Chapter 1

4K 118 49
                                    

Gwen's POV

"HIJA, bakit mo naman tinanggal  yung Personal Assistant mo?" itinigil ko ang pagkain at humarap kay dad.

"Because she's so stupid dad. Pag nag hire ka naman ng Personal Assistant dad, huwag naman a-anga anga. Hindi ko deserve ang mga tangang tao." Bumuntong hininga lang siya. Alam ni Dad kapag ayaw ko sa isang tao, because I'm his one and only gorgeous daugther.

"I'm done." Tumayo na ko para umalis.

"By the way dad, mag hire ka na ng bagong Personal Assistant ko. Hindi pwedeng wala akong mauutusan. Anyways, bye dad." Sumakay na ko sa kotse ko paglabas ng mansion. May photoshoot pa ko ngayon.

Pag dating namin sa studio nag bihis na ko para sa photoshoot today. Nag bikini ako dahil summer theme ang photoshoot.

"Okay Ms. Sanchez, let's start." Inirapan ko lang yung photographer. Nag pose na ko sa camera para matapos na to.

After 15 minutes.

"Okay! Break muna!" Pumunta ako sa upuan at nire-touch ako ng make up artist ko.

"Hoy, ikaw bakla!" Tumingin sa akin yung isang kasama ng make up artist ko.

"Ako po ba Ma'am Gwen?" Inirpan ko siya.

"Bakit may iba pa bang bakla dito? di ba ikaw lang naman! stupid!" Tanga talaga ng panget na baklang to.

"Sorry po Ma'am Gwen." Inirapan ko lang siya ulit.

"Whatever. Buy me a drink. By the way, don't call me *Ma'am Gwen* call me Ms. Sanchez. Di tayo talo teh." Umalis naman agad yung panget na bakla.

"I'm tired, matagal pa ba ang photoshoot?" Tanong ko sa photographer.

"Mga 30 minutes nalang po Ms. Sanchez." Tinanguhan ko lang siya. Nakakapagod naman! Ang bagal kasi ng photogrpher na to! Palibhasa, matanda na! Tss!

"M-Ms.S-Sanchez i-ito na po ang d-drinks nyo." Tiningnan ko lang siya at kinuha ko ang inumin.

"Saan mo to binili?" Bago ko inumin ang drinks na binili niya. Baka mamaya galing to sa mga street vendors! eww! kadiri kaya sila!

"S-sa convience s-store po." Tumango nalang ako. So refreshing! Ang sarap talaga ng malamig na inumin kapag pagod ka.

"Okay, continue na tayo." Binigay ko yung inumin sa chakang bakla. Pumunta na ko sa studio at tinuloy na ang photoshoot.

After ng Photoshoot, on the way naman ako sa shooting ng magiging movie ko. Syempre isa akong Superstar kaya madaming offer sa akin na mga projects.

Flynn's POV

ANDITO ako sa headquarters namin ngayon. May dini-discuss ang head namin na isang kaso.

"Agent Flynn Cooper, may meeting ka tomorrow kay Mr. Sanchez." Tumango nalang ako sa Chief namin.

"Alis na ko." Tipid na sagot ko. Tatayo na sana ko ng pigilan ako.

"No Agent Cooper, may pag-uusapan pa tayo." Umupo ulit ako sa utos ng Chief. Hinintay ko nalang matapos ang meeting namin.

After 30 minutes natapos din ang nakaka-bored na meeting na yun. Gusto ko na mag trabaho. They're talking every nonsense topic in that meeting. I'm not interested to know that.

"Okay Agent Cooper, mahalaga ang pag uusapan natin. It's about Mr. Sanchez." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mr. Perez.

"What about Mr. Sanchez?" Umupo siya sa tapat ng upuan ko.

"Gusto ka niya maging Personal Assistant ng anak niya." Napatayo ako sa sinabi niya.

"WHAT?! WHY ME?!" Tinapik niya pa ang balikat ko.

The Maldita Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon