"Mia dala ko ang project natin tignan mo kung okay na sayo" tumalikod si Patrice kaya binuksan ko ang bag niya at kinuha ang naka wrapped na illilustration board.
"Galing ah!" sabi ko.
"Si Kuya Vhander nagtapos nito, ganda noh? "
Hindi ako umimik napa smirk lang ako. Pabida kasi masyado.
"Miaaaa" sabay kaming napatingin sa likod ko si Anjo pala.
"Bakit? "
"Date tayo mamaya!" napanganga ako.
"Date? " nakangiwi kong tanong
"Oo date, di mo ba natanggap yung letter na pinadala ko sayo kahapon? "
"Letter? Kahapon? " Kumunot ang noo ko.
"Na kina Patrice ako buong maghapon eh! Sino ba ang binigyan mo? "
"Yung lalaki sa bahay niyo kuya mo daw siya"
"Wala naman akong natanggap eh" sabi ko.
"Ganun ba? Kala ko makakalabas tayo ngayon" Malungkot niyang sabi.
"Saan ba tayo papunta?" malumanay kong tanong
"Iimbitahan lang sana kitang kumain ng sabay mamaya. Dyan lang sa Jollibee kung okay sayo?"
"May pera ka bang dala? " nakangisi kong tanong
"Meron naman" sagot niya agad.
"Edi sige" nakangiti kong sabi.
Matagal ko ng Crush si Anjo actually elementary palang crush ko na siya hindi ko aakalaing mapapansin niya ako at iniimbita pa ng date.
Hindi na sumabay sa amin si Patrice dahil alam niya ang salitang privacy. Naglalakad kami ni Anjo dahil walking distance lang talaga ang jollibee sa amin.
"Mia ako na" sabay kuha niya sa akin ng payong na hawak ko.
"Anong height mo ba? "
"5"11 ata? "
"Ba't parang hindi ka sure? Nakangisi kong sabi."
"Hindi ko alam pero kinakabahan kasi ako pag nakakasama kita tapos ito nanlalamig na ang kamay ko" sabi niya
Natawa ako. Hindi niya ba alam na ang cute cute niyang tignan.
"Next time sa mamahaling restaurant na kita dadalhin"nakangiti niyang sabi.
"Mag-aral ka ng mabuti ha para madala mo ko" natatawa kong sabi.
Pinauna akong maghanap ni Anjo ng mauupuan namin kaya doon sa sulok ang pinili ko. Ganito pala ang feeling pag nakipagdate wag lang sana malaman ni Kuya Brook baka pektusan ako nun eh.
"Alam ba ng kuya mong nakikipagdate ka? "
Nerbyos akong napatingin sa harap ko si Kuya Vhander pala. "Anong pake mo? " sabay belat ko.
"HighSchool ka palang nakikipagdate kana" saad niya.
"So at least may pera naman" maldita kong sagot.
"Suss I'm sure pinagipunan pa ng ka date mo to ng tatlong araw"
"Pake mo ba?" Sita ko
"Babe wala na silang spicy chicken after 15mins pa can you wait? "agaw pansin na sabi ng babaeng kinulang sa tela.
"babe? Baboy lang? " natatawa kong bulong
"kahit ano nalang" sagot ni kuya Vhander umalis yung babae at bumaling ang tingin niya sa akin.
"So ano? Selos ka? "
Selos pala ha?. Hindi ako umimik pero si kuya panay ang pagpapacute nakataas pa ang kilay.
Natigil lang ng dumating si Anjo at natakpan siya ng likod nito.
"Kain na" aya ni Anjo.
Kinuha ko ang fries at burger steak na para sa akin at sundae. Kumuha ako ng isang piraso ng fries at dinip ito sa sundae.
"Anj tikman mo" sabay subo ko kay Anjo. Narinig ko nalang ang pag-ubo ubo Ji kuya Vhander.
"Babe are you okay? " naks baboy nga talaga.
"Mia ako naman" sabi ni Anjo kaya ako naman ang sinubuan niya.
"Arhemmm" sabay ubo ubo ulit ni kuya Vhander.
Dinalian ko ang pagsubo sa pagkain namin. Dahil may plano ako.
"Anj huli na to" sabay subo ko sa tatlong fries na dinip ko sa sundae.
"Arghhhheeeemm" ubong ubo Pag-aarte ni Kuya Vhander
"Mia alis na tayo, baka kasi may mahawaan tayo ng sakit eh" pabulong na sabi ni Anjo.
"Oo nga " sabay tayo ko.. "Baka may tb" medyo malakas na sabi ko sabay alis namin ni Anjo.
Nag offer pa sa akin si Anjo na ihatid ako sa bahay pero humindi na ako baka kasi makita ni Kuya papagalitan ako nun.
Hinintay ko si Kuya Brook hindi nagtagal pumarada din ang kotse niya at Sumakay ako agad.
"Saan ka nag lunch kanina? "
"Sa cafeteria lang kuya" nakangiwi kong sagot.
"Umorder ka ba ng gulay? "
Umiling ako agad. At least mabawasbawasan din ang pagiging sinungaling ko ngayon.
Hindi na nagtanong si kuya Brook kaya nag pa music nalang ako.
Bumaba ako agad sa kotse dahil ako ang magbubukas ng gate..
"Iwan mo nalang dyan, gagawa kami ng project nila Vhander at Hiro mamaya" sabi ni kuya kaya tumalikod ako agad.
Pupunta nanaman ang epal hayss.
Kumakain ako sa hapag ng dumating sina Kuya. Hinalikan ni Kuya Brook ang ulo ko bago umakyat sa taas para magpalit ng damit. Sinabihan pa niyang mauna ng kumain ang dalawa kaya sumabay sila sa akin.
"Mia ilang taon ka nga ulit?" tanong ni Kuya Hiro.
"Hulaan niyo po" nakangiti kong sabi.
"Bro, matanda na yan sabi kasi ni Brook repeater si Mia nung grade 2 siya" nakangising sabi ni Kuya Vhander.
Bwesit anong trip ng shokoy na to? Hindi naman yan totoo ah.
"Saglit lang, PO ha!" pagpapaalam ko.
Pumunta ako sa kusina at naghanda ng inumin. Lalagyan ko lang ng mouthwash ang juice ni kuya Vhander dahil sa dila niyang nakakabwesit.
Inutusan ko si Manang na dalhin ang ginawa kong juice at yun nasa kanan ang ibigay kay Kuya Vhander. Bumalik ako sa lamesa at tahimik na kumakain, ilang saglit pa dumating si Manang at tinandaan ko talaga yung juice na para kay kuya Vhander dahil hindi iyon masyadong puno may agwat ang laman ng dalawang baso.
"So ano Mia, ilang taong ka na?" si Kuya Vhander ang nagtanong.
"Secret. Hindi ko nalang sasabihin" sabi ko at nagkunwaring busy sa pagkain.
Kita ko na ang paghawak ni kuya sa baso at akmang iinom na. Ilang saglit pa dumiretso siya sa kusina at sinuka ang ininom niya. Halos walang pakundangan ang pagtawa ko. Sumunod si Kuya Hiro sa kanya at narinig ko silang nag-usap. Mabilis akong umexit at nagkaabutan kami ni Kuya Brook sa hagdan.
Tama lang sa kanya yun noh.
Nilocked ko ang pinto para walang umistorbo sa akin. Nag vibrate ang phone ko at nagtext si Kuya Vhander sa akin ng. "I know it was u" ganern.
Nag send akong ng kutsilyo emoji sa kanya at tumawa.
He started it.
BINABASA MO ANG
Fall with me Kuya (Completed)
General FictionAll i want to hear from you is to say you love me too! -Vhander Matured Content