22

4.8K 123 1
                                    

Vhander

"Good Noon Doc, nireschedule ko na po yung mga pasyente niyo. Pinabinigay po pala ni Dr. Go sabi niya po may meeting daw kayo on saturday night sa bahay nila"

"Sige, salamat Jes! " umupo ako sa swivel chair ko at pinatong ang coat ko sa lamesa.

"Doc, ahhm pinapatanong po ni Ma'am Anne bakit daw hindi kayo sumasagot sa tawag niya? Nung isang araw pa ho daw kayo di niya makontak. "

"It's okay Jess ako na bahala"

"Sige po Doc" lumabas ng opisina si Jessa. Mag lulunch pa yun, sigurado akong hinintay na naman ako nun.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinawagan ang number ni Anne nakailang ring lang ito at sinagot niya agad..

"Hello Babe? " bati niya

"Hi Babe, sorry for not answering your call busy na busy ako" I lied

"Ganun ba? Wag ka nang magpapagod. Nagpapagaling ka nga ng tao tapos ikaw pa nagpapasakit sa sarili mo" she said with full of concerned.

I feel so guilty, Anne is a nice person and here I am. Hindi ko magawang maging honest sa kanya, she don't deserves the pain.

"Okay lang babe magpapahinga lang ako kapag umuwi ka na"

"Binobola mo pa ako" I could tell she's smiling now. "Never" I said. "Well next week pa po ang balik ko" bumuntong hininga siya. "It's okay I'll  wait" sabi ko... "I have to go now babe, see youu...and I love youuuuu" narinig ko ang pagmwamwamwa niya. "I love you too" and she hanged it up.

Tumayo ako at sinoot ang coat ko maging ang stethoscope ko. Lumabas ako ng opisina at tinahak ang elevator.. "Good Afternoon Doc!" bati sa akin ng janitor kaya ngumiti ako sa kanya at binati rin siya.

Inistretch ko ang kamay ko at binaling baling ang leeg ko. Tumigil ako sa nurse station. "Good afternoon Doc" sunod sunod na sabi sa akin ng tatlong nurse. "Good afternoon, saan na yung file nung nasa B-26?" tanong ko. Lumapit agad sa akin ang isang nurse at binigay ang papel sa akin... Tinignan ko ito at sinuri...

"Doc may naghahanap po sa inyo?"

Napaangat ako ng tingin sa isang nurse. "Sino raw?" kunot noo kong tanong.

"Nasa gilid po siya ng hagdan, mukhang sinupresa kayo" kinikilig nitong sabi kaya may namuo sa utak ko na baka si Anne ito at sinupresa ako.

Binigay ko ang file sa nurse at dumiretso malapit sa hagdan na nakangiti pagliko ko palang sa tindig nito at postura alam kong hindi ito si Anne. Naramdaman siguro niya ang akong presensya kaya humarap ito sa akin.

"Kuyaa" mahinang sambit nito sa akin. it's been three days nang magkita kami at dinala siya sa condo ko. Behind those shades and hat she's wearing, sa boses palang niya, the way she called me I know who she is.

"Anong ginagawa mo dito Mia? Changing your mind? Makati na ba? " sarcastic kong tanong sa kanya...

"Kuyaaa... Hindi ko alam kong anong problema mo sa akin eh." napatingin siya sa taas... "Para kasing ang laki ng galit mo sa akin at ginagawa mo ito sa akin"

"What do you think Mia?"

"Kuyaaa, hindi ko alam kung bakit ganyan ang pakikitungo mo sa akin? Kasi kuya kung tutuusin wala naman akong naaalala na ginawa sayo" dagdag pa niya. Napailing ako sa kanya.

"Sigurado ka bang hindi mo naaalala Mia?" taimtim na tanong ko.

"Oo nga kuya" naiiyak na niyang sabi..

Lumapit ako sa kanya at hinila ang braso niya at bumaba kami sa hagdan dahil malapit na din ito sa opisina ko. Binuksan ko ang pintuan ng opisina ko at tinulak siya papasok..

"Kuya" tawag niya sa akin.

Huminga ako ng malalim. "Tanggalin mo yang shades mo" utos ko. Ginawa niya ang sinabi ko kasabay na rin ang sombrero niya. Sunod sunod na tumulo ang luha sa mata niya.

"Bakit ka umiiyak? Sinaktan ba kita?" umiling siya agad at pinahid ang luha niya at tinignan ako.

"Bakit ka umalis?" panimula ko. Hindi siya sumagot mukhang prumoproseso pa sa kanya ang tinanong ko.

