Kanina pa ako tawag ng tawag kay Mia pero hindi siya sumasagot. Gusto kong tanungin si Brook pero baka makahalata. Dahil madalang na akong sumama sa grupo, tapos sasama lang ako kapag inaaya ni Brook si Mia kasama namin kumain ng lunch.
Hay Mia asan ka na ba? Cannot be reached parin siya. Parang walang kwenta itong cell phone ko dahil hindi ko makontak si Mia.
Ginulo ko ang buhok ko. Sino bang pwede kong tanungin ay bwesit ang tanga mo Vhander may pinsan ka si Patrice best friend ng Girl friend mo.
Kinatok ko ang kwarto ni Patrice pero walang sumasagot. Pag bukas ko walang tao.
"Yaya" sigaw ko.
"Sir bakit po? "
"Ya, alam mo ba kung nasan si Patrice? "
"Lumabas po Sir, marami po siyang dalang pagkain yung ginawa niya kagabi. "
Lumabas? Bakit hindi man lang nagpa-alam sa akin si Pat. Ngayon may rason na ako. Denial ko ang number ni Brook ilang rings lang sumagot siya.
"Bro, bakit? "
"Brook andyan ba kapatid mo? "
"Wala bakit? "
"Wala din si Patrice kasi dito baka kasi magkasama sila"
"Magkasama nga sila, may outing sila Birthday ng classmate nilang si Anjo sa isang resort daw hineld"
"Ganun? Sige bro salamat "
Kaya pala. Birthday ng uhugin niyang manliligaw at di man lang sinabi sa akin. Naiinis ako na iwan. Baka diskartehan yun ni Anjo dahil magkakasama sila. Shit makakapatay ako.
Subukan lang niya hawakan si Mia, hindi na niya masisilayan ang kinabukasan niya.
Resort? Saang resort naman kaya. Wala na akong magagawa maghihintay nalang ako hanggang sa pag-uwi nila.
Nagpalit ako ng jersey shirt ko at basketball short. Mag-isa ako sa court wala namang tao busy siguro dahil palapit na ang pasko.
Tira ako ng tira walang pumapasok. Lintek na mas lalo akong ginagalit. Nag dribble ako sabay shoot pero muntik lang makapasok fuck i want to shoot it.
Nag dribble ako ulit at puwesto pinasingkit ko ang mata ko at shinoot ito. Yun pumasok rin.
"Wag kasing magpadala sa init ng ulo kuya!"
Napalingon ako at napangiti. "Kanina ka pa dyan?"
"Well "
Tumakbo ako at niyakap si Mia. "Pinag-alala mo ko, alam mo yun?"
"Alam ko kaya nga hindi ako pumunta sa birthday ni Anjo eh! "
"Bakit cannot be reached ka? "
"kasi po, gusto kong makita ang reaksyon mo"
"Satisfied? "
"Satisfied!" abot langit ang ngiting sabi niya.
"Date tayo Mia! "
"Date nanaman? Eh date pa ba yung tawag sa kain ng kain. Sa bahay niyo nalang tayo kuya mag bake tayo"
"Sige na nga"
Magkahawak kamay kaming bumalik sa bahay. Now i felt relieved dahil hindi siya pumunta hindi ko naman siya pinagbabawalan ayaw ko lang talaga na pumunta na hindi ako kasama walang magbabantay sa kanya eh.
"Kuya naman magbebake ba tayo o maglalandian"
Sabi ko naman kasi sayo manood nalang tayo ng movie. Usal ko.
"Pero gusto kong mag bake kung ayaw mo ako nalang dito basta wag kang humingi mamaya ha"
"Grabe ka naman pag dadamotan mo 'ko? "
"Ano pa nga ba" naka taas kilay na sabi niya
Bitbit ko ang cookies na gawa ko pero yung kamay ko naman namumula ang sakit nga eh pahid ngpahid ko sa buhok ko pero hindi parin nabawasan ang sakit.
"Kuya andito na ang gawa ko" sabi sabay lapit sa kanya.
Kinuha niya ang bitbit ko na plato. "Anong nangyari dyan sa kamay mo? " nag-aalala niyang tanong
"Napaso, na out of space kasi ako kanina tapos tumunog na pala yung oven nakalimutan ko maglagay ng gloves, kaya ayan" paliwanag ko.
"Ikaw kasi, sabi ko sayo wag ng mag bake! "
Kinuha niya ang kamay ko at hinahalikan ang tip na may paso. Natatawa ako sa ginagawa ni kuya para naman kasing sa halik na binibigay niya sa nga daliri ko mawawala na yung sakit.
"Ba't ka nakangiti? Diba masakit tong mga daliri mo? "
"Masakit kuya pero ang tanga lang naman kasi para namang effective yang ginagawa mo" nakangisi kong sabi.
"Effective to ano ka ba"
Nagulat nalang ako ng sinubo ni kuya ang mga daliri ko sa bibig niya. Hindi na halik ang ginagawa niya nilalantakan na niya ang daliri ko parang suso.
"kuya anong ginagawa mo? "
"Dinedede, ang bango eh amoy chocolate"
Hinila ko ang kamay ko. "Kuya naman eh! " galit kong sabi.
"Bakit? "
"Bakit ka dyan! Sipain kita eh! "
"bakit? Ano bang nangyayari sayo? " nakangisi niyang tanong.
"Ang bastos mo alam mo yun"
"Anong ginawa ko? " naka puppy look niyang tanong.
"Painosente ka pa dyan! Gusto mo lang makadiskarte eh"
"Ha? Diba normal naman yun. Sa mga magkarelasyon Mia, normal ang mga ganitong bagay" sabay sandal niya sa headboard ng kama.
Ahhh normal pala ha. Kahit kailan hindi pa ako hinalikan ni Kuya Vhander kaya minsan naiinis na ako sa kanya. Nung nag mall kami may naglalampungan na mag jowa sa harap namin patay malisya siya kunwari wala siyang pakialam kahit alam ko namang gusto din niya yung ganun. Nag crossed arms ako. Aha!
"Kuya pumikit ka" sabi ko.
"Anong meron? "
"Basta"
Pumikit si kuya Vhander kaya umusog ako ng konti palapit sa kanya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya hanggan sa naglapat ang labi namin.
Kumabog ng mabilis ang puso ko. Parang nagkaroon ng fireworks at wala na akong marinig. Ganito ba yung feeling.
"Mia anong ginagawa mo? " nakakunot noong sabi niya.
Nahihiyang dumuko ako. "Sabi mo kuya normal lang yun"
"Oo normal yun pero hindi dapat ngayon! " usal niya.
"Ganun?" malungkot kong sabi.
"Oo, mukhang hindi ka pa handa sa mga ganyang bagay Mia"
"Hindi pa ba handa yung nagnakaw na ako sayo ngayon kuya? "nakangisi kong tingin sa kanya.
Hindi sumagot si kuya Vhander ngumiti siya sa sinabi ko.
"Alam mo Mia parang nahahalata kong ginagaya mo ang mga linya ko? "
"Ha? Ang kapal mo talaga kuya" sabay tulak ko sa pisngi niya patungo sa kanan.
Kinuha ni kuya ang kamay ko ang hinahalikan ito.
"I love you Mia always remember that"
"Hindi ko yan malilimutan kuya araw-araw at halos minuto mo nga yang sinasabi eh" nakangisi kong sabi.
Biglang pumikit si kuya kaya pumikit rin ako. Naramdaman ko nalang ulit ang paglapat ng labi namin. Hindi ko alam ang gagawin ko hanggang sa binubuka ni kuya ang labi ko at parang may tumutulak sa akin na sundin lang ang ginagawa niya.
Halos mawalan akon ng hininga ng tumigil kami.
"Wag kang masyadong kumain ng matamis Mia, ang tamis ng lasa ng labi mo eh"
Ngumiti ako. "Sayo din naman eh"
BINABASA MO ANG
Fall with me Kuya (Completed)
Fiction généraleAll i want to hear from you is to say you love me too! -Vhander Matured Content