17

4.8K 126 5
                                    

Vhander

"Hello Tita, si Anne po? "

"O hijo ikaw pala, nasa taas siya baba na siguro yun. Maupo ka muna!" lumapit ako sa kanya at nagmano at nag beso.

Si Anne ang pinsan ni Thea na matagal na daw may gusto sa akin, I decided to meet her a year ago at limang buwan ko na siyang girlfriend. She's sweet, and admirable. Bonus pa yung ganda ng boses niya.

Narinig ko ang tunog ng heels pababa sa hagdan kaya tumingin ako doon at nakitang pababa si Anne na nakasuot ng floral dress na kulay pink. Nakangisi siyang lumapit sa akin at hinalikan ko siya sa pisngi.

"Gorgeous" I whispered

"Thanks!" nahihiya niyang sabi.

"Ma, alis na kami" nakangiti niyang paalam sa mama niya. "Aalis na kami tita" sabi ko.

"Mag-iingat kayo, anne before 12am okay? ". Nag chuckled ako. "Yes, ma! " she answered.

Magkahawak kamay kaming lumabas sa bahay nila. Binuksan ko ang passenger seat at sinirado din ito ng makapasok siya. Patakbo akong lumipat sa kabila ng makapasok ako inistart ko agad ang makina.

"So saan tayo kakain? " tanong ko sa kanya. "Ikaw? Pero ako kasi feel ko kainin ngayon ang seafoods" nakangisi niyang sabi.

"I feel it too! " i said. Dumiretso kami sa restaurant na madalas naming puntahan. We really have in common mahilig kami sa Seafoods ni Anne especially Alimango at hipon.

Una siyang bumaba dahil dagsa nanaman ang mga tao, naghanap ako ng ma parkingan ng sasakyan ko. May papaalis kaya ako ang sumunod agad sa kanya ng maunahan ako ng isang mercedes maybach na kulay itim na sasakyan.

Shet, lumabas ako ng kotse ko at nilapitan ang sasakyan ng lumabas doon ang nagmaneho. "Bro, ako ang nauna" sabi ko. "Sorry, I parked first. First come first served right? " nakangisi niyang sabi sabay talikod sa akin. Gusto ko siyang suntukin pero di ginawa tiniklop ko nalang ang kamao ko. Shit!!

Bumalik ako sa loob ng kotse ko at nagabang ng susunod na lalabas. Nang maka park ako ni locked ko agad ang kotse ko at pumasok sa loob.

Ang daming tao sa loob, ng makita kong naka pwesto si Anne lumapit ako sa kanya at umupo sa harap niya.

"Madaming naka park?" tanong niya. "Oo, tapos may nangagaw pa ng pwesto" sabi ko nabaling ang tingin ko sa table na malapit sa amin. Yung lalaki kanina na nang-agaw ng pwesto, mukhang entrepreneur siya sa kilos at gawi niya at may kausap siyang tatlong lalaki.

"Naka order ka na? " tanong ko. "Oo, mukhang busog na busog tayong uuwi mamaya" sagot niya.

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago dumating yung inorder namin. Isang serve na alimango na may katas ng buko at napapalibutan ito ng sangkap na magpapaanghang sa pagkain. May isda rin na grinilled, at yung panghuli ay sinigang na hipon.....

Kumuha agad si Anne at nagkamay. I felt nostalgic while looking at the shrimp. "O hindi ka pa kakain?". Tinignan ko si Anne at ngumiti sa kanya. Kumuha ako ng kanin at sabaw sa sinigang na hipon. Hinimay ko ito at binigyan si Anne. "Thank you!" nakangiti niyang sabi.

Naghimay ako ulit ng hipon, I wonder if nagtratry kumain si Mia kahit once a month. Pero dati kahit di niya kinakain ang hipon sarap na sarap siya sa sabaw. Sobrang tagal na nun pero parang ang presko presko parin sa akin ang lahat..

"Bro, I closed the deal already. Pumayag na si Carmine Garcia sa project mo." napalingon ako sa lamesa ng lalaki ng banggitin niya ang pangalan na iyon. Si Mia kaya ang tinutukoy nila? I wonder? Pero madaming Garcia sa mundo pati nga pangalan na Carmine marami.

Hindi ako masyadong ginanahan sa pagkain halos si Anne lang ang nakaubos. "Bakit ang konti konti lang ng kinakain mo? " nakanguso niyang tanong sa akin. Ngumisi ako. "Okay nga yan dahil mas kailangan mong magkalaman kesa sa akin". I chuckled

"Bully ka talaga" she pouted. "Just kidding" I smiled. Nag stay pa kami ng ilang minuto bago pinabalutan ang pagkaing natira namin.

Hinatid ko ng maaga si Anne. "Aga pa, dito mo na tayo" sabi niya sa akin. "Sorry babe, pagod na ako. Next time babawi ako, madami akong pasyente bukas" she faintly smiled at me. "Sige na nga, mag-iingat ka!" she kissed on the lips bago siya lumabas ng kotse, pinapasok ko muna siya sa bahay nila bago ako umalis.

I don't feel like going home. Nag drive ako at pumunta sa lugar kung saan dati akong tumatambay pag may naaalala ako. Inon ko lang ang ilaw na sasakyan at umupo sa likod ng kotse ko.

Cheating na ba ito kay Anne? Kung sasabihin ko sa kanya na mahal ko parin ang Ex ko. Ang gagu gagu ko diba! Umalis si Mia ng walang iniwan para sa akin, sulat man o magpaalam siya saglit kasi willing naman akong suntukin ulit ni Brook pag nagkataong nahuli kami.

Pero heto ako, balik parin sa dati iisipin siya, kakamustahin sa isip ko. At hihiling na naman na bumalik na siya.  Gagu mo talaga Vhander..... I was wrong really wrong dahil hinayaan kong mahuli kami----- if I did ask permission to them papayag ba sila? Si Brook pa naman gumawa ng bro code namin. Fuck that bro code hindi sana ako pumayag.....

If i could put the things back the way they used to be. Baka ngayon malaya na kami ni Mia, baka ngayon naghahanda na kami sa kasal namin. I love Anne already pero hindi sa pagmamahal na meron ako para kay Mia.

Nung umalis siya depressed na depressed ako, I couldn't think well, I always feel tired and dull. I fucked up my life. Nagising nalang ako nung nakita kung umiyak si Mama pati si Papa at Patrice and I almost failed in my class. I realized isang tao lang naman ang umalis at ang daming pang taong natira na nagmamahal sa akin. Ba't sinisira ko na ang buhay ko?

Nagpakita ako sa school, I begged for my Professors na bigyan ako ng chance on that day kahit wala akong aral pinagtake nila ako ng exam na kahit kailan hindi ko napag-aralan. Sabi ko "yes ma'am I'm determine to pass this exam" kahit alam kong malaki ang possibilidad na babagsak ako. Pagkabukas nun pinatawag ako at sinuli ang test paper ko. Sabi pa ni Dr. Perez "Congrats" I opened the envelope at kahit line of 7 nakuha ko pumasa ako. I got 78.9 that time. Masaya kong binalita sa pamilya ko na hindi ako bumagsak.

They keep on hugging me at sinabi pa ni papa sa akin. "You deserve the best Hijo" hindi ko mapigilan lumuha dahil sa sinabi ni papa. Muling tumayo ako mula sa pagkatumba ko. Nalaman ko na ring lumipat sa Cambridge si Brook at kahit kailan nun di na ako nagkabalita sa kanila. Kung meron sana kina Mama at Papa yun panigurado pero ayaw lang siguro banggitin nila lalo na't masasali ang pangalan ni Mia.

Patrice went to US siya ang kasama ng Mommy ko doon. Mag-aaral daw kasi siya ng designing pangarap niya kasing magkaroon ng sariling Boutique. Bago umalis si Pat sinabi niya rin sa akin na matagal na siyang may gusto kay Brook at may ginawa din daw siya para mapansin nito pero hindi parin siya binigyan ng pansin.

Si Mia siya ang matuturi kung best friend she knows a lot about me kesa kay Brook. Sinabi ko sa kanya ang mga bagay bagay na kailanman di ko sinabi kay Brook. Yung kinilala kong ama ay di ko totoong ama. My father abandoned my Mom dahil may pamilya ito at hindi niya kayang saktan ang asawa niya pero nagawa niyang saktan si Mommy. The night I was made was a mistake for my real dad, kaya nga hindi ako tumira kasama ang totoo kung Ina dahil nahihiya ako sa sarili kong inaako ako na anak ng lalaking di ko naman kaanoano. But I'm glad that he loves my Mom.

I looked up to the sky, at may dumaang shooting star. I closed my eyes and wish. Sana makita kita Mia. I promise hindi ako mangugulo. Kumawala ang luha sa mata ko. I still love you very much.

Fall with me Kuya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon