Gwen's POV
Nag-iipake na ako ngayon. Ngayon na alis namin papunta sa lugar na hindi ko alam. Buti nalang may mga brand yung binili sakin nung maingay na kapatid ni Flynn, hindi ako sanay sa mga tyangge lang. Eww!
*Door's Open*
"Are you done?" Umikot lang ang mga eyeballs ko. Wala kong panahon sagutin siya.
"Okay, mukha nga. Bumaba kana para maaga tayong maka-alis." Buti naman umalis na yung bwiset na lalaking yun.
Bumaba na ko pagkatapos ko lahat iimpake ang mga damit sa isang maleta.
"Good morning, Gwen." Di ko pinansin ang maingay na kapatid ni flynn.
"Let's go?" Sumunod nalang ako kay Flynn, nakasunod naman sa likod ko yung maingay niyang kapatid.
Sumakay ako sa backseat, magkatabi naman yung dalawang asungot. Tumingin lang ako sa bintana ng kotse. One week lang ang nakalipas halos lahat ng billboard ko wala na. Bagsak na talaga ang career ko ngayon. Mabuti pang matulog nalang ako wala akong panahon mag antay sa biyahe ng sobrang tagal.
Cheska's POV
Sinuot ko ang sunglasses ko pagkababa ko ng private plane. Naglakad ako papasok sa airport, baka may mga reporters dito at makilala pa ko buti na ang sigurado. Pagkalabas ko ng airport agad na kong sumakay ng sasakyan ko.
*Calling mommy..*
"Hello, mom?"
"Where are you now?"
"Pauwi na ko dyan. Ok na ba yung kwarto ko sa masion natin?"
"Yes dear, gaya ng gusto mo."
"Okay, sige na mom nagdidrive ako bye."
*Toot toot*
Ang sarap talaga maging mayaman lahat ng gusto mo nakukuha mo. Pati kayamanan ng maldita kong pinsan nasa akin na ngayon, pati ang kasikatan niya. I'm Fracheska Abiggail Romero and I'm the new Superstar na kahuhumalingan ng lahat. *Evil smirk*
Flynn's POV
Nakarating na kami sa isang tagong lugar dito sa batanggas. There's a island here called Island de amor. Tagong tago ang islang ito kumpara sa ibang lugar kaya dito ko naisipan itago si Gwen.
"Woah, ang ganda naman dito. Ang simple lang ng mga bahay kumpara sa ibang lugar." Bungad agad ni Ammy pagkababa niya sa kotse.
"Maganda? Maganda ba ang tingin mo sa mga bahay na iyan. Eww! Squatter area. urggh!" Nagpagpag pa siya ng damit niya. Tss! Napaka talaga ng Gwen na to.
"Pwede ba manahimik ka nalang Gwen?" Inirapan niya lang ako. Maladita talaga ang sarap ihambalos, buti nalang hindi ako lumalaban sa babae.
Nilakad nalang namin papuntang bahay na titirhan nila. Nang nasa tapat na kami sa pinto..
"Really? Dito ako titira sa squatter na bahay nato? Eww! Allergic ako sa maduming bahay na parang tinitirhan na ng mga daga!" Hindi ko lang siyang pinakinggan. Binuksan ko na pintong gawa sa kahoy.
"Hindi pwede ang sosyaling ugali dito. Isa pa, wala katulong dito kayo lang ang gagawa ng gawaing bahay."
Tiningnan ko ang buong kabuuan ng bahay. Ayos naman ito simple lang at hindi madumi, yung babaeng yun lang naman yung sobrang manlait."Whatever. Asan ang room ko dito?" Nandiridiring umupo siya sa kahoy na sofa sa sala ng bahay na ito.
"Isang kwarto lang ang meron dito. Share kayo ni Ammy." Napatigil siya sa pagkalikot ng kanyang maketa.
"WHAT?! No! Ayokong may ka-share ng kwarto. Pwede naman siya dito sa sala matulog." Sinamaan ko siya ng tingin, ang arte talaga.
"Okay lang kuya, dito nalang ako sa sala." Pinandilatan ko si Ammy ng mata. Lalong lalaki ang ulo nito kapag punagbigyan lagi.
"No, walang matutulog sa sala. May double deck sa kwarto kaya hindi naman kayo magkatabi." Inirapan lang ako ni Gwen. Tss napaka spoiled talaga nito.
*Fastforward*
"Batayan mo maigi yan ha. Huwag mong laging pagbibigyan baka hindi tumino yan. Okay ba yun Ammy?" Paghahabilin ko kay Ammy. Kailangan na kasi ako sa trabaho ko sa maynila.
"Copy kuya kong pogi hihi." Niyakap ko muna siya bago sumakay ng kotse at umalis. Alam ko namang walang makakatuton dito kay Gwen. Iimbestigahan ko ang kanyang Tita Olivia dahil malakas ang kutob na may alam siya sa kaso ni Mr. Sanchez.
Gwen's POV
Iniwan na kami ni Flynn sa lugar na hindi ko alam at wala na kong balak na alamin pa.
"Saan mo gusto sa taas o sa baba?" Ngiting aso nanaman tong babaeng to. Nakalimutan ko yung name niya kaya tatawagin ko nalang siyang aso.
"Sa baba." Humiga na ako sa baba ng double deck ba to? Basta yun tawag doon.
"Okie, gusto mo kumain?" Timagilid ako higa sa matigas na kama nato. Kainis! Hindi ako makakatulog nito bwiset talaga.
"Okay, palagay ko hindi ang sagot mo. Sige doon muna ko sa sala kung may kailangan ka, just call me." Narinig kong umalis na siya. Buti naman ang ingay kasi ng asong yun.
Tiningnan ko ang buong paligid. So disgusting! Gawa sa kahoy ang bahay na ito at halatang luma na. Ang tigas pa ng higaan ko. Hindi pa naman ako sanay sa ganito. Nahagip ng mata ko ang isang maliit na tv dito. Binuksan ko ito, ang swerte ko talaga balita ang palabas. Kumunot ang noo ko ng makita ko ang aking one and only cousin and enemy sa balita.
"Anong ginagawa ng babaeng to dito sa pilipinas?" Pabulong kong tanong sa aking sarili.
Dinudumog siya ng mga reporters. May nag tanong ng "Cheska, ikaw na ba talaga ang papalit sa movie na hindi natapos ng pinsang mong si Gwen Sanchez?" Inabangan ko ang isasagot niya sa tanong ng reporter.
"Yes. Ako ang tinawagan ng director para ipang palit. Abangan niyo na lang ang iba pang announcement about that." Pinatay ko na lang ang tv. Walang kwentang mga tao mas gusto nila ang mga baguhan kesa yung hasa na sa pag aartista.
Lumabas nalang ako sa bulok na bahay na yun. Umupo ako sa isang mahabang upuan sa labas nito na katapat ang dalampasigan. Ang sarap pala ng simoy ng hangin dito refreshing.
"Hey Gwen, andito ka pala." Hindi ko lang siya pinasin bagkus ipinikit ko ang aking mga mata para damhin ang simoy ng hangin.
"Alam mo Gwen, kaya ka dito dinala ni kuya kasi alam niya hindi ka matutunton ng mga pulis." I open my eyes and I look at her.
"Wala akong pakialam kung mahuli ako ng bwiset na mga pulis na yun. I'm not guilty at all, isa pa mapapatay ko ba ang sarili kong ama? come on." Inis kong sabi sa kanya. Ngumiti lang ito sa akin at tumayo.
"Alam namin ni kuya na wala kang kasalan. Kahit naman ganyan ang ugali mo alam ko may puso ka rin at hindi mo kayang pumatay ng tao, lalo na ang ama mo. Malamig na dito pumasok ka na ha, maaga pa tayo bukas." Parang lahat ng binitawan niyang salita tumatagos lahat sa akin. Naniniwala sila sa akin, buti sila kahit hindi ko kadugo may tiwala. Yung mismong mga kadugo ko lalo akong dinidiin sa kaso.
May ilang butil ng luha ang tumulo sa pisngi ko. I'm not a good person. Oo lahat inaapakan ko. Pero ang ang pagpatay ng tao ang hindi ko kayang gawin. Lalo na sa sarili kong ama. Pinunasan ko muna ang mga tumulong luha sa aking mukha bago pumasok sa bulok na bahay at matulog sa matigas na higaan. Tsk!
A/N: Enjoy reading guys
BINABASA MO ANG
The Maldita Superstar (COMPLETED)
RomanceMeet Gwendolyn Katerina Bloom Sanchez the Superstar, na kinahuhumalingan ng kalalakihan dahil sa angkin niyang kagandahan, pero kabaliktaran ng ugali niyang mala imbyerna. What if kung isang araw, napagbintangan siya sa isang krimeng hindi naman niy...