10

6.7K 125 3
                                    

"Mia anong score mo sa exam? "

Tinignan ko si Patrice parang pinagbagsakan siya ng langit, dala na rin na nakanguso ang labi niya  kulang nalang umiyak.

"49 bakit? "

"49? Wahhhhh nag-aral naman ako ah bakit ang liit ng score ko."

"Anong score ba nakuha mo? "

"35" nakanguso niyang sabi

"Sus hindi naman maliit, tsaka wag ka ng ma sad dyan. Bawi ka nalang next time" sabi ko.

"Talagang babawi ako! hmmpp"

"Miaa nga pala, kamusta yung kuya mo?"

Tinignan ko siyang nakangisi. "Nagbagong taon na hindi ka parin naka move on sa kuya ko? "

"Tinatanong ko lang. You know old habits die hard! " naka rolled eyes niyang sabi.

"Die hard ha? Well okay si kuya, yun nga lang pag-umuuwi siya sa bahay pagod na pagod na minsan nga nakatulog siya sa kotse niya buti nalang sa parking lot lang ng hospital. "

"Ganun? Sabi ko sayo eh kailangan ako ng kuya mo. Para may mag-aalaga sa kanya... Charott" pinalo pa niya ako sa braso ko.

"Brutal mo noh? "

"Suss ang hina hina lang nun! "

Nagpapaluan kami ni Patrice, pero pagkatapos magyayakapan at tatawa.

"Hi guys!" bati sa 'min ni Kyra

Ngumiti lang kami sa kanya at binalingan niya si Pat.

"Pat, can I ask for your Kuya's number?" nakangiti niyang sabi.

Kumunot ang noo ko. "Kanino kay Kuya Vhander?" tanong ko sa kanya.

"Yes, we accidentally met in the mall last week. Kasama nga si Pat eh! " nakangiti parin niyang sabi.

Kinirot ko ang kamay ni Pat na nasa hita ko.

"Sorry Ky, ask ko muna si Kuya if okay sa kanya." mahinahong sabi ni Patrice

"Sige. Thank you!" umalis siya sa harap namin at lahat ng dugo ko sa baba pumunta sa taas. Siguro nag pa cute nanaman si Kuya Vhander? Kaya natipohan siya lagot talaga sa kin yun. Grrrr......

Nung lunch nag text siya sa akin. Sabi ko hindi ako sasabay sa kanya, dahil may test kami.

Kanina pa tawa ng tawa si Pat kasama ang mga kaibigan namin pangisi ngisi lang ako para kunwari nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila.

"Ehh baka itong si Mia meron na dahil sabi nila yung mga tahimik mas madaming sekreto!"

Tinignan ko si Denise na nakakunot noo.

"Anong sabi mo?"

"Sabi niya may boyfriend ka na daw baka di mo lang sinasabi" sabi naman ni Jessica.

Umiling ako agad. "Wala akong boyfriend, tsaka bata ko pa kaya" nag crossed arms ako.

Nag-usap usap ulit sila, pero hindi na ako nakikkinig kita ko rin sa gilid ng mga mata ko na tinututukan ako ni Patrice.

Hanggang ngayon kasi hindi pa rin namin nasasabi ni Kuya Vhander ang tungkol sa amin.

Ilang beses kung sinubukang i open up sa parents ko pero parang palaging may pumipigil pa rin sa akin na wag ko nalang  ituloy..

Nung kinahaponan nilapitan ako ni Patrice na Nakasimangot.

"Anong nangyari sayo? "

"Hanggang ngayon di pa ba alam ng parents mo na boyfriend mo si Kuya Vhander?"

Fall with me Kuya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon