Flynn's POV"Let's go." Sumunod kami ni Ammy kay Gwen palabas ng venue. Ang dami agad na mga reporters na sumalubong sa'min.
*Click Flash*
Ang daming cameras at mic ang mga nakatapat kay Gwen. She's serious right now. Nakatingin lang sa mga reporters na nasa paligid.
"Totoo po ba lahat ang mga sinabi niyo kanina?" Reporter 1.
"Oo totoo lahat ng mga narinig at nakita niyo." Seryosong sagot ni Gwen.
"Anong plano mo? Kakasuhan mo ba si Ms. Cheska?" Reporter 2.
"No comment. Please excuse us." Inalalayan ko si Gwen at si Ammy para maka alis sa venue. Naka sunod pa rin ang mga reporters sa amin. May mga guards naman na humaharang kaya hindi kami naabutan. Nang makasakay na kami sa kotse nakasunod pa rin ang mga makukulit na mga reporters.
"They following us, kuya." Si Ammy na nakatingin sa mga reporters sa labas ng kotse patuloy naman ang pagpigil ng mga guards sa kanila.
"Pa-andarin mo na ang kotse Flynn." Seryosong sabi ni Gwen. Ibang iba na ang awra niya ngayon. Sinunod ko ang utos niya bahala sila kung makaladkad sila dyan ayaw umalis e.
Hindi naman sila nakasunod dahil napigillan sila ng mga guards sa loob ng venue."Kuya sa bahay mo nalang ako ihatid." Tumango lang ako. Buong biyahe tahimik lang kami wala ni isa ang nag oopen ng topic. Nang makarating na kami sa bahay ay bumaba na si Ammy.
"Bye kuya, bye Gwen. Ingat kayo sa biyahe." Pagbaba ni Ammy hinintay ko muna siyang makapasok sa loob bago ko paandarin ulit ang ko ang kotse. Tahimik pa rin si Gwen kaya hindi rin ako umiimik focus lang ako sa pagdadrive.
"Stop the car," Napamaang ako sa sinabi niya.
"Why?" Seryosong tanong ko.
"Just stop the car!" May diin ani niya.
Itinigil ko sa tabi ang kotse at humarap ako sa kanya na diretso pa rin ang tingin sa daan.
"Saan ka pumunta kanina? bigla ka nalang nawala." Tumingin na siya akin ng magtanong siya.
"Sa labas ako galing kanina may tunawag sakin." Sagot ko.
"Yun lang ba ang ipinunta mo doon o may iba ka pang ginawa?" May pagkasarcastic na sabi niya.
"Yes." Maikling sagot ko naman. Wala akong balak sabihin sa kanya kung ano ang nangyari kanina dahil alam ko naman hindi niya magugustuhan yun.
"Are you sure? I'm not believe you Mr. Cooper. Alam ko na may tinatago ka tell me, hindi ka magaling magsinunagaling!" Galit na siya for sure dahil tinawag na niya ko sa surname ko. Okay sasabihin ko na nga lang bahala na.
"Okay fine, kinausap ako ng aunt Olivia mo kanina sa labas ng venue. She just interested na malaman kung ikaw ba daw si Gwen. Nagbanta din kung sakaling babalik si Gwen hindi siya magdadalawang isip na patayin ka. She's out her mind, that crazy old woman!" Pagdedetalye ko ng mga sinabi ni Olivia sakin kanina.
"Tss! Hindi na ako matatakot sa mga banta nila. Kung papatayin nila ako mauuna muna sila because they are not deserve to live. Sila ang may kasalanan kung bakit namatay ang daaddy ko, kukunin ko lang ang dapat sa akin." Seryoso pa rin siya.
"I know that, hindi ka nag iisa Gwen kasama mo ko sa mga laban mo dahil hindi ko sila hahayaan na saktan ka ulit." Nakita ko na napangiti na siya sa sinabi ko. Hiniharap ko siya sa akin at hinalikan ko ang mga labi niya hindi niya naman ito tinutulan. Nang matapos ang halik ay napatawa nalang kami pareho.
"Let's go home." Ani ko. Pinaandar ko na ang kotse papunta sa condo.
Gwen's POV
Narito na ako sa loob ng bathroom ng condo ko. Nakababad ang katawan ko ngayon sa bathtub upang marelax ang utak ko. Ang daming nangyari ngayong araw at nakaka stress lahat ng mga yun. Alam kong hindi magpapatalo si Cheska pagdating sa mga gantong bagay. Siguro ngayon gagawa na yun ng hakbang para patayin ako. "Cheska, hindi mo ako mapapatay sa pagkakataong ito." Bulong ko sa isip ko. Pagkatapos ko magbabad sa bathtub ng thirty minutes ay nagbihis na ako ng pantulog ko. Nagtungo na ako sa kama at humiga nilamon na ako ng antok hanggang makatulog na.
