugmog. Paglabas ko nakita ko si Mia nagluluto, ang dami ngang nagbago sa kanya dati bake bake lang ang alam ngayon yung pagluluto na talaga.
Niyakap ko siya sa likod at hinalikan sa pisngi. "Good morning" I greeted. "Good morning KUYA" nakangisi niyang sabi. "Ano yang niluluto mo?" tanong ko. "Sinigang na baboy, I hipon sana isasahog ko kaso malayo ang market sa mga seafoods dito. Di rin naman ako nagstostock kasi nga allergy ako" sagot niya.
Inamoy ko ang niluto niya pero yung natural na amoy niya ang naamoy ko. "Mukhang masarap ka kesa dyan" nakanguso kong sabi. Bigla niyang tinampal ang noo ko kaya napalayo ako. "Bolero ka talaga" pataray niyang sabi. Ngumisi ako, "Ang taray mo talaga noh? Buti nakayanan ko yang ugali mo" sabi ko na natatawa.
"Ah ganun. Edi wag kang kumain nito. Lumabas at maghanap ng makakain mo, tiyak mamamatay ka ng sobrang lamig sa labas. " pinatay niya ang stove at nilagpasan ako.
Napaisip ako at napabuga ng hangin. Hinila ko siya at binuhat kaya napaupo siya sa kitchen niya. "Wag ka nang magtampo, ang panget kasi pag nag-aaway tayo" malungkot kong sabi. Ngumuso siya at hinalikan ang noo ko, "Sorry din kuya... Childish ko parin noh? " Napatawa ako... "I love you" sabi ko sa kanya habang nilalapit ang mukha ko sa kanya hanggang sa nag-abot ang ilong naming dalawa. "Mahal din kita" nakangiti niyang sabi.
Napapikit ako ng mata ko at iniisip kong gaano kaswerte ko. "Buntisin nalang kaya kita" seryoso kong sabi. Bigla niyang pinalo ang magkabilang balikat ko kaya napaigik ako. "Brutal mo" sabi ko.. I "Ang panget kasi ng joke mo" saad niya... "Mia hindi ako nagjojoke. Paano kaya kung buntisin na kita para wala ng magawa ang daddy mo. Wala na silang magagawa kundi tanggapin ako" seryoso kong sabi.
"Hindi ganun kadali kuya, baka magsisi tayo niyan." ngumuso siya. "Bakit ayaw mo bang magka baby tayo? Hindi ka pa ba sigurado sa akin Mia? " mahina kong sabi."Hindi sa ganun kuya, gustong gusto ko pero ayokong magkamali na naman tayo pag di natin pinaalam sa kanila diba? Kahit ngayon na gusto mo gawa na tayo"
"Tara" sabi ko. Bigla niya nanaman akong pinalo. "Aray Mia ha"sabi ko... "Kuya naman eh, ang ibig sabihin ko doon magagawa natin ngayon mismo kapag binigyan na nila tayp ng blessings nila. Kaya wag kanang ma sad kuya, gagawa tayo ng paraan" hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa noo at hinila palapit sa kanya sabay yakap.
"Kuya bihis ka na? Tara na alis na tayo" tumingin ako sa pintuan nandon si Mia nakatayo at nakasuot ng jacket na nude at boots. "Sandali nalang baby, isusuot ko na to" sabi ko at pinasok ang magkabilang kamay ko sa jacket. Mag mamasyal daw kami tapos negative degrees na sila dito sa sobrang lamig.
Lumabas kami ng apartment, hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanaya at napangiti.... "You'll gonna enjoy kuya". Lumunok ako ng laway ko pero parang wala na dahil na freeze na din sa sobrang lamig.
Sumakay kami ng train kaya nabawasan ang lamig na nadarama ko. "Saan tayo pupunta?"tanong ko. "Berlin muna tayo, dahil yun ang pinakamalapit" sagot niya.. Sumandal sa balikat ko si Mia, hinding hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Pinikit ko ang mata..
"Kuya andito na tayo" masayang sabi niya. Bumaba kami sa train at lumabas.. Hila ng hila sa akin si Mia halatang na eexcite siya... Ilang metro pa ang nilakad namin ng maeating namin ang the Berdin wall...
"Yieee" umiikot ikot pa sya at nakatingin sa taas. "Kuya picture tayo" hinila niya ako kaya kinapa ko ang phone ko sa bulsa. "1,2,3 smile" clinick ko ang middle circle at todo kami sa pagkuha ng litrato ni Mia.
"Kuyaaa picturan mo ako ng solo" nagpose na siya agad kahit hindi ra ready ang phone ko. Kung tititigan mo si Mia para siyang ordinaryong tao lang, sobrang simple. Finocus ko ang front ang ganda niya talaga. Para siyang Dyosa ng kagandahan.
