Wala kaming imikan ni Mia sa loob ng kotse. Sinusubukan kong makipaglaro sa kanya pero hindi siya nadadala.
"Mia okay ka lang? " mahina kong tanong.
Hindi siya sumagot yumango lang siya. Nag-aalala na ako.
"Bro nga pala nag submit ka ng requirements sa B.G Medical School? "
"Hindi na ako tutuloy dun bro. Sa K.U nalang ako."
"Bakit? Kala ko pa naman doon ka. Haha"
"Nag submit na ako sa K.U bro tsaka malapit lang sa bahay eh kaya doon ako. "
"Ganun. Goodluck sa atin" nakangising sabi ni Brook.
Usap kami ng usap at tawanan sa loob ng kotse samantalang si Mia nakayuko lang at nagkukunwaring inaantok.
Dumating kami sa Village around 6pm. Nagpasalamat ako sa parents nila pero si Mia tuluyan ng nakatulog kaya hindi ako nakapag paalam sa kanya.
Kanina ko pa Tinitext siya pero wala paring reply malapit ng mag alas diyes ah. Pupuntahan ko nalang siya bukas sa bahay nila.
Hindi ako makatulog ng gabing yun. Kaya kahit madaling araw na gising parin ako. Kahit ilang beses akong pumikit hindi ako tinatablan ng antok.
Bumangon ako at nagbuhis ng jogging pants at v-neck na itim. Lumabas ako ng bahay, madilim pa sa labas. Sumilip ako sa gate, aakyatin ko nalang yung bakod nila total diretso yun sa kwarta niya.
Mabilis akong nakapatong sa punoan ng mangga. Sa pag-akyat mukhang mataas itong tatalunin ko. Bumilang ako ng tatlo sabay talon ko. Buti nalang sanay ako dati sa mga larong talon talon.
Buti hindi pa inalis ang ladder sa kwarto niya. Kung hindi mahihirapan talaga akong akyatin ang kwarto niya. Sana hindi lock ang pintuan niya hinawakan ko ang slide door at tinulak ito salamat naman at nakalimutan nanaman niyang e lock.
Bumungad sa akin ang mahimbing na natutulog kong princesa. Tinignan ko ang orasan niya alas tres na pala ng umaga.
Lumapit ako kay Mia at Tinabihan siya sa kama. Pumupongay ang mata niya halatang nahihirapan siyang ibuka ito.
"Ku-kuya? "
"Sshhh sleep" i whispered.
Umusog siya palapit sa akin at niyakap ako. Hinalikan ko ang noo niya at pinikit ang mata ko.
Nagising ako ng maramdaman kong umuuyog ang kama. Binuka ko ang mata ko at nakita ko si Mia naka patong sa tiyan ko.
"Mia anong ginagawa mo?"
"Kuyaa hindi ako makatulog? " nakayuko niyang sabi.
"Bakit? Halika!" utos ko.
Humiga siya katawan ko at yung mukha niya nakasubsob sa leeg ko.
"Mia anong problema? " sabay himas ko sa buhok niya.
"Kuyaa, natatakot ako." humihikbing sabi niya.
"Saan? "
"Nagkaroon ako ng nightmare kuya"
"Tapos? "
"Nahuli daw tayo kuya tapos pinaghiwalay tayo ni daddy tapos kuya hindi na daw tayo nagkita" naramdaman ko nalang ang pagbasa ng balikat ko.
"Shhh. Wag mong isipin yun Mia. Panaginip lang yon tsaka sabi nila kabaliktaran daw yun. Kaya wag kanang umiyak" alo ko sa kanya.
"Pero mukhang totoo kuya. Natatakot na ako bakit di nalang natin sabihin? " sabay tingin niya sa akin.
"Natatakot ka rin ba kuya? " dagdag niya.
BINABASA MO ANG
Fall with me Kuya (Completed)
Ficción GeneralAll i want to hear from you is to say you love me too! -Vhander Matured Content