ZzzzzZzzzzZzzzzZzzzzzZzzzzZzzzzzz
*Kringgg!!!*
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko na nagriring ngayon. Peste naman sino ba ito ang aga aga.
"Hello, sino ba ito?"
"Hulaan mo?"
"Sorry hindi ako manghuhula, bye."
*Toot toot toot*
Gago ba siya? Tatawag tawag tapos magpapahula kung sino sya. Ang aga aga pa nanggulo nasira pa tuloy ang beauty sleep ko. Patulog na sana ako ulit ng magring na naman ang cellphone ko.
"Sabing hindi nga ako manghuhula!!!"
"Aray naman!!! Ang sakit sa tenga Gwen sino ba ang kaaway mo!?"
Tiningnan ko ang caller si Ammy pala.
"Ay sorry naman ang akala ikaw yung kanina na tumawag e. Bakit napatawag ka?"
"Okay lang, kung magkikita kayo ni kuya pakisabi mag out of town ako now. May aasikasuhin ako sa states about business ko."
"Okay makakarating ingat ka."
"Thank you Gwen, bye bye na. muah!"
"Bye."
*Toot toot toot*
Pahiga na sana ulit ako ng magring na naman ang phone ko. Ngayon tiningnan ko na kung sino ang caller unregistered number ito.
"Yes, hello?"
"Hi Gwen, na miss mo ba ko?"
"Who are you?"
"Kagabi lang tayo nagkita pinahiya mo pa nga ako e. Nakalimutan mo ba!?"
"What do you want Cheska!?"
"Ako? Alam mo naman kung ano ang kailangan ko diba? Ang buhay mo!"
"Alam ko naman ang gusto mo, hindi ba kayo nakuntento! Pinatay na nga ng nanay mo ang tatay ko at kinuha niyo na nga lahat hindi pa rin ba sapat 'yon!?
"Hinding hindi magiging sapat yun kung hindi ka mamatay!!! Dahil ikaw ang sagabal sa mga plano namin ng mommy ko Gwen!!! Tandaan mo ito hindi ako titigil hanggat nabubuhay ka papatayin kita! Gwen papatayin kita!!!"
*toot toot*
Nawala ang antok ko sa mga sinabi ni Cheska. Ang mga banta nila ay hindi lang simpleng banta gagawin talaga nila kung ano ang dapat nilang gawin.
Haysst. Ang sakit sa ulo ng mga problemang ito.Cheska's POV
Ibinato ko ang phone haggang mawasak ito. Bwiset talaga ang babae yun! sira na ang paangalan ko sa buong mundo. Alam ko siya ang may kagagawan kung bakit ako may warrant of arrest. Muntik pa ko mahuli ng mga pulis kanina sa mansyon buti nalang at nakatakas ako agad. Ang sabi sakin ni mommy na maghiwalay muna kami para hindi kami mahanap ng mga pulis. Andito ako sa isang villa ng pagmamay ari ni mommy sa Laguna. Buti at may landline na telephone dito tatawagan ko yung mga tauhan namin sa manila.
"Hello po ma'am."
"Ano na balita sa mga pinapagawa ko sa inyo?"
"Malapit na po kami matapos dito sa bodega ma'am, kailan po namin gagawin ang pinapagawa mo?"
"Papalamigin ko muna ang balita tungkol sa akin bago tayo kumilos. Ayoko ng may mga mata na naka matyag sa akin. Gawin nyo yan ng maayos! Ayoko ng tatanga tanga!"
"Masusunod po ma'am."
*toot toot*
Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo at sinidihan ko ito. Magpapalamig muna ako at hahayaan ko muna silang magsaya bago ko sila patayin. Especially to my dearest cousin. Sisiguraduhin ko ngayon na hindi ka na makakaligtas sa pagkakataon na ito.
A/N: Maraming maraming salamat sa mga sumusuporta sa story ko guys. Natouch ako ng sobra sobra.
BINABASA MO ANG
The Maldita Superstar (COMPLETED)
RomanceMeet Gwendolyn Katerina Bloom Sanchez the Superstar, na kinahuhumalingan ng kalalakihan dahil sa angkin niyang kagandahan, pero kabaliktaran ng ugali niyang mala imbyerna. What if kung isang araw, napagbintangan siya sa isang krimeng hindi naman niy...