13

5.3K 113 7
                                    

Brook

Nag ring ang phone ko kaya tinabi ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"Hello Bro bakit? "

"Brook wala pala tayong pasok ngayon nag text si Dok."

"Sige bro, magandang balita yan. Salamat" sumilay ang ngiti sa labi ko.

Binaba ko ang hawak ko na phone. One way pa naman dito kaya kailangan kong dumiretso. Nice matutuloy na din ang plano naming magbilyard ni Vhander ngayon hindi masyadong traffic kaya mabilis akong nakabalik sa bahay.

Bumaba ako at hinanap si Mia. Naabutan ko ang yaya namin sa kusina "Manang si Mia nasan? " Tinigil niya ang pagpupunas ng pinggan at tinignan ako. "Nasa taas po ata Sir" sagot niya. "Sige po" tumakbo ako paakyat sa taas. Kumatok ako at binuksan ang kwarto ni Mia pero wala siya doon. Maging sa banyo niya, asan kaya yun?

Denial ko ang number niya pero may tumunog kaya hinanap ko kung saan nagmula lumapit ako sa higaan niya at nakatakip doon ang phone niya. Naiwan niya? Baka na kina Patrice yun.

Bumaba ako at pununtahan ang bahay nila Vhander. Palabas yung yaya nila kaya hindi ko na kailangang magpabukas ng gate.

"Good Afternoon po Sir! " bati nito sa akin.

"Good Afternoon po, nandyan si Vhander? "

Yumango ito sa akin "Opo Sir"  sabay ngiti sakin kaya dirediretsong pumasok ako sa bahay nila. Walang tao sa sala pero meron akong boses na narinig na nag-uusap. Lumapit ako sa sliding door nila at binuksan iyon.

Unang kong nakita yung alaga niyang aso na si Chowder. Nang tuluyan na akong lumabas biglang nagdilim ang paningin ko. Hindi ko alam kong bakit nangyari yun pero dirediretsong napahiga sa sahig si Vhander at pumutok ang kanang labi nito.

"HAYOP ka Vhander! " Sigaw ko. Hinila ko ang braso ni Mia palayo sa kanya.

"Kailan pa 'to?" Para na akong nagwawala na aso. "Bro magpapaliwanag ako" mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko. "Gagu ka, kailan mo pa ako ginagago? Kailan pa ito ha!" hindi ko mapigilang ilabas ang galit ko.

"Kuya let me explain" umiiyak na sabi ni Mia. "Miaaa kailan ka pa nagsinungaling?" Galit na sabi ko sa kanya. Tinignan niya si Vhander na parang humihingi ng tulong. "Bro hayaan mo kong magpaliwanag!" umatras ako. "Gagu ka Vhander kapatid ko ito tinalo mo! " asik ko.

"Kuyaaaaa" umiiyak na sabi sa akin ni Mia. Nang lumapit ulit sa akin si Vhander di ko na pigilang suntukin siya, tinamaan ko ang kaliwang mukha niya at todo sigaw si Mia sa likod ko pero wala akong naririnig kung hindi at nasa utak ko lang ay sirain ang pagmumukha ni Vhander.

Bata pa ang kapaitd ko tapos ibang eksena ang maabutan ko, dito pa sa garden nila Vhander.

"KUYAAA tama naaaaaaa" aambagan ko ulit sana si Vhander pero umatras na ako at hinila ang kamay ni Mia. "You know what Bro? Kalimutan mo nang magkaibigan tayo. Wag na wag kanang magpapakita ng anino mo sa amin" bulyaw ko

Pagalit kong hinila palayo doon si Mia hanggang sa makarating kami sa bahay tinulak ko siya papasok sa loob na hindi siya tumitigil sa pag-iyak.

"Kailan pa yun MIA? " sigaw ko. "Kuya huminahon ka" humihikbi niyang sabi. "Huminahon Mia? Saan? Sa nakita ko? Sa natuklasan ko ngayon? Alam mong ang bata bata mo pa Mia 17 ka palang, anong pumasok dyan sa kokote mo?"

"Mahal ko siya Kuya" malakas na sigaw niya sa akin. Tumingin siya ng diretso sa mata ko kahit natatakpan na ng mga luha ang mata niya. "Mahal? Mapakla akong tumawa. "Bullshit Mia, akala ko mag mortal na kalaban kayo tapos heto sasabihin mo sa akin Mahal mo siya! " Hindi kumibo sa akin si Mia at tila gustong gusto na niyang sumigaw pero di niya magawa.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Mia, hindi mo pa alam ang mga ganyang bagay" dagdag ko

"Alam ko kuya may pag-iisip ako hindi na ako bata. Alam ko ang ginagawa ko at higit sa lahat alam kung Mahal ko si Kuya Vhander! "

Napailing ako. "Hindi mo alam ang totoong kahulugan ng pagmamahal Mia!"

"Alam ko kuya hindi mo ko katulad, tinatago mo at nilalabanan mo ang sarili mo. Matagal ko ng nahahalata kuya. Mahal mo din naman si Patrice diba? Pero ano? Tinalikuran mo, ni lubayan mo. Dahil sa tingin mo hindi mo alam kung paano ang magmahal Kuya! "

Natigil ako at kinunutan ko ng noo si Mia. Nang makabawi ako tinignan ko siya ng patilim "Mom and Dad will know about this Mia. You're grounded at ako lang ang pwedeng maghatid sayo simula ngayon sa eskwelahan mo! " tinalikuran niya ako at patakbong umiyak papunta sa taas. Malakas na sinarado niya ang pinto sa kwarto niya.

Tinawagan ko agad ang parents namin. I'm  expecting already na makakauwi agad sila bukas ng maaga.


"Yaya saan yan? " kuha ko sa atensyon ng maid namin. "Ser ayaw po kumain ni ma'am Mia. Hindi po siya nagbubukas ng pinto " paliwanag nito. Yumango ako.

Alas nuebe na ng gabi. Tiyak gutom na ang sikmura noon. Hindi ako makatulog kaya sa sala ako nakaupo at malalim na nag-iisip.

Die in hell Vhander kapatid ko pa talaga ang tinira mo. Bakit ba hindi ko napansin. Curse him!! Hindi nag susubside ang galit sa dibdib ko sa naabutan ko kanina. Kulang pa nga sa kanya ang ginawa ko dapat sirang sira ng mabuti ang pagmumukha niya.

Nagising ako ng lagpas alasyete ng umaga. Narinig kong may kaluskos sa kusina na ibig sabihin nag hahanda na ng pagkain ang maid namin. Kinuha ko ang phone sa lamesa ng message si mommy na 9am ang arrival nila.

Umakyat ako sa taas at naligo, kahit kulang sa tulog. Mabilis akong nagpalit ng damit dahil ilang minuto nalang dadating na sila Mommy.


MIA

Hilam na hilam ang mata ko. Naaawa ako kay kuya Vhander at nag-aalala baka ano ng nangyari sa kanya. Madaling araw na yata akong nakatulog at maaga pa akong nagising.

Hindi ko mapigilan ang luha ko sa pagtulo lalo na't naaalala ko kung paano bugbugin ni Kuya Brook si Kuya Vhander. Wala akong nagawa kundi ang umiyak at hina hina ko.

Sunod sunod na katok ang narinig ko sa pinto ko pero wala akong balak pagbuksan iyon kung hindi ko narinig ang boses ni Daddy.

"Miaaa buksan mo ang pinto!" maawtoridad niyang sabi. Narinig ko pang sinasabihan siya ni mommy na kumalma.

Wala akong choice kung hindi ang pagbuksan sila ng pinto. Hindi na ako ang tuluyang nakapag bukas dahil malakas na tinulak ito ni daddy at isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. Hindi ko kinaya ang lakas niya kaya napahiga ako sa sahig.

Umiiyak na dinaluhan ako ni Mommy. Kitang kita ko ang pagbabago sa mukha ni Daddy na parang nagsisisi siya pero mas kinain siya ng galit niya.

"I'm sorry" umiiyak kong sabi. "It's okay baby tumayo ka" bulong sa akin ni Mommy tinulungan niya akong tumayo.

"Magbihis ka Mia at mag-uusap tayo sa baba!" bulyaw niya sa akin bago ako talikuran at sumunod si Kuya sa kanya. "Anak okay kalang?" hindi ko mapigilang umiyak. Habang hinahaplos ni mommy ang pisngi ko na nasampal ni Dad.

"Magbihis ka muna" malumanay niyang sabi.

Kahit pagod na pagod ako at gusto ko pang magpahinga pinilit kong labanan iyon at humarap sa parents ko maging kay kuya Brook.

"Anong ginawa mo Mia?" galit na tanong ni Dad. "Ton kumalma ka" sabi ni Mommy kay Dad. Humugot ako ng malakas na hangin at tinignan sila sa mata. "Nakipagrelasyon ako Dad! " malakas na loob kong sabi.

Nakarinig kami ng katok sa opisina ni Dad at pumasok ang yaya namin. "Ma'am, Ser nandiyan po si Vhander sa labas nagpupumilit pong pumasok."

"Talagang hindi na nahiya" tumayo si Kuya Brook at tinignan ako. "Dad akong nabahala kastiguhin niyo na si Mia" sabay labas niya ng kwarto. "I'm sorry Dad, Mom" lumuhod ako sa harap nila at nagmamakaawa. Tulungan niyo po akong pigilan si Kuya Brook papatayin na niya si Kuya Vhander sa pagsuntok palang niya." 

Hindi ko na mapaigilang mag breakdown sa harap nila at todo na ako sa pag-iyak, nagmamakaawang pigilan nila si Kuya Brook laban kay kuya Vhander. Hindi ko alam ko pero nanlalabo ang paningin ko at parang umiikot ang paligid ko.

Fall with me Kuya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon