Gwen's POV
Nagising ako ng maaga kaya naisipan kong mag-jogging. Tommorow na yung operation ko para sa mukha ko. Nagbihis lang ako ng leggings, spaghetti na damit at rubber shoes. Naglagay din ako ng cap para hindi masyadong halata ang peklat ko sa mukha.
Wala pang tao sa living room tulog pa siguro sila. 4:00 am palang kasi, dahan dahan akong umalis ng bahay. Hindi na kasi ako nakapageexecise kaya kailangan kong magpapawis. Higit 2 oras rin akong nagpapawis bago bumalik sa bahay.
"Hi there! Good morning, sis." Nagpunas ako ng pawis sa noo ko.
"Morning George, morning mom." Nagbeso ako sa kanilang dalawa.
"Come join us here, Gwen." Yaya ni mom sakin kumain ng breakfast.
"No thanks mom, shower lang po ako excuse me." Agad akong umakyat papuntang kwarto ko. Nagpahinga lang ako ng saglit baka mapasma ako kapag agad naligo. After 15 minutes pumasok na ako sa shower room.
Flynn's POV
*BANG*
*BANG*
*BANG*
Natamaan sa paa ang hinuhuli naming kriminal. Nasa isang misyon kasi kami ngayon. Isang drug lord ang taong hinuhuli namin. Pakipot kasi kaya ayan pinaputakan ko na. Agad kong pinosasan ang kamay ng lalaking to baka makatakas pa.
"Ang tigas kasi ng ulo niyo Mr. Lee, sumama nalang po kayo sa amin." Akay akay ko siya palabas sa hide oilut nila.
"Hindi pa ako tapos sayo bata." Nang makarating na kami sa labas ng hide out nila ay sinakay ko na siya sa sasakyan ng mga pulis.
"Kayo na bahala dyan sir." Sumaludo ako sa kanila. Pinanood ko lang silang umalis.
"Hoy partner! Good job." Tuwang tuwa ang mokong. Sabagay, marami naman siyang natulong. Kahit naman abnormal ito magaling to kapag bakbakan na.
"Geh partner, alis na ako. Maghahanap ako ng chicks para magcelebrate." Tumango lang ako sa kanya. Umalis na rin ako para makuwi at maka-pagpahinga na.
"Hi kuya, ano success ba ang misyon niyo?" Bungad agad ni Ammy pagkapasok ko sa maindoor.
"Yeah." Tipid na sagot ko.
"Ipinagluto na pala kita ng food kumain ka nalang dyan. Pupunta kasi ako kina Gwen." Nagaayos pa siya ng buhok niya.
"Why?" Seryosong tanong ko.
"Kasi bukas na ang operation niya. Kaya mag-oover night ako sa kanila para makasama ko siya bukas sa oras ng operasyon niya." Tumango lang ako. Oo nga pala nawala sa isip ko yun.
"Pakisabi sa kanya bukas nalang ako pupunta." Nginitian niya naman ako ng may halong ngisi.
"What?" Seryoso ang tono ng boses ko.
"Nothing. I'm got to go kuya bye." Hinalikan na ako sa pisngi bago siya umalis. After ko kumain ay umakyat na ako sa taas para makagpahinga na.
Ammy's POV
On the way na ako sa bahay nina Gwen. I smell something fishy kay kuya. Napangiti ako. Hay, buhay pagtinamaan ka nga naman! hahaha! Pinark ko na ang kotse ko sa garahe nila Gwen.
"Hi Gwen, how are you?" Hinug naman niya ako. Natutuwa ako dahil nagbago na talaga siya.
"I'm fine, let's go inside malamig dito." Sumunod naman ako sa kanya papasok sa loob ng bahay.
"Kumain ka na ba?" Tumango lang ako bilang sagot.
"Pinapasabi pala ni kuya na bukas nalang daw siya dadalaw sayo. Galing kasing duty hehehe." Nagsalin siya ng juice sa baso at binigay sa akin.
"It's okay, ano ka ba." Natatawang sambit niya.
"Asan pala sina tita at ang sister mo?" Umupo siya sa isang chair sa diving room.
"Hinahanda na daw nila ang procedure na gagawin sakin bukas. Malalate lang daw sila ng uwi, antok na ko tara na?" Kinuha ko ang back pack ko sa couch.
