Ammy's POV
Nang makarating na kami ni Gwen sa head quarters ni kuya. Ako nalang ang bumaba ng kotse dahil nakatulog siya sa backseat.
"Hi kuya, let's go?" Hinila ko na si kuya papuntang kotse ng may sumulpot na-naman na unggoy sa harap namin.
"Anong ginagawa mo ditong unggoy ka ha?" Mataray na bulyaw ko sa kanya. Bwiset talaga ang unggoy na to parang kabute na biglang susulpot.
"Sasama ako sa inyo, wala naman din ako ginagawa dito. Partner sama ako ha?" Hindi na ako naka-imik ng pumunta siya sa driver seat ng kotse ko. Umiling nalang si kuya, papasok sana siya sa tabi ng driver ng pigilan ko siya.
"Ako na dito. Doon ka na sa backseat." May ngising nakakaloko ko siyang tiningnan. Umupo na ako sa tabi ng unggoy na takas sa zoo. Nag earphone nalang ako para hindi ko siya marinig.
Gwen's POV
Sumakit ang batok ko dahil sa pwesto ko dito sa backseat ng kotse ni Ammy.
"AY PALAKA!" Nagulat ako ng makita kong nakasubsob pala ang mukha ko sa balikat ni Flynn.
"Ang himbing ng tulog mo, maldita." Nag iwas ang ng tingin, feeling ko parang kamatis na ang mukha ko sa hiya. Ipinatong ko ulit ang shawl na suot ko sa ulo.
"O gising ka na pala, malapit na tayo sa palengke. Ang bagal kasi magmaneho ng isa dyan." Liningon ko kung sino ang nagdidrive. Siya yung lalaki kagabi na inisnob ko.
"Hoy Ammy, hindi ako mabagal magmaneho sadyang bulok na ang kotse mo kaya ang bagal." Binatukan niya yung lalaki kaya napapreno ito ng malakas.
*BLAGG!*
"GWEN! OKAY KA LANG?" Pano sumobsob ang mukha ko sa upuan na katabi ng driver seat.
"Okay lang ako." Pinahid ko yung ilong ko. Dumugo pala, hindi naman masakit .
"Omygod! your nose is bleeding!" Agad akong inaabotan ng tissue ni Ammy. Pinunasan ko naman agad.
"Are you okay?" Napapihit ako ng tingin kay Flynn ng magtaning siya.
"Yes, I'm fine. Don't worry." Saglit lang naman dumugo ang ilong tumigil din agad.
"Ikaw kasi bigla bigla ka magpepreno! yan tuloy dumugo ang ilong ni Gwen." Sisi ni Ammy sa lalaking nagdidrive na katabi niya.
*Poink*
"Aray, ikaw din kasi nambabatok ka. Gusto mo ba maaksidente tayong lahat dito." Hinihimas pa niya ang ulo niyang binatukan ni Ammy.
"Gonzalez, continue driving. Ammy, shut your mouth." Agad naman sinunod ng dalawa ang utos ni Flynn. Sino ba namang hindi susunod napakaseryoso ng tono ng pananalita niya.
Walang nagsalita buong biyahe, siguro natakot silang mabulyawan ni Flynn. Ako? Hindi ako natatakot dahil ganyan dati ang ugali ko, share ko lang. After mga 15 minutes nakarating na rin kami sa palengke. Inayos ko ang suot ko shawl at yung reading glasses na walang grado.
"Kaming dalawa ni unggoy ang magkasama at kayong dalawa ni kuya." Bago pa ako umangal hinila na niya yung lalaki palayo sa amin.
"So, tara na?" Ngumiti ako bago ko siya hilahin sa nagtitinda ng mga gulay. Noon wala akong alam sa mga gantong bagay pero ngayon, marunong na akong mamalengke.
"Anong mas maganda dito sa dalawa?" Ipinakita ko ang hawak kong sayote. Yung isa medyo malaki siya ng konti doon sa isa.
"Ikaw." Hindi ko narinig ang sinabi niya halos pabulong kasi.
"Ano sabi mo?" Nag-iwas siya ng tingin ng magtanong ako.
"Wala sabi ko pareho yan maganda." Tumango nalang ako sa kanya. Binayaran ko na ang iba pang gulay na binili ko. Tinuraan kasi ako ni Ammy magluto ng mga ulam. Kaya ang plano kong iluto ay ginisang sayote at kare kare.
Tahimik lang kaming naglalakad, siya ang may dala ng mga pinamili kong sangkap. Kada daan namin sa mga tao ay tumitingin sila sakin at nagbubulunngan.
Tindera 1: Hoy mare tingnan mo yung babae o. Ang laki ng peklat sa mukha, sayang ang ganda pa naman.
