Gwen's POV
NANG pumayag ako sa sinabi ng lalaking 'to. Agad nyang tinulak ang wheel chair papasok sa loob ng Hospital. Tumungo kami sa isang kwarto na may mga damit pang nurse.
"Can you stand?" Tumango naman ako sa kanya. Tinulungan niya ko tumayo.
Binigay niya sa'kin ang isang uniform na pang nurse. Lumabas muna siya bago ko magpalit ng damit. Papatayin ko talaga kung sino ang gumawa kay daddy non.
Nagpalit lang ako ng damit, kahit ayoko ng pangit na damit na ito hindi bagay sa'kin. Kinatok niya ang pinto at binuksan iyon. Naka pang-nurse na rin siya na outfit.
Nagsuot kami ng mask para hindi kami mapansin ng ibang mga tao dito. Napapa-irap ako sa tuwing may makalasalubong sa amin na mga tao. Paano tingin ng tingin sa'kin alam ko naman na maganda ako, hindi nila kailangan ipamukha pa. Dumaan kami sa likod ng hospital, buti walang nakapansin sa amin.
"Stay here, I'll get my car in the parking lot." Inirapan ko siya umiling lang siya sa'kin. Hindi ko alam kung bakit ako sumama sa lalaking 'yun. Ang gusto ko lang kasi makaalis dahil ako ang ang prime suspect sa pagkamatay ng daddy ko.
Napahawak ako sa ulo ko ang sakit na naman. Nag do-doble ang paningin ko. Ang huling narinig ko ay ang pagtawag ng lalaking hindi ko kilala sa'kin and all went black.
Minulat ko ang aking magandang mga mata. Tumingin ako sa paligid hindi ko alam kung nasaan ako.
"You're finally awake." Napatingin ako sa may pinto nakita ko doon yung lalaki'ng kasama ko kagabi. Para talaga'ng pamilyar siya sa'kin.
"Hindi tulog pa ko, anino ko lang 'to! Kita mo naman 'diba?!" Pagtataray ko sa kanya. Kita naman na gising ako tapos ay ewan! Gwapo pa naman, tanga lang!
"Tss! Bumaba kana. Mag-breakfast ka na doon." Umalis na siya. Tumayo naman ako dito sa higaan. Tiningnan ko ang paligid. Infaireness maganda itong room. May nakalapag sa gilid na side table na damit. Kinuha ko iyon at pumunta sa shower room ng kwarto.
Ammy's POV
"ANO kuya gising na ba siya?" Excited na ko makausap siya.
"Yes, baba na rin 'yun mamaya. Alis lang ako babalik muna ako sa head quarters." Kinuha niya 'yung coat niya na nakasabit sa sofa.
"Okie dokey, my big brother." Umiling lang siya bago lumabas sa main door ng bahay.
Inayos ko muna ang mga pagkain sa mesa. Maya maya may narinig na ko na bumababa sa hagadan kaya dali dali akong pumunta sa may tapat nito.
"Good morning." Yung ngiti ko umabot na yata sa tenga dahil sa sobrang lapad.
"Who are you? Ikaw ba ang katulong dito?" Nanlaki yung mata ko sa sinabi n'ya sa'kin. Ako? Maid? No way. Mukha na bang pang maid ang beauty ko.
"No, I'm not. I'm Flynn 'lil sis. I'm Ammy, my pleasure to meet you." Nilahad ko ang kamay ko sa kanya. Tiningnan niya ito at tumingin muli sa'kin.
"Whatever. I'm starving." Umalis siya sa harapan ko. Pumunta siya sa kitchen kakain na daw siya. Para akong binuhasan ng malamig na tubig sa inasta niya.
Pumunta ako sa kitchen. Nakita ko siyang gumagawa ng vegetable salad.
Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ang ginagawa niya."What!?" Masungit na sambit niya ng mapansin ang presensya ko.
"I was wondering. Are you Gwen Sanchez?" Binalik n'ya ang tingin n'ya sa gingawa n'ya.
"Yes, Why?" Kumunot ang noo ko. Bakit ganyan s'ya. Ang kilala ko'ng Gwen Sanchez pala ngiti at mabait. Bakit para'ng kabaliktaran lahat ng nakikita ko sa kanya.
"Iba ka kasi, bakit kapag nasa tv ka nakangiti ka lagi? Alam ko naman ang nangyari nasabi na sa akin ni kuya pero, bakit parang ibang Gwen ang nasa harap ko? Gusto ko maging friends tayo." Tinigil n'ya ang pagkainng vegetable salad at tumitingin sa akin.
"Bakit? Dahil ganto talaga ako. I'm not a kind one. Kung fan kita edi maganda but hindi ibig sabihin pwede'ng maging kaibigan ang isang fan na katulad mo. Got it?" Binalik n'ya ang pansin n'ya sa pagkain ng vegetable salad.
"Yes, I understand. Pero hindi pa rin ako susuko maging kaibigan ka. Alam ko naman na kahit ganyan ka may mabuti ka pari'ng puso. See you my future freenie, ciao." Umalis na'ko sa kitchen. Narinig ko pa na nag "tss." Napailing nalang ako.
Flynn's POV
"Agent Cooper, we need to talk." Sumunod ako kay Chief Perez papuntang office n'ya.
"Anong pag uusapan natin Chief Perez?" Pinaupo n'yo sa katapat ng upuan n'ya.
"About Gwen Sanchez. Alam ko'ng alam mo kung nasaan s'ya." Tiningnan n'ya ako ng seryoso sa mga mata ko.
"Oo nasa bahay namin s'ya sa Mindoro." Napasapo s'ya ng noo sa sinabi ko.
"Mr. Cooper naman! Siya ang prime suspect sa kaso ng tatay niya!" Napatayo ako at hinarap ko s'ya ng seryosong aura.
"She's not a suspect. May ibang gumawa ng krimen na iyon Chief, hindi siya." Tumikhim siya. Sinenyasan niya ako'ng umupo.
"Kung hindi siya, sino?" Tanong niya.
"Ayan ang aalamin ko pa. Kaya chief please, huwag mo muna sabihin sa iba kung nasaan siya." Tumayo na'ko bago ako umalis nagsalita muli siya.
"Kahit sa tita niya?" Lumingon ako muli sa direksyon niya.
"Especially to her." Umalis na'ko sa head quarters. Babalik muna ko sa condo para kumuha ng ilang damit habang andoon pa s'ya sa bahay.
Olivia's POV
Third day ng burol ng walang kwentang kapatid ko. Marami pa rin namang taong bumibisita sa kanya. Tumawag naman ako ng lawyer nung isang araw para sa ari arian n'ya. Ang sabi n'ya kung hindi magpapakita ang anak ng namatay mapupunta lahat ito sa kaanak n'ya.
It's means, akin na ang lahat ng kayaman ng kapatid ko. Gagawa ako ng paraan para hindi na bumalik ang walang kwentang pamangkin ko. Tumayo ako at lumapit sa casket ng kapatid ko.
"Mababaon na sa lupa lahat ng nangyari at ikaw. Akin na lahat ng pinaghirapan mo sa kompanya." Bumalik ako sa upuan at pinagmasdan ang mga taong pumumupunta sa burol n'ya.
Gwen's POV
Ang weird ng mga tao dito. Lumabas muna ako at nagiikot ikot sa garden ng bahay na ito. Infaireness ang ganda ng mga flowers dito. Lalo na yung mga red rose. Lumapit ako doon, ang ganda talaga.
"Favorite mo?" Napatingin ako kung sino ang nagsalita. Yung lalaki palang ewan.
"Obvious ba?" Pagtataray ko sa kanya.
"By the way, hindi pa ako nakaka pagpakilala. I'm Flynn Cooper." Naglahad siya ng kamay. Tutal tinulungan n'ya ko pagkilala lang naman.
"Gwen Sanchez." Inaabot ko ang kamay n'ya at nagshake hands kami.
"I know." Sagot naman n'ya. Hindi na ako nagulat dahil kilala ako sa buong mundo bilang isang sikat na superstar.
A/N: Here's a update for today.
Enjoy reading guys.
BINABASA MO ANG
The Maldita Superstar (COMPLETED)
RomanceMeet Gwendolyn Katerina Bloom Sanchez the Superstar, na kinahuhumalingan ng kalalakihan dahil sa angkin niyang kagandahan, pero kabaliktaran ng ugali niyang mala imbyerna. What if kung isang araw, napagbintangan siya sa isang krimeng hindi naman niy...