Chapter 9

1.6K 51 13
                                    

Gwen's POV

Two week na ang nakalipas ng pag staynamin dito. Dalawang linggo na ako naglilinis ng bahay at iba pang gawain. Mahirap gawin yung mga bagay na pang katulong ko lang pinapagawa noon. Pero aaminin ko masarap ang maglinis ng bahay na bulok na to. Ewan ko ba baka nasasanay na 'rin siguro ako.

"Hoy Gwen, maghugas ka na ng plato at maglalaba pa tayo." Sumusunod nalang ako sa asong 'to, baka hindi ko siya matantya papatulan ko rin siya.

Pumunta nalang ako sa kusina ng bulok na bahay na ito. Nasanay na ako maghugas ng pinggan.Dalawang linggo ba naman hindi ka pa masasanay. Nang matapos na kong maghugas pumunta na ako kung saan kami maglalaba daw. Bwiset na babaeng yun pati paglalaba ako pa rin. Sabi niya kaming dalawa pero hindi naman. Bahala siya hindi ako marunong maglaba ng damit.

"GWEN! BAKIT MO SINASAMA ANG DECOLOR SA PUTI! MAGHAHAWA YAN!" Tinabig niya ang kamay ko sa mga damit. Nagcross arms lang ako nakatayo sa tabi niya habang nakasimangot.

"DI BA SABI KO HINDI NGA AKO MARUNONG MAGLABA! DAPAT KASI TINURUAN MO AKO! MAKASIGAW KA AKALA MO NAKAPATAY NA AKO NG TAO!" Nanatili lang akong nakatayo doon habang nagsisigawan kaming dalawa. Matapang kasi tong aso eh.

"KAHIT HINDI KITA TURUAN MATUTO KA! HINDI YUNG NAKADIPENDE KA KAHIT KANINO! MATUTO KA MAGING INDEPENDENT!" Natamaan ako doon ah, anong gagawin ko wala naman akong alam sa mga ganyang bagay. Hindi ako independent katulad nilang magkapatid.

Umalis nalang ako sa lugar na yun. Maglalakad lakad muna ako sa tabi ng dalampasigan. Nakakamiss palang gumawa ng pelikula kasama ang mga crew. Since na nag artista ako wala akong kahit isang kaibigan ayaw daw nila sa akin. Doon ako naging iwas sa tao kaya hindi ako nakikihalobilo kahit kanino.

Umupo ako sa buhanginan, ang ganda ng dagat ngayon. Sana pati buhay ko maging kasing ganda ulit ng dagat. Yung last kong film hindi natapos binasura nalang ng management ito. Ang tingin ng lahat ng tao sa akin isang kriminal at mamatay tao. Wala na ang lahat ng meron ako, parang isang click lang ng camera nawala na lahat.

Sunod sunod tumulo ang mga luha ko sa aking mukha. I want to go home, pero hindi pwede dahil doon na nakatira si Aunt Olive pati si Cheska. Paano ko nalaman? Simple lang, sa balita. Araw araw sila ang laman ng balita pati life style nila pinapakita dito. Napanood ko pa nga na si Aunt Olive ang nagsampa ng kaso sa akin.

"I miss you dad, bakit naman *sobs* ang daya *sobs* mo? Nakikita mo ba ko? Nakikita mo na ako ang sinisi sa pagkawala mo dad? Ang sakit non *sobs* para sakin *sobs* gusto lang naman *sobs* iligtas para makasurvive *sobs* ka pero *sobs* ako ang diniin nilang lahat *sobs." Pinunasan ko ang mga luhang tumutulong parang tubog mula sa mga mata ko.

"Alam mo ang pangit mo kapag umiiyak." Napatingala ako nang marinig ko ang boses niya.

"Flynn.." Tiningnan ko ang mukha niya. Parang may naalala ko sa mukha niya panilyar talaga hindi ko lang maalala.

"Anong ginawa mo dito Gwen?, malamig dito sa labas." Umupo siya sa tabi ko.

"Wala kang pake, at ikaw anong ginagawa mo dito diba sabi mo 1 or 2 months ka babalik." Tumingin siya sa dalampasigan. Di ko talaga maalala kung sino ang kahawig ng lalaking ito.

"Nagdala lang ako ng mga damit at pagkain aalis din ako mamaya." Tumayo na ko at nagpagpag ng mga napuntang buhangin sa damit ko.

"Babalik na ko sa bahay baka hinahanap na ako ng kapatid mo." Humakbang ako pero parang nahilo ako. Siguro sa pagod to kanina kaya ganto. Hahakbang sana ko ulit ng magdilim ang paningin ko.


"Flynn's POV

Buti nalang nasalo ko si Gwen. Nawalan siya ng malay, binuhat ko siya papuntang loob ng bahay.

"Omygash kuya, anong nangyari? Sinuntok mo ba si Gwen sa sobrang kamalditahan niya? kaya na knock out?" Ewan ko kung matatawa ako o ewan sa pinagsasabi ng kapatid kong may sayad yata sa ulo.

"No, she's fainted. Buksan mo yung pinto ng kwarto." Ipinasok ko na si Gwen sa kwarto at inihiga sa kama niya. Lumabas na ako sa kwarto para kausapin si Ammy.

"Kuya, hindi ko alam kung ano bang pinaplano mo pero tama ba na turuan ko siya gumawa ng gawaing bahay? Mukhang hindi  naman siya sanay sa mga mabibigat na trabaho, kaya siya nagkaganyan." Umupo ako sa upuan na kahoy dito sa labas ng bahay kami naguusap.

"Basta ituloy mo lang yan, gusto kong maging mulat si Gwen dahil baka puro galit lang ang pairalin niya. Kailangan niya makontrol ang emosyon niya." Tumango lang siya. Tumayo na rin ako sa upuan kailangan ko ng bumalik sa maynila.

"Aalis na ko, bantayan mo maigi si Gwen babalik ako after 2 months." Hinug niya ako tapos ng salute nanaman.

"Yes captain Cooper hihihi." Ginulo ko lang ang buhok niya bago sumakay sa kotse ko at umalis na.


Olivia's POV

"Mom I'm here." Nagbeso kami magina, umupo siya sa couch dito sa living room.

"How's your day my princess?" Nagsip ako ng wine sa wine glass na hawak ko.

"Good. Mom may I ask a question?" Tumango lang ako sa kanya habang umiinom ng alak.

"Paano kapag bumalik dito si Gwen? paano kung gumanti siya sa ginawa natin sa kanya?" Binaba ko sa table ng living room ang wine glass at umupo sa tabi ni Cheska.

"Hindi na yun babalik, kung babalik man siya, I will kill her." Tumayo na ko at hinalikan sa pisngi si Cheska bago umakyat sa kwarto ko.

Umupo ako sa kama ko, kinuha ko ang baril nasa drawer ko. Kung sakaling babalik dito ang walang kwentang pamangkin ko. I will kill her para hindi na siya mag ingay pa.

Someone's POV

"Miss Rivera, nahanda ko na po ang passport niyo papunta sa Pilipinas." Nilingon ko ang assistant ko. Nginitian ko lang siya.

"Thanks Sanaih." Umalis na siya ng office ko. Ang dahilan ng biglaang pagpunta ko sa pilipinas dahil sa company ni Renato Sanchez. Gusto kong makita ang anak niya hindi, ang anak namin na matagal ko ng kinasasabikan.

*Door's Open*

"Good morning Mom. She's my daughter sa isang foreign pero namatay na ang tatay niya.

"Ready ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Yes mom, I'm so exited to meet my sister." Niyakap ko siya. Sabik na sabik makita ang big sis niya. Nilayo kasi sakin ang anak ko dahil ayaw sakin ng mga magulang niya. Mahirap lang ako noon kaya ayaw ng magulang niya sakin. Pero ngayon kaya ko na kunin ang anak ko.

Nabalitaan ko rin na namatay si Renato, ang pinagbibintangan ay ang nag iisa niyang anak sigurado yun ang anak namin. Si Gwendolyn Sanchez ang anak ko.






A/N: Here's the update for today.

The Maldita Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon