Prologue

7.6K 144 45
                                    

SABI nila ang swerte ko dahil maganda,mayaman at higit sa lahat sikat si ako. Tama naman sila dahil isa akong Superstar. Sikat ako kahit saan lupalop ng mundo. Marinig lang nila ang pangalang Gwen Sanchez, nagkakagulo na ang mga fans ko.

Kinahuhumalingan naman ako ng mga kalalakihan dahil sa angkin kong  kagandahang taglay. Well, hindi ko sila masisisi. Maganda naman kasi talaga ako. Kaya alam ko ang nararamdaman nila, tuwing nakikita ang mala-anghel kong mukha.

Pero may nagsasabi din na mga haters ko siguro, na maldita daw si ako. Kaya siguro sila ganoon dahil inggit lang sila sa akin. Wala naman akong pakialam kung sabihin nila yon. That's not true!

*Door's Open*

"Ahm.. Ms. Sanhez-" Di manlang kumatok tong bwiset na PA ko na to.

"Usong kumatok! Di mo ba nakikitang may pinto Ms. Torres!? You're ruining my mood today!" Inirapan ko siya at kinuha yung pina-utos kong starbucks.

"I'm sorry ma'am." Nakatungong sorry niya sa akin. Inirapan ko lang siya ulit.

"Whatever." Nag-sip ako ng Starbucks ko, pero nabuga ko yun.

"WHAT THE! HEY YOU! WHAT IS THIS?!" Singhal ko sa PA ko. E paano ang pait pait nitong starbucks!

"DI BA SABI KO CHOCO MOCHA ANG I-ORDER MO! BAKIT BLACK COFFEE TO?! HA?! TANGA TANGA KA TALAGA! BWISET!" Binuhos ko sa kanya ang starbucks. Tanga tanga talaga tong babaeng to.

"I'm sorry ma'am." Hinilot ko ang sentido ko bago humarap sa kanya.

"You're fired!" Binato ko sa kanya yung pang 13 month niya. Baka ma-issue pa ko nito. Kung hindi ko ibibigay ang pera. Tsk!

"M-Ma'am please h-hindi na po mauulit." Lumuhod pa siya sa harapan ko.

"LUMAYAS KA NA NGA PATAY GUTOM KA! GUARD! ILABAS NIYO NA NGA TO!" Nilabas na siya ng mga guard. Mga mahihirap talaga mga walang kwenta! Pwe!

Hindi ako maldita, sadyang inggit lang sila sa'kin. Bumalik ako sa aking chair para mag relax. Mga patay gutom na walang kwenta. Pahirap sa buhay! Basta alam kong maganda at mayaman ako. I'm Gwen Sanchez, the famous superstar.









A/N: Hi guys this is my new story hehehe. Sobrang maldita talaga ng character na babae dito. Kita niyo naman guys pati ako inaaway, tapos sasabihin niya hindi siya maldita aba magaling! anyways, sana magustuhan niyo ito. Promise! gagandahan ko ang storyang ito. Happy reading.

The Maldita Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon