Gwen's POV
SABI ni dad ngayon na darating yung bago kong personal assistant. Andito ako ngayon sa taping ko, sinabi ko naman kay dad na dito niya papuntahin ang bago personal assistant ko.
"I'm sorry, i'm late Ma'am Sanchez." Napatingin ako sa lalaking long hair at kulay brown ang mata.
"Who are you?" Nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.
"I'm your new Personal Assistant, i'm Dave Vargas." Kumunot ang noo ko. First time kong magka-Personal Assistant ng lalaki. Tinulak ko ang nag me-make up sa akin.
"Tumayo ka lang dyan sa tabi ko dahil uutusan kita." Sumunod naman niya agad ang utos ko. Aba, masunurin naman pala to.
"Ms. Sanchez, ikaw na po." Tumayo na ako para pumunta sa pwesto ko sa shooting.
Flynn's POV
PUMAYAG na ko sa gagawin kong misyon. Nag offer ba naman si Mr. Sanchez ng 100 thousand a month. Pumayag na ako, hindi sa mukha kong pera. Sayang din ang 100 thousand a month. Ang misyon ko lang naman ay maging PA ni Gwen Sanchez ang anak ni Mr. Sanchez. Dahil may mga natatanggap daw itong mga death threats these past few days.
Kinailangan ko rin mag bago ng identity. Baka malaman ng mga nagpapadala ng death threat na isa akong secret agent. Ayokong lumala pa ang sitwasyon. Nilagyan ako ng hair extension para humaba ang buhok ko. I hide my bluish eyes in dark brown contact lens. Binago ko rin ang pangalan ko bilang Dave Vargas.
"I'm so tired! Hey, Mr. Vargas! Buy me a food." Utos ng anak ni Mr. Sanchez. Pinag aralan ko ang profile niya. Alam ko na rin ang ugali ng babaeng 'to.
"Right away, Ma'am Sanchez." Bumili ako sa malapit na convenient store dito ng food niya. Vegetable Salad and Water ang binili ko. Bumalik na ako sa set after ko bumili ng pagkain.
"This is your food Ma'am." Tiningnan niya muna kung ano ang binili ko. Kinuha naman niya sa kamay ko ang food.
"Good Mr. Vargas, alam mo agad ang type na food ko." Nilamtakan niya agad yung vegetable salad. Umiling nalang ako dahil sa inaasal ng malditang babaeng 'to.
"Where's my water?" Ibinigay ko sa kanya yung water niya. "Childish. Tsk!" bulong ko sa isip ko.
After 3 hours natapos rin ang shooting nila. Mukhang pagod na ang babaeng 'to. Tss!
"I'm so tired! Hey you! Dalhin mo lahat ang gamit ko. Paki-bilisan, ayoko ng ba-bagal bagal." Utos niya. Pina-kalma ko lang ang sarili ko. Ayoko talaga sa mga babaeng pangit ang ugali. Ang sarap nila ipatapon sa mars. Ano ba kasi itong pinasok ko?!
Binitbit ko ang mga bagahe niya palabas ng set nila. Nilagay ko sa likod ng van ang mga gamit niya at sumakay sa tabi ng driver. Siya naman sa likod ko. Buti naman at tahimik lang siya.
May napansin akong sumusunod sa amin na itim na kotse. May iba akong kutob dito. Hinanda ko agad ang baril na nasa back pack ko. Ini-ngatan kong hindi nila pamansin.
"Ahm.. kuya pwede ako na ang mag drive ng van?" Nakita ko sa gilid ng mata kong nakakunot ang noo ni Gwen, pero di ko siya pinansin.
"Ano bang ginagawa mo Mr. Vargas?" May halong inis sa boses niya.
Di ko pa rin siya pinansin, nagpalit kami ng driver ng van. Sinilip ko ang side mirror ng van, shit. Dahil naglabas na rin sila ng mga baril. Pinupuntirya talaga nila ang babaeng 'to.
"YUMUKO KAYO! BILIS!" Sigaw ko dahil nag paputok na ng baril yung nakasakay sa itim na van.
Yumuko naman sila, nilabas ko ang ulo ko sa bintana at nakipagbarilan sa kanila. Hindi talaga sila tumitigil sa pagsunod sa amin. Natamaan ko ang isa sa mga gulong nila. Nakita kong nabutas ang gulong ng itim na van at nag-gewang gewang sa daan.
"WHAT THE HELL IS THAT?!" Sigaw ni Gwen ng maka-recover na kami sa nangyari.
"Sinusundan nila tayo at may dala silang baril. Puntirya ka nila Ms. Sanchez." Mahinahon lang ang aking tono habang nagmamaneho ng van.
"Omygosh! They want to kill me?! Siguro may kinalaman dito yung nagpapadala sa akin ng mga death threats." Tumango lang ko. Nakita ko siya nag retouch ng mukha niya. Ang arte pa rin.
Gwen's POV
NAKA-UWI na kami sa mansion. Grabe! para akong nasa action movie kanina. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Humiga ako sa kama ko, sino kaya ang nasa likod ng mga nangyayaring ito? I'm so stressed! I need to take my beauty rest.
Someone's POV
"MGA WALANG KWENTA!" Binaksak ko ang kamay ko sa lamesa. Lumikha ito ng malakas na tunog.
"P-Pasenya n-na p-po m-master." Tiningnan ko ng masama ang isa kong tauhan. Tinutukan ko siya ng baril at bumulagta ang walang buhay niyang katawan sa sahig.
"Hindi lang iyan ang matatanggap niyo kapag pumalpak pa kayo ulit!" Mahinahon ngunit may diing sabi ko sa kanila. Lumabas na ako ng lugar na 'yon.
"Mapapatay rin kita Gwen Sanchez, mapapa sakin rin ang kayamanan nyo ng Ama mo." Nakangising sabi ko bago sumakay sa mamahaling sasakyan ko.
A/N: Short update for today. Wala na kasi akong maisip hehehe... Salamat sa mga nagbasa nito kahit konti palang naappriciate ko maraming salamat love you all...
BINABASA MO ANG
The Maldita Superstar (COMPLETED)
RomanceMeet Gwendolyn Katerina Bloom Sanchez the Superstar, na kinahuhumalingan ng kalalakihan dahil sa angkin niyang kagandahan, pero kabaliktaran ng ugali niyang mala imbyerna. What if kung isang araw, napagbintangan siya sa isang krimeng hindi naman niy...