Gwen's POV
Nagising ako ng 4:00 am tulog pa si Ammy kaya lumabas muna ako ng kwarto. Naglakad lakad ako medyo malamig dahil madaling araw palang. Nakarating ako sa tabing dagat umupo ako sa buhanginan. Halos wala pa akong makita kasi madilim pa.
"Speaking of the devil," Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na yun. Si Cheska.
"Maaga pa para manggulo ka. So, please chupi ka dito." Nakaka inis napaka aga naman niyang mambwiset.
"Wala akong pake! You! Tell me, ikaw ba si Gwen Sanchez!?" Sumama ang tingin ko sa kanya. Tumayo ako at pinagpag ang mga buhanging dumikit sa akin.
"Bakit gusto mong malaman? Curious ka?" Lumapit ako sa kanya. Hindi naman nagbago ang expresyon ng mukha niya. Demonyita pa rin.
"No I'm not! I just want confirm because Gwen Sanchez is dead! She's my stupid cousin!" Ngumisi naman ako.
"You better find out Ms. Romero. One thing, don't insult the dead person. Bahala ka baka bumalik siya at ikaw ang punteryahin niya. Better watch out, honey." Sinadya kong banggain ang balikat niya paglagpas ko. Napamura siya ng mahina at wala akong pake. Ang aga aga nagiging bad mood na naman ako. Bumalik nalang ako uli sa kwarto, mukhang mapapa aga ang uwi namin dahil sa asungot na andito.
Flynn's POV
Nasa airport na ako nag aantay nalang ng flight. Maaga ang flight ko kaya kanina pa ako dito mga 4:00 am ng umaga. It's 5:30 am mga thirty minutes pa ako mag aantay. Biglang tumunog ang phone ko.
"Yes hello?"
"Hello hijo, ako to si Tita Gineva mo."
"Good morning po tita, bakit po kayo napatawag?"
"Itatanong ko lang kung busy ka."
"Paalis po ako papunta sa hongkong para sa trabaho."
Ganun ba? Sige next time nalang, thanks sa time mo. Have a safe trip, hijo."
"Thank you po Tita, bye."
"Bye."
*Toot toot toot*
Inilagay ko ang phone ko sa bag ko. Bakit kaya tumawag si Tita? Nakibit balikat nalang ako. Bibilisan ko nalang ang trabaho doon para makabalik agad dito.
Gineva's POV
Pagkatapos ng phone converation namin ni Flynn. Kinuha ko ulit ang brown envelop sa drawer. Binuksan ko ito, ito yung picture ng artista na si Cheska Romero galing siya kung saan ko nakita si Gwen ng araw na yun. Sa tingin ko may kinalaman ang babaeng ito sa nangyari na yun.
*Knock knock*
Agad kong tinago sa drawer ang envelop ng may kumatok.
"Mom? Are you awake?" Si George pala.
"Yes anak!" Pumunta ako sa tapat ng pinto at pinagbuksan ko siya.
"Pauuwi na daw sina ate, she called me earlier." Pumasok ito sa kwarto at umupo sa bed.
"Buti naman kung ganon, kumain ka na ba?" Umiling naman siya. "Let's eat." Una siya lumabas at sumunod naman ako. Pagkadating ni Gwen ay pag uusapan namin tungkol sa mga nakalap kong impormasyon.
Ammy's POV
Ako ang nagdadrive malapit na kami sa bahay nina tita Gineva doon nalang ko nalang daw siya ihatid. Di ko rin alam sa babaitang ito kung bakit ang aga namin umalis sa resort. Nang makarating na kami ay bumaba na siya pero bago niya isara ang pinto ay tinanong niya ako.
"Hindi ka ba muna papasok?" Tanong niya.
"Nope. Uuwi na ako. Ikamusta mo nalang ako kina tita at George. Bye." Sinara na niya ang pinto ng kotse ko. Pinaandar ko na ang kotse, kita ko pa siya sa side mirror kumakaway.
Tumawag sa'kin si kuya na umalis na siya kanina. Malapit ako sa bahay ng may matanaw akong pamilyar na tao sa tapat ng gate ng bahay.
"Si unggoy ba yun?" Bulong ko. Ano kaya ginagawa ng mokong na ito dito?
Tinigil ko ang kotse at bumaba para kumpirmahin kung siya nga yun. Talagang siya nga."Ano ginagawa mo dito?" Agad kong tanong. Medyo naiilang pa'rin ako. Nakakainis!
"Highblood ka naman agad! May pinapa utos si partner sa'kin dito. Kunin ko daw sayo yung mga documents niya." Oo nga pala sinabi nga ni kuya yun kanina.
"Wait me here, kukunin ko." Sagot ko.
"Di mo ba ako papasukin?" Tanong niya.
"Sa palagay mo?" Iritang tanong ko.
"Tss! Sige na bilisan mong kunin ang init dito." Medyo may inis na sa tono ng boses niya.
"Okay fine! Pasok na!" Na una nalang akong pumasok sa loob ng bahay. Ilang araw ko rin siyang hindi nakita pero may kakaibang kabog pa'rin sa dibdib ko.
Gwen's POV
Naka upo ako ngayon sa sala katapat ko si mom. May pauusapan daw kami kaya sumunod nalang ako. Si George naman nasa kwarto may tinatapos na trabaho.
"Ano po bang pag uusapan natin mom?" May inilapag siyang brown envelop sa mesa.
"Inside in the envelop, mga picures ng gumawa sayo a year ago." Tinukoy niya ba yung tungkol kay Cheska? Kinuha ko ang envelop at tiningnan ang nasa loob nito. Ito nga yung lugar kung saan ako dinala ni Cheska.
"P-Paano niyo po i-ito nakuha m-mom?" Medyo nagulat pa ako. Gusto ko sana na lihim mo na ito mukha yatang nakahanap na si mom ng ebidensya.
"Pinaimbestigahan ko yan simula yung nangyari sayo. So? Si Cheska ang prime suspect dahil andyan siya sa picture na yan!" May galit na sa tono ng boses niya. "Tatawagan ko na ang mga pulis para mahuli na ang babaeng yan!" Dagdag pa niya.
"No mom! Walang tatawag ng pulis at walang huhulihin." Kalmado lang ang pagkakasaabi ko.
"But why!?" Naguguluhang tanong niya.
"Mom, alam ko lahat ng nangyari sakin. Lahat lahat." Pag amin ko.
"WHAT!? Bakit hindi mo sinabi sa'kin nung una palang?" Tumayo ako sa pagkaka upo.
"Dahil ayoko kayong madamay, iba maglaro sina Oliva at Cheska. Kayang kaya ka nila patayin sa isang maling kilos mo." Totoo naman talaga e, kung gusto nilang patayin ka hindi na sila magdadalawang isip pa.
"Pero anak, kailangan ng makamit mo ang hustisya para sa daddy mo at sayo. Sila ang dahilan ng pagkasira ng buhay mo." Naging kalmado na ang tono ng boses niya.
"Please mom, pwede sa atin muna ito? Ako na ang bahala para sa hustisya na gusto kong makamit. Kulang lang ang makulong sila, I want them to suffer. Kagaya ng ginawa nila." Mag-mamatigas ko.
"Are you sure?" Tanong ulit ni mom.
"Yes mom, I have to go." Hindi ko na siya inintay sumagot. Pagod na ko gusto ko ng magpahinga sa unit ko. Nag taxi nalang ako wala akong dalang kotse. Sisiguraduhin kong pagbabayaran ng mag inang yun lahat ng kasalan nila.
N: Enjoy reading.
BINABASA MO ANG
The Maldita Superstar (COMPLETED)
RomanceMeet Gwendolyn Katerina Bloom Sanchez the Superstar, na kinahuhumalingan ng kalalakihan dahil sa angkin niyang kagandahan, pero kabaliktaran ng ugali niyang mala imbyerna. What if kung isang araw, napagbintangan siya sa isang krimeng hindi naman niy...