Pumasok kami sa isang cafe restaurant nagkada ubo ubo na ako dahil sa lamig. "Okay lang yan kuya masasanay karin" sabi niya. Sinerve yung coffee na inorder namin kaya tinikman ko agad ito. Ahhh it felt better.
"Kuya tikman mo 'to masarap" kinagat ko yung bread na binigay niya. "hmmm okay lang" komento ko. Nagpatuloy siya sa pagkain mahilig siya sa pasta. Buti hindi lahing tabiin sila Mia..
"Kuya konti lang kinakain mo? Ito tikman mo rin 'to." ngumiti ako sa kanya. "Busog na ako" wika ko. "paano?"... "Kakatitig sayo"tinaas ko ang kilay binaba niya agad ang paningin niya halatang kinilig. "Tindi ng blush on na nilagay mo ah" sabi ko. "Ha?" hinawakan niya agad ang pisngi niya. "Wala naman!!" pinalo niya ang kamay ko na nasa lamesa kaya mas lalo akong natawa sa reaksyon niya...
Nakauwi kami sa bahay mga aalasyete na ng gabi. Tinanggal ko ang coat ko... "Ahhh" sumalampak ako ng higa sa sofa.. "Kuya okay ka lang?" tanong niya. "Yeah" sagot ko. Napa atsing ako. "Magluluto lang ako kuya, pahinga ka" saad niya.
"Kuya gising na, kuya" iniisa isa kong binuka ang mata ko at tinignan si Mia pero ang bigat ng talukap ko. "Kuya kain na" ayaya niya.. "Mauna ka na baby, tulog mo na ako" sabi ko.
Hinawakan niya ang leeg ko pati noo. "Kuya may sinat ka?" nag-aalalang sabi niya. "Teka kuya may gamot ako rito" tumayo siya at nilapitan ang medicine kit niya kaya pinikit ko ulit ang mata ko. Kaya pala, ang dali kong mapagod.. "Kuya bangon ka muna saglit, inomin mo 'to" bumangon ako at kinuha ang gamot sa palad niya pati ang tubig. Ininom konagad ito at tinignan siya. "Thank you" I said sincerely. Hinalikan niya ako sa labi kaya napangisi ako.."hmmm I feel better now" biro ko. "Pahinga ka na" sabi niya. Kaya humiga ulit ako.
"Yes Mommy, opo." nagising ako at naririnig kongnmay kausap si Mia sa telepono. "I'll try but I'll not promise---Opo" nakikinig lang ako sa kanya ng bigla magbago ang tono ng pananalita niya... "Ayaw ko nga po. I don't---goshh I want to have my own life" pinikit ko ang mata ko.. "Fineee" bumangon na ako at napatingin kay Mia nakapikit ang mata at halatang naiiyak... Bumukas ang mata niya at tinignan ako. "I'm sorry kuya." sabi niya lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "What happened?"bulong ko sa tenga niya.
"Nothing, yoi don't have to know"
"Kung hindi mo sasabihin sa akin. Paano kita matutulungan?"i felt her tears on my shoulder.. "Shhh hush baby" hinimas himas ko ang likod niya.. "They were asking me if nagkita ba tayo sa Manila. I don't want to tell them the truth but no matter how I tried, gumagawa ng daan si Dad and I don't understand why"
"Then they are telling mo to move back with them. Kahit ayoko kuya--- they're forcing me, at nasasakal na ako sa kanila I couldn't have my own freedom to decide for my own. Lalo na si Daddy close naman kayo dati kuya diba? Bakit ayaw ni daddy sayo? Why does he keeps on telling mento avoid you. Matagal ka ng kilala nila. Tapos yung pagkakamali lang naman natin is yung hindi natin sinabi sa kanila ang totoo."
Napapikit nalang ako. Bakit nga ba ayaw na ayaw ni tito sa akin? Now I feel so curious, they know me since I was a kid at wala naman akong nakikitang mali sa aming dalawa ni Mia. Everybody knows since before na si Mia laging iniinis ko at the same time siya yung taong naaalagaan ko dati kapag masyadong busy si Brook. I have to find this out. Grabe na itong ginagawa ni Tito kay Mia. Nasa tamang edad na rin kami.. Gagawin ko ang lahat malaman ko lang kung bakit nangyayari ito sa amin.. Sobrang tagal na pero hanggang ngayon pinagbabawalan kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Fall with me Kuya (Completed)
Ficción GeneralAll i want to hear from you is to say you love me too! -Vhander Matured Content