"Tara medyo late na rin naman." Sinudan ko lang siya paakyat sa taas. Hinatid niya ako sa guest room nila dito.
"Kung may kailangan ka dito lang sa tabi ang kwarto ko." Niyakap ko siya. Sobrang laki na ng pinagbago niya masaya ako dahil natulungan ko siya.
"Good night, sissy." Ngumuti naman siya.
"Good night. Sissy." Umalis na siya dito sa guest room. Napagpasyahan kong magshower para makatulog ako agad. Para presko hahahaha.
Gwen's POV
"Hoy Gwen, gumising ka na dyan." Inuuga uga niya pa ako. Dinilat ko naman ang mga mata ko, nakita naman si Ammy na nakangiting nakatingin sa akin.
"What time is it? Antok pa ko," kinusot kusot ko ang mga mata ko.
"6:30 am mag ready ka na para maaga tayo sa hospital. Sabi ni tita ako nalang ang maghahatid sayo doon." Tumayo ako sa kama tiningnan ko ang kabuuan ng sarili ko sa salamin ng walk in closet ko.
"Hoy, huwag mo nang tingnan sarili mo dyan. Sexy ka pa rin kaya dalian mo na." Inirapan ko lang siya, tinawanan lang naman ako ng baliw na to.
"I know. hahaha!" Pumasok na ako sa loob ng bathroom at ginawa ang morning routine ko.
Nagbihis lang ako ng simple dress at flat shoes. Sinuklay ko lang ang buhok ko isinuot ko na rin ang shawl at reading glasses ko.
"Let's go na." Yaya ko kay Ammy na prenteng nakaupo sa couch dito sa kwarto ko.
"Hindi ka ba muna kakain?" Inilabas niya ang phone. Tiningnan siguro ang oras.
"Nope. Busog pa ko." Sabay kaming bumaba ni Ammy. Nagpadrive nalang kami sa driver namin para hindi na siya mapagod magdrive.
Nang makarating na kami sa hospital ay nakaramdam ako ng excitment at kaba. Pero kailangan ko itong gawin para mabalik ang dati kong mukha.
"Good morning my lovely daughter." Bati ni mom sakin.
"Morning mom." Hinug niya ako.
"Hi Ms. Cooper good morning " Bati naman nito kay Ammy.
"Ammy nalang po tita." Nahihiya pang sagot ni Ammy kay mommy.
"Are you ready?" Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.
"Yes mom, I'm ready." Pumasok na kami ni mom sa ER para masimulan na ang procedure. Naiwan si Ammy sa labas. Nagbihis na ako ng hospital gown. Pinahiga na ako ni mommy sa operating table at sinaksakan ng pampatulog.
"Huwag kang mag alala Gwen, magiging okay na rin ang lahat after this." Rinig kong bulong niya sa akin at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
Flynn's POV
8:30 pm na ako nakarating sa hospital kung saan nakaconfine si Gwen. Nakita ko sa waiting area si Ammy.
"O kuya nandito ka na pala." Bati ng kapatid ko sa kanya.
"How is she?" Agad kong tanong.
"Tss, okay lang si Gwen nililipat na siya sa recovery room." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Sa totoo lang kanina pa ako kinakabahan.
"Ikaw kuya a, napaka concern mo naman kay Gwen. Baka mamaya may-" Pinutol niya pa ang sasabihin niya.
"May ano?" Nginisihan niya ako ng nakakloko. Ikinakunot ko ito ng noo ko.
"Na may gusto ka kay Gwen, hahaha!" Sinamaan ko siya ng tingin. Kung ano ano naiisip ng isang to.
"Shut up Ammy, I just worried about her. Yun lang yun." Ginawa ko talagang seryoso ang tono ng boses ko.
"Sabi mo eh." Hindi ko nalang siya pinasin. Maya maya lumabas na yung kapatid ni Gwen.
"Pwede na kayong pumasok." Nakangiti pa ito sa amin agad naman kami tumayo at pumasok sa loob ng kwarto niya.
A/N: Enjoy reading guys.
BINABASA MO ANG
The Maldita Superstar (COMPLETED)
RomanceMeet Gwendolyn Katerina Bloom Sanchez the Superstar, na kinahuhumalingan ng kalalakihan dahil sa angkin niyang kagandahan, pero kabaliktaran ng ugali niyang mala imbyerna. What if kung isang araw, napagbintangan siya sa isang krimeng hindi naman niy...