Flynn's POV
ANDITO ako ngayon sa mansion ng mga Sanchez dahil may nangyaring hindi maganda. Namatay si Mr. Renato Sanchez, ang tatay ni Gwen.
Pumasok ako sa kwarto ng biktima upang pag aralan kung paano siya napatay ng suspect. Base sa katawan ng victim mayroon siyang gunshot sa dibdib at sa ulo. Walang malinaw na dahilan kung bakit siya pinatay.
"Mr. Cooper, tawag ka na ni Chief Perez." Tumango lang ako at nag senyas na susunod. Umalis naman siya agad. Kailangan malaman ko kung sino ang may kagagawan nito. Nilisan ko na ang kwarto, pumunta na'ko kung nasaan si Chief Perez.
"Good morning Mr. Cooper." Sumaludo lang ako sa kanya bilang pagbati at pag-galang ko.
"His daughter is a suspect." Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya habang sinabi ang mga katagang iyon.
"His daughter? Paano magiging suspect ang babaeng 'yon Chief?" Kahit mala impyerno ang ugali ng babaeng 'yon hindi niya kayang pumatay ng tao, lalo na tatay pa niya.
"Dahil nadatnan ng mga pulis kanina na nasa kwarto ng biktima ang kanyang anak at ito ang may hawak ng baril na wala ri'ng malay." Mahabang paliwanag niya. Imposibleng mangyari 'yon. Kailangan ko'ng makausap ang anak niya.
"Where's Gwen Sanchez?" Tinuro niya ang isang ambulance car na kakaalis lang. Sumakay ako agad ng kotse at sinundan ang ambulance car.
Nang tumigil ito sa isang Hospital. Bumaba na ako ng kotse ko. Natanaw ko si Gwen naka wheel chair. Nilapitan ko siya. Di ko makita masyado ang mukha niya dahil nakatungo siya.
"Sir, kailangan po siyang ipasok sa loob." Paalala ng nurse na nag-tutulak ng wheel chair.
"Kilala ko siya. I want to talk to her. In private." Tumango naman ang nurse at pumasok sa loob ng hospital.
"Ms. Sanchez, sabihin mo nga sa'kin, ano ba talaga ang nangyari?" Ini-angat niya ang ang ulo niya at tumingin sa'kin. May bandage ang kanan bahagi noo niya. Walang emosyon ang mukha niya.
"W-Wala ko'ng maalala, h-hindi ko m-maalala." Tumungo siya ulit narinig ko siya'ng humihikbi.
Umiiyak ba siya? Kailangan mai-alis ko siya dito bago dumating ang mga pulis at arestuhin siya. Alam kong wala talaga siyang kasalanan sa nangyari sa tatay niya.
"Gusto mo ba'ng sumama sa'kin?" Nag-angat siya muli ng tingin sa'kin. Malungot na ang expression ng mukha niya.
"Bakit? pag sumama ba ko sayo matutulungan mo ako?" Tumango ako bilang sagot. Ito nalang ang pwede ko'ng gawin para hindi siya mapahamak.
"Paano?" Tanong niya'ng muli.
"Just trust me." Tinulak ko ang wheel chair niya sa loob ng Hospital. Sana gumana 'tong plano ko. Sana.
Amy's POV
HABANG nasa sala ako, tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si kuya Flynn pala, my big bro!
"Hello, my dear brother. Bakit ka napatawag?"
"Nasaan ka ngayon?."
"Andito ako sa bahay natin sa Mindoro. Di'ba nasa vacation ako ngayon."
"Sige, papunta na'ko 'dyan."
Sasagot pa sana ko nang binaba niya na ang linya ng phone. Ang rude naman!
"Bakit kaya pupunta siya dito? OMO! Nagalit kaya siya kasi nasira ko 'yung laptop niya 'nung isang araw?! Lagot!"
Para akong baliw na kinakausap ko ang sarili.Ang mabuti pa magluto nalang ako para may pagkain pagdating ng aking mahal na kuya. Wala kami'ng katulong dito dahil sabi ng parents namin dapat maging independent kami. Pumunta ako ng kitchen para maghanap ng pwedeng iluto. Ang iluluto ko ay ang paboritong adobong manok ng aking kuya.
After 30 minutes naluto ko na ang adobo at nagsaing na rin ako. Tutal hindi pa ko nagugutom bumalik muna ako sa living room para manood ng TV habang hinihintay si Kuya. Inaantok ako makaiglip nga muna.
Naalimpungatan ako dahil sa katok sa pinto. Tumayo ako sa sofa at dali dali ako'ng pumunta sa maindoor.
"Oh! kuya an-" Tinulak niya agad ang pinto kaya nabuksan ito agad. Nagulat ako ng may buhat siya'ng babaeng walang malay.
"Kuya sino 'yan?" Nilapag niya muna ito sa Sofa. Na-curious ako kaya lumapit ako sa kanila. Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko.
"G-Gwen S-Sanchez. OMYGOD!!!" Nautal pa ko dahil sa nakita ko. Hindi lang ako makapaniwala dahil ang babae'ng Idol ko, andito sa bahay!
"Tss. Ngayon ka lang ba nakakita ng tao?" Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi niya pinansin ang masamang titig ko sa kanya.
"Bantayan mo muna siya, aayusin ko ang guest room sa taas." Tumango lang ako sa kanya bago siya umakyat sa taas. Umupo ako sa tabi ng sofa at pinagmasdan ang mala anghel na mukha ng idol ko. Ang ganda talaga niya.
"Hoy! Baka matunaw 'yan sa kakatitig mo." Sinamaan ko ulit ng tingin ang bakulaw ko'ng kuya.
"Teka lang kuya, bakit pala dinala mo siya dito? Magkakilala ba kayo'ng dalawa?" Sunod sunod ko'ng tanong sa kanya.
"It's a long story. Pagod na ko magpapahinga na ko, ikaw din bukas ko nalang sasabihin." Binuhat niya si Gwen Sanchez papuntang Guest room ng bahay.
Bago ako umakyat sa kwarto ko dito. Nilagay ko muna sa ref yung niluto ko iinitin ko nalang bukas sa breakfast. Umakyat na ko sa kwarto at nag shower bago matulog.
Olivia's POV
NGAYON ang unang araw ng burol ng aking kuya Renato. Maraming tao ang nagsi-puntahan dito upang mgakiramay. Nanatili lang akong tahimik na naka-upo sa harapan na katapat ng kanyang kabaong.
"Excuse me, ikaw ba si Olivia Sanchez?" Nag angat ako ng tingin sa isang detective. Bilang pag-galang tumayo ako.
"Yes, ako nga. May kailangan ba kayo?" Sinenyasan niya ako umupo kaya umupo na rin ako. Alam ko na ang itatanong ng detective na ito.
"Nasaan si Gwen Sanchez? Alam niyo ba kung nasaan siya?" Tama nga ako. Yung walang kwenta kong pamangkin ang hinahanap ng detective na ito.
"Hindi ko nga alam 'kung nasaan ang mahal 'kong pamangkin. Ang sabi sa'kin ng mga pulis tumakas daw siya." Nag act ako'ng kunwari umiiyak para maging totoo.
"I see, kung sakaling makita niyo ba siya mag-sasampa ba kayo ng kaso?" Pinahidan ko ang kunwaring luha ko bago sumagot.
"Kung kailangan ko'ng mag-sampa ng kaso, magsa-sampa ako." Tumango lang siya.
"I see, thanks for your time." Tumayo na siya at umalis na.
'Kung hindi na siya magpapakita edi maganda! Para ako nalang ang aangkin sa lahat ng kayamanan ng Ama niya. Hindi ko pa siya pwede'ng patayin dahil may kailangan pa ko sa kanya.
A/N: Here's the update for today.
Pasensya na kung natagalan ulit. Thanks for all your support and love you all.Enjoy reading guys.
BINABASA MO ANG
The Maldita Superstar (COMPLETED)
RomanceMeet Gwendolyn Katerina Bloom Sanchez the Superstar, na kinahuhumalingan ng kalalakihan dahil sa angkin niyang kagandahan, pero kabaliktaran ng ugali niyang mala imbyerna. What if kung isang araw, napagbintangan siya sa isang krimeng hindi naman niy...