31

4.3K 126 6
                                    

Brook


The room was filled with silence,  si Pat ang unang bumasag sa katahimikan. "Kuya, thank God you're awake" naiiyak na sabi ni Pat at dumalo ang Tita at Tito ni Vhander, fear and worries were written in their face.



Lumapit ako sa kanila and I looked at Vhander, so sorry bro. Nakakaawa ang kalagayan niya ngayon. "Kamusta bro?" I asked and smiled at him... Tinitigan niya ako na para bang nababaguhan siya sa akin. Binaling niya ang atensyon sa mga magulang ni Pat.



"Sino kayo?" he asked. Kumunot ang noo ko.. Tumingin sa akin si Pat, I gave her a look of what?... "Vhander di mo ba kami naaalala?" tanong ni Tita. Vhander closed his eyes at umiling. "Nasaan ang mommy ko?" tumagilid ako dahil panay siya sa pagtingin sa pintuan.


"Vhander, Ako ang mama mo. Hindi mo ba naalala?" naiiyak na sabi ni Tita. "Andito rin ang papa mo" dagdag ni tita. Lumapit si Tito at hinawakan ang kamay ni Vhander. "Nak, andito kami. Hindi mo ba kami naaalala?"



Umiling si Vhander. Bumaling ang paningin niya kay Patrice. "You, who are you?" tanong niya kay Pat. "Kuyaa naman eh, kung wala kalang mga sugat pinalo na kita. Ako to pinsan mo" nakangusong sabi ni Pat.




"Pwede bang humingi ng makakain? Nagugutom na ako" akmang tatayo siya ng pigilan siya ni tita. "Nak wag ka munang tumayo, hindi kakayanin ng katawan mo" sabi ni tita.



"Brook, anong nangyayari kay Kuya Vhander? May amnesia siya?" tanong ni Pat.. "Base on his situation, pwede siyang magkaroon ng Amnesia. Hindi ko linya ito Pat. But his doctor could answer bakit nagka amnesisa si Vhander." paliwanag ko. "Don't stress yourself out, gising na si Vhander that's the important thing. Kailan ba dadating ang mommy ni Vhander?" tanong ko.



"Bukas siguro. Nahirapan makakuha ng flight ang mommy ni Kuya dahil sa dami ng inasikasong project." sagot ni Pat. "Vhander is lucky maraming nagmamahal sa kanya" tugon ko. "Because he's a a good guy" dagdag ni Pat.



Ilang oras pagkatapos makakain ni Vhander nakatulog din siya agad. Pumasok ang doctor kasama si Daddy. "Doc" sabi ko. "Your father explained to me already Brook" tugon nito. "Vhander is suffering an acute amnesia, due to the strong impact that he got during the accident. But you don't have to worry. You just have to talk to him all the past memories and he will slowly remember everything." paliwanag ng doctor.





"How long does his amnesia will take?" tanong ni Pat sa doctor. "I cannot answer that, just stay positive. One day he will remember everything. I cannot stay long, I have to leave." Tumalikod ang doctor kasama si Daddy..



Umiiyak si Tita at niyakap siya agad ni Tito. "Arlene wag ka nang umiyak. Ang importante gising na si Vhander" alo ni tito sa kanya. "Hindi ko matanggap tanggap itong sinapit ni Vhander. Nasasaktan ako sa nangyayari sa kanya" umiiyak na sabi niya. "May rason kung bakit nangyari ito. Kaya wag ka nang umiyak" dagdag ni tito.




"Brook kamusta na ang investigation? Wala pa ba silang lead kung bakit nangyari yun?" tanong ni Pat sa akin. Umiling ako. "Si mommy na ang nagaasikaso nun. Until now wala parin eh" sagot ko.. "Naku pagnalaman ko, hihilain ko talaga ang buhok nang tao na yun" gigil na sabi ni Pat.




Lumapit ako sa parents ni Pat, dalawang araw na din silang hindi nakakapaghinga. Baka sila naman ang magkasakit.. "Tita, Tito umuwi po muna kayo sa bahay namin. Magpahinga po muna kayo, kami na po ang bahala ni Patrice kay Vhander." wika ko sa kanila. Tumayo si Tito Herson at inalalayan si Tita Sarah.





"Maraming salamat sa inyo Brook" saad ni tito sa akin. Sinamahan ko sila hanggang sa labas ng hospital nakaabang na doon ang driver namin na maghahatid sa kanila sa bahay. "Nandun na po si Mommy sa bahay Tito, nag-aantay. Magpahinga kayo ng mabuti kahit bukas na po sa hapon kayo bumalik." nakangiti kong sabi. "Sige Brook Salamat!" tinap niya ang braso ko at pumasok na sila sa sasakyan.




Fall with me Kuya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon