Vhander
"Calling Dr. Delgado please proceed to E.R"
Tinignan ko ang relo ko alas nuebe na ng gabi "Calling Dr. Delgado please proceed to E.R"
Gusto ko ng magpahinga pero hindi pa pwede apat na oras na akong nakatayo at katatapos ko lang e check ang huling pasyente ko tapos meron namang bago. Patakbo akong lumapit sa elevator at pinindot ito pumasok ako agad ng bumukas ito.
Nasa 7th floor ako tapos kailangan ko pang bumalik sa first floor. Mabilis akong lumakad papunta sa E.R naabutan ko doon ang lalaking duguan at kinakabit pa ng nurse and dextrose nito.
"Check the bp" sabi ko. May pumasok na isa pang nurse at chineck ang heartbeat nito. "Doc, unconscious po" sabi nito sa akin. Binigyan niya ako ng daan at hinawakan ang leeg niya mahina ang pulse niya. "Go get the oxygen" sumunod agad sa akin ang isang nurse.
Dinikit ko ang ulo ng stethoscope ko sa dibdib niya. "Bumabalik na ang heart beat niya, linisin niyo ang sugat niya." May sinabi pa akong gamot sa kanila naituturok sa pasyente para kumalma ang nerves nito.
"Okay po Doc" sunod sunod na sabi nila.
Pagkaraan ng ilang minuto lang lumabas ako sa E.R at nakaabang doon ang mag-asawa na halatang balisa.
.
"Doc, kamusta po ang anak namin?" tanong sakin nung lalaki. "Okay na po siua Sir, normal na ang heart beat ng anak niyo. Pag natapos pong malinis ang mga sugat niya ililipat din agad siya sa kwarto" wika ko.
"Thank God" bulaslas nung asawa niya. "Aalis na po ako" sabi ko. "Salamat Doc" magkasunod din nilang sabi. Ngumiti ako at nag excuse sa kanila.
Bumalik ako sa opisina ko at naabutan ko doon ang sekretarya ko. "Jessa anong ginagawa mo pa dito?". Tumingin ito sa akin ang ngumiti. "Good evening, Doc. Hinihintay ko po kayo magpapaalam po sana ako na mag leleave ako bukas!" nahihiyang sabi nito. "Hindi mo na sana ako hinintay, papayag din naman ako" natatawa kong sabi. "Okay lang po Doc, mauna na po ako. Thank you po talaga" yumango ako sa kanya. At kinuha nalang niya ang bag niya at lumabas sa opisina ko.
Umupo ako at huminga, hinubad ko ang smuck coat ko. Pinikit ko ang mata ko. I'm really tired. Nagpahinga pa ako ng ilang minuto bago tumayo. Kinuha ko ang susi ng kotse ko sa drawer ko. Kinabit ko ang coat sa upuan ko.
Dumiretso ako sa parking lot at pinindot agad ang susi ko na ikinatunog ng kotse ko. Pumasok ako agad at nagmaneho.... Matagal na akong namumuhay mag-isa I have my own condominium in Taguig. Convenient sa akin ang lugar dahil malapit dito sa hospital na linagtratrabahuan ko. Nang makadating ako sa taguig pinark ko ang kotse katabi ng silver na pick-up.
"Good Evening Doc!" bati sa akin nung mga guards. "Good evening!" sabi ko.
Hindi naman talaga ako palatingin sa clerk desk pero napunta doon ang paningin ko busy ang mga babae doon at parang may pinagkakaguluhan sila. Pinindot ko ang 11th floor at sumara ang elevator.
"Wait wait" biglang pumasok ang babae na naka cap hindi ko alam pero biglang tumibok ng malakas ang puso ko. "Thank you" she mumured napatingin ako sa kanya I could feel the double fast beat of heart. Pareha kaming nagulat. Ang babaeng matagal kong hinintay...
"Ku---kuya?" Para akong nagparalyze na hindi ko maikilos ang katawan. "Kuya Vhander" natinag lang ako ng may luhang tumulo sa mata niya. Tinanggal niya ang shades na suot niya. "Kamusta kaa? " mahina niyang sabi. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nang tumunog ang elevator wala akong ginawa kundi lumabas agad doon. Naiwan si Mia sa loob at sunod sunod na tumulo ang luha sa mata niya.....
Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko... Ilang minuto pa akong nakatitig doon. She's back?... Sinuntok ko ang wall sa gilid ng elevator naninigurado kong nananaginip lang ba ako o ano. Naramdaman ko ang hapdi. It's real! I saw her!....
Sunod sunod kong pinindot ang elevator pars bumukas iyon pero may nakasakay na. Mia is here I saw her... Para akong nababaliw na hindi ko alam ang gagawin ko. Tumakbo ako sa exit, sobrang pagod na pagod ako at hingal na hingal ng makarating ako sa lobby.
"Miss my nakatira ba ditong Mia? " I asked out of breath.
Kumunot ang noo nila sa akin. "Doc, okay lang kayo? "lumabas ang babae sa desk at nilapitan ako. "I'm fine, may nakatira ba ditong Mia? " tanong ko ulit. "Sir huminga po muna kayo para kayong nawawalan na ng hangin" sagot nito sa akin. "Noo I said I'm fine. May Mia bang nakatira sa building na 'to? " hindi ko na mapigilang lakasan ang boses ko. "Sir, ahmm apelyedo po? " sabi nito sa akin. "Garcia, Mia Garcia" sabi ko.
"Wala po Sir, wala pong Carmine Garcia na nakatira dito" hindi ko alam pero nanlumo ako sa sinagot niya hanggang sa maramdaman ko nalang na natumba ako.
Paisa isa kong binuksan ang mata ko. Nasan ako? Bumangon ako at halatang hindi sa akin ang kwarto na ito. "Sir mabuti po at gising na kayo?" Para akong na confused sa nangyayari. "Bakit ako nandito? " tanong ko. "Sir ano po kasi, nag collapse po kayo kagabi. Hindi niyo po naaalala? " paliwanag nito sa akin.
Tumayo ako at nagpasalamat sa kanila. Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang 11th. Nanaginip lang ba ako? Totoo naman diba na nakita ko si Mia?. Siniwipe ko ang card ko at pumasok....
Nilapag ko ang card ko at susi.... "Dumiretso ako sa banyo at pinawarm ang temperature ng tubig, hinubad ko ang suot kong pants at polo shirt ko.
Pumikit ako ng maramdaman ko ang init ng tubig na tumatama sa balat ko. Naaalala ko ang nangyari kagabi. Andito lang si Mia. Sigurado ako doon... Nandito lang siya sa paligid... May galit na lumabas sa dibdib ko ng makita siya pero mas nangingibabaw ang pangungulila ko sa kanya.....
.
Gagu mo talaga Vhander. Gagu mo hindi ko mapigilang sabihin yun sa utak ko I hate it. I hate myself dahil wala akong ginawa kagabi ng magharap kami para lang akong statwa sa harap niya hindi makakibo ---- makakilos.....
Mia
Hindi natuloy ang photo shoot namin ngayon.... Dahil wala akong tulog buong gabi dahil sa pag-iyak ko tapos ang mata ko sobrang namumugto. Animo'y kinagat ng bubuyog...
"Mia, what happened to you? You're not talking to me"...
"Please Heidi, I'll talk to you tomorrow" sabi ko.
"Ayaw mo bang sabihin sa akin. Ano binastos ka ba? Ninakawan ka ba? Did someone hurt you or harass you?"
"Heidi pleaseee" I beg
"Fine, pero ayusin mo naman ang sarili mo Mia. We're here for a project. Malaki ang binabayad nila sa atin kaya dapat gawin din natin ang dapat nating gawin. "
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan muli akong naiyak. Kuya Vhander seems not happy to see me. Galit ba siya sa akin? Kasi hindi ko alam kung bakit bigla nalang niya akong iniwasan.... Para akong sinampal ng malamig na tubig sa ginawa niya kagabi....
I miss him so bad.... Mas nag matured ang mukha niya ngayon but still he's the most handsome man I've ever seen in my entire life..... Siya parin.... Ang daming nagbago sa kanya sa paninindig niya sa kilos niya.. Everything about him seems so different from the old Vhander I know..
I can't help but to let my tears fall down.... I'm sorry kuya, I'm really sorry.....
Salamat po sa lahat nagtangkilik ng istoryang ito. Wag po kalimutang iboto at komentahan. Salamat sa pagpapataba ng aking puso!! ❤
BINABASA MO ANG
Fall with me Kuya (Completed)
General FictionAll i want to hear from you is to say you love me too! -Vhander Matured Content