"I" dumuko siya at hindi alam ang sasabihin. "Ano Mia sumagot ka?" hindi ko mapigilang lakasan ang boses ko.

"I did try my best to talk to you that night kuya before kami aalis kinaumagahan" humihikbing sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "I texted Patrice na ipasabi sayo na magkita tayo kasi aalis na kami.. Tumawag si Patrice kuya she told me you're resting and sleeping already. Pagod na pagod ka daw at ayaw na pumayag ni tita gisingin ka kasi------kailangang mo ng matinding pahinga" paliwanag niya. Napanganga ako... Hindi nga ako makatulog ng maayos tuwing gabi kakaisip sa kanya, kung paano ko maaayos at magpaliwanag sa pamilya tapos ito.

"If you're lying Mia, I'm not convinced. Hindi ka magaling umarte"

"I am not lying" she exclaimed. "Kahit itanong mo pa kay Pat kuya, I did--- i did my best para makatakas ako at makapunta sa inyo pero mahigpit si Daddy he even called someone to guard my room 24 hrs bago kami aalis." umiyak na siya at kumapit ang kamay niya sa lamesa.

Napailing ako... "Gustong gusto ko ng bumalik dito kuya pero hindi pwede. Dad won't allow me, nag apply ako for modelling luckily natanggap ako kasi kuya nangangarap ako na magkaroon ng project kahit sa Asia lang at pagkatapos didiretso ako dito sa pilipinas. It would be my chance to escape from them" humikbi siya at tinignan ako sa mata.

"Pero hindi ko aakalain na ang taong matagal kong pinangarap na makita ulit ay may tanim na galit at poot na pala sa akin. Kuya I'm here to visit you and say goodbye. Hindi ko aakalaing magiging drama pala ang pagpunta ko dito sana pala di ko nalang tinuloy.."

Lumapit siya sa akin at tinabihan ako. "I'm glad to see you again kuya." mahinang sabi niya. Tumibok ng malakas ang puso ko at parang sinasaksak ako ng maraming beses. Bago pa siya makalabas sa pintuan hinila ko ang braso niya at hinila pabalik sa akin sabay ng mainit at mahigpit na yakap at ginawa ko.

"I'm sorry" sabi ko. She cried at para siyang mawawalan na ng balanse, niyakap niya ako ng mahigpit pabalik at umiyak sa balikat ko.

"I'm sorry" ulit ko hindi ko mapigilang umiyak narin. God I miss her so much...

Sinama kong umuwi si Mia, we were lying in my bed. Nakadantay ang paa ko sa hita niya katulad ng dati kapag namimiss ko siya, pupunta ako sa kwarto niya pag tulog na ang lahat. "Kuya sorry ha! Kasi sobrang mahina ko tapos wala akong ginawa para maipagtanggol ka"

"Shhhh Mia wag ka ng umiyak, wala kang kasalanan. Tama ka ako naman ang dapat sisihin sa lahat, kong naging mas matapang din ako Mia na ipagpaalam ka sa magulang mo baka hindi na tayo umabot sa ganito" sabi ko.

"Kuya Masaya ako dahil narating mo na ang pangarap mo" malambing niyang sabi. Ngumiti ako. "Ako rin naman, masaya ako kasi modelo ka na. Bagay na bagay sayo" wika ko.

"Kuya mamimiss kita" nilevel ko ang ulo ko sa kanya at katulad ng dati iyakin parin si Mia.

Hindi ko alam ang sasabihin ko at tinitigan lang siya. Tumunog ang tiyan niya mukhang gutom na siya kaya napatawa ako. "Gutom ka na pala ba't di mo sinasabi?" natatawa kong tanong. Ngumiti siya na oarang nahihiya. The old Mia I used to be. Ang cute niya paring tignan pag ngumingiti siya sa akin na parang nahihiya.

Tumayo ako at pinatayo rin siya. Pumunta kami sa kitchen at pinaupo siya sa high chair. "Kuya meron ka bang gatas dyan?"

Kumuha agad ako ng baso at gatas sa ref at binigay sa kanya. "Magluluto ako" sabi ko. Nadismaya ako dahil dilata nalang ang meron ako tapos mga hotdog at bacon. "Kuya kahit ano naman kakainin ko" sabi niya kaya napalingon ako sa kanya.

"Mag pa deliver nalang tayo" sabi ko at tumakbo pabalik sa kwarto ko at kinuha ang phone ko. Nagulat nalang ako ng pagkatapos kong mag-order nakatayo si Mia at hinawakan ang pisngi niya.. Sinundan ko ang tingin niya at nakita roon si Anne.

"Anne?"

Fall with me Kuya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon