Flynn's POV
Nasa kotse ako ngayon at naghihintay ng message kung nasaan si Gwen. Three days na nilang hawak si Gwen kaya sobra na nag aalala si tita Gineva sa kanya. Lalo na ako sana naman wala silang ginawa kay Gwen.
*Phone rings*
"Hello?"
"Hi Mr. Cooper long time no talk."
"Where's Gwen!?"
"Ay, si Gwen na naman puro nalang si Gwen ang bukang bibig mo! Well, buhay pa naman siya sa NGAYON!"
"Huwag niyo siyang sasaktan!"
"Don't worry Mr. Cooper, kung maibibigay mo ang hihingiin ko sayo mamayang 12 hindi siya masasaktan."
"Ano bang gusto niyo Cheska!?"
"Simple lang 500 million kapalit ni Gwen, ano deal or no deal?"
"Deal."
"Madali ka lang pala kausap, sige antayin mo ang message ko mamaya."
*toot toot*
Pina-andar ko ang kotse pabalik sa mansyon nina tita Gineva para ipaalam ang gusto nina Cheska para ibalik si Gwen. Pagdating ko sa mansyon ay nakaabang sa akin si Ammy sa may sala.
"Anong balita kuya?" Sabi ni Ammy paglapit sa kin.
"Nahingi sila ng ransom para makuha natin si Gwen, 500 milllion ang kailangan nila." Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"What!? Ang laki naman non! Ang sama talaga ng mga yun." Nakita kong bumaba na si tita Gineva at lumapit sa gawi namin.
"Ano na ang balita tungkol kay Gwen? Is she okay?" Nag aalalang tanong niya.
"Humingi daw po sila ng ransom na 500 million para makuha natin si Gwen mamayang 12." Si Ammy ang sumagot kay tita Gineva.
"Jusko! Ihahanda ko na ang perang kailangan nila. Okay lang kahit maghirap kami basta kapiling ko lang ang anak ko." Nagsimula ng umiyak niyakap siya ni Ammy upang pakalmahin.
"Ako nalang ang magbibigay ng pera, huwag na kayong sumama dahil delikado para sa inyo. Babalik ako dito mamaya para kunin ang pera. Don't worry tita maiuuwi ko dito si Gwen ng ligtas." Umalis na ako para maghanda para sa pupuntahan ko. Hindi ko alam kung ano ang ikot ng utak ng mga yun. Naalala ko pa yung sinabu ni Gwen noong last month na sinabi niya ang tungkol dito.
*Flashback*
"Babe, may sasabihin ako sayo." Lumapit naman ako kay Gwen.
"Ano yun maldita ko?" Nakahug back ako sa kanya.
"Kung sakaling may gawing masama sina Cheska sa akin, maging handa din kayo." Kumunot naman ang noo ko.
"Ano ba yang pinagsasabi mo? Hindi ko sila papayagan na saktan ka nila?" Ngumiti naman siya at hinawakan ang pisngi ko.
"Kung sakali lang naman babe, mahalaga din ang safety niyo ayoko din na saktan nila kayo." Sabi niya habang nakahawak sa pisngi ko.
"Hindi ko hahayaan na saktan ka nila o sino man sa atin. Poprotektahan kita laban sa kanila." Hindi na siya nag salita at hinalikan niya ako sa lips ng smack lang.
End of Flashback
Tatandaan ko ang sinabi ni Gwen non, magiging handa ako para na rin ito sa kaligtasan ko.
"Gwen, ililigtas kita at mapaparusahan ang mga may kasalan dito. Hintayin mo ako Gwen." Sambit ko bago pumasok sa unit ko.
Gwen's POV
BINABASA MO ANG
The Maldita Superstar (COMPLETED)
RomanceMeet Gwendolyn Katerina Bloom Sanchez the Superstar, na kinahuhumalingan ng kalalakihan dahil sa angkin niyang kagandahan, pero kabaliktaran ng ugali niyang mala imbyerna. What if kung isang araw, napagbintangan siya sa isang krimeng hindi naman niy...