Ammy's POV
Simula sa na nag-sine kami ng unggoy na yun hindi na siya mawala wala sa isipan ko. Pati sa panaginip binubulabog niya ko, nagpagulong gulong ako sa kama. Ikaw ba naman muntik na ng halika!? buti nalang at panaginip lang ang lahat maloloka na ako dito!
*Phone rings*
Hindi ko na tiningnan ang caller sagot agad.
"Hello?"
"Hey Ammy, free ka ba now?"
Si Gwen pala ito.
"Oo naman! Why?"
"Gala tayo wala akong schedule ngayon hanggang next week. Ano? Game?"
"O sige ba! now na ba? punta na ko dyan."
"Okay magbaon ka ng damit at ibang stuff."
"Ha? para saan?"
"Basta! do what I say nalang, daming sat sat e! don't tell anyone kung saan tayo pupunta a? It's for the two of us, wala dapat istorbo got it?"
"Okay, bye na mag aayos pa ko."
"Okay bye."
Nakakagulat naman ito si Gwen alas tres palang ng madaling araw nag yaya ng outing! Psh! Bahala na, okay na rin yun para ma-refresh yung utak ko sa mga naiisip ko. Kinuha ko yung maleta ko para mag empake ng ibang damit. Nagshower lang ako ng mabilis wala naman akong kasama dito kaya okay lang.
*Ting*
Message Received
From: Miss Maldita
Sa coffee shop ka nalang bumaba andito na ko.
Pagkatanggaap ko ng message niya nilagay ko na ang maleta ko sa compartment at sumakay na ng kotse. Sana naman pagkatapos ng bakasyong ito mawala na rin ang mga bumabagabag sakin. Tsk!
Gwen's POV
Andito na ako sa loob ng coffee shop sa totoo lang wala akong tulog. Sa mga pinagagawa ba naman ng mokong kong manliligaw makakatulog pa ba ko? Kahapon pa siya sunod ng sunod sa'kin may pa rose at chocolate pa. Naninibago ako sa mga pinaggagawa niya kaya kailangan ko munang magrefresh ng utak. In-off ko nga ang phone ko, grabe every one minute tatawag ang mokong na yun! bahala siya dyan. Natanaw ko na ang kotse ni Ammy sa labas kaya lumabas na ako sa coffee shop at kinawayan ko siya.
"Ano bang pumasok sa utak mo at nagyaya ng ganto kaaga?" Bungad niyang tanong pagkasakay ko.
"Wala lang, kailangan din nating magbakasyon no! kaya magdrive ka nalang dyan. Let's go na." Sinandal ko ang ulo ko at pumikit, may inabot ako sa kanya na poster. Napag isip isip ko kasi na doon nalang kami pupunta nakita ko lang ang poster na yun sa internet.
"Sa laguna? hot spring pala 'to e." Tumango lang ako.
"Magdrive ka na papunta dyan, iidlip lang ako." Pumikit na ko ulit. Siguro naman makapagpapahinga na ako nito.
Flynn's POV
Kanina pa ako tumatawag sa cellphone ni Gwen pero nakaoff yata. Tsk! siya ang nagsabi na ligawan ko siya tapos pinatayan naman ako ng cellphone.
"Problema mo partner? parang wala ka sa mood ngayon a." Bungad na tanong ni Gonzalez pagkapasok niya sa office ko.
"Tss." Aalis na ako sa linggo gusto ko pa siyang makasama ang kaso walang tao sa unit niya kanina. "Alam mo na ba lahat ng gagawin mo dito pag umalis ako?" Tanong ko kay Gonzalez.
BINABASA MO ANG
The Maldita Superstar (COMPLETED)
RomanceMeet Gwendolyn Katerina Bloom Sanchez the Superstar, na kinahuhumalingan ng kalalakihan dahil sa angkin niyang kagandahan, pero kabaliktaran ng ugali niyang mala imbyerna. What if kung isang araw, napagbintangan siya sa isang krimeng hindi naman niy...