Tindera 2: Ay oo nga, ano kaya ang nangyari sa kanya.
Binabalewala ko nalang ang mga sinasabi nila. Sino nga naman ang hindi magugulat kung makita nila ang itsura ko. Pumunta kami sa bilihan ng karne, bumili ako ng tuwalya ng baka at baboy. Pagkatapos namin doon ay hinintay na namin sina Ammy.
"Hey Gwen, are you tired?" Napansin niya sigurong napapapikit ako. Mainit na kasi kaya medyo may kirot akong nararamdaman sa ulo ko.
"Yes, I'm fine." Inayos ko ang suot ko shawl medyo nagulo na kasi. Maya maya ay dumating na sina Ammy at pumunta na kami sa kotse. Si Flynn na ang nagdrive katabi niya si Gonzalez ba yun? Syempre katabi ko si Ammy sa backseat.
"Anong lulutuin mo Gwen?" Napalingon ako kay Ammy ng magtanong siya.
"Ginisang sayote at kare kare lang. Ikaw?" Gumuhit ang napalaking ngiti sa kanyang mga labi.
"Aw sarap, mechadong baka at menudo." Natigil kami sa paguusap ng lumingon dito yung Gonzalez.
"Ammy sino ba yan? Kanina mo pa yan kinakausap." Napataas ako ng kilay sa kanya. Wow ha, ang lakas ng loob ng gagong to ha.
"By the way, she's Gwen Sanchez." Biglang nanglaki ang mata ng lalaking yun ng malaman niya ang pangalan ko. Big deal ba yun?
"Holy cow! idol, ikaw pala yan! Bakit hindi niyo naman agad sinabi." Para siyang baliw kakatawa. Ang creepy naman ng taong to.
"Don't mind him, takas kasi yan sa zoo." Pabulong na sabi ni Ammy sakin. After 15 minutes nakarating na kami sa bahay este mansyon nila laki kasi.
"Ihanda na natin lahat ng iluluto, let's go, Gwen." Sumunod na ako kay Ammy papuntang kitchen nila.
Isinalansa ko na lahat ng ingredients para madali lang mahanap. Nagsimula na akong magchop ng mga gulay, pagkatapos yung mga karne na ang isinunod ko. Si Ammy naman nagsisimula na magluto ng menudo.
"Oo nga pala, next week punta ka ulit dito para makapagluto tayo ulit." Nakafocus pa rin ako sa pagchop ng ingredients.
"Hindi ako pwede next week e. Next week na kasi aayusin yung mukha ko para matanggal na ang peklat na to." Napansin kong napatigil siya sa paghahalo ng niluluto niya.
"Really? Omygod! Buti naman at magiging maayos na rin ang mukha mo." Nagpatuloy lang ako sa pagluluto ko na. Iginisa ko na ang bawang at sibiyas.
After 30 minutes tapos na akong magluto ng ginisang sayote at kare kare. Inihain ko na sa lamesa ang mga niluto ko. Nauuna kasi matapos si Ammy kaya nandoon na siya.
"Sa wakas kakain na rin, wooh!" Hindi ko lang pinansin ang takas daw sa zoo na lalaking to.
"Arnando, please shut your mouth!" Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong baso dahil sa naging reaksyon ng lalaking yun sa sinabi ni Flynn.
"Pfft.. Arnan pala ha! Arnando pala ang full name mo! hahahahaha!" Napahawak sa tyan si Ammy sa sobrang kakatawa. Napatawa na rin ako ng mahina.
"Partner naman, bakit mo sinabi!? badtrip naman o." Napakamot pa siya ng ulo. Hahaha he's so cute kapag nahihiya mukha siya bakla.
Kumain nalang kami, after ko kumain nag paalam ako sa kanila na mag reresroom lang ako. Itinuro sakin ni Ammy ang restroom sa second floor. Pumasok ako sa restroom at naghugas ng kamay. May napansin akong isang pinto, binuksan ko iyon. Isang kwarto ang nasa loob nito kung hindi ako nagkakamali kay Flynn ito.
Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto niya. Ang theme nito ay white and gray lang lahat. May mga pictures rin siya dito, ang gwapo talaga niya talaga. After kong libutin ang kwarto niya ay bumalik na ako sa dining room.
A/N: Enjoy reading guys.
BINABASA MO ANG
The Maldita Superstar (COMPLETED)
RomanceMeet Gwendolyn Katerina Bloom Sanchez the Superstar, na kinahuhumalingan ng kalalakihan dahil sa angkin niyang kagandahan, pero kabaliktaran ng ugali niyang mala imbyerna. What if kung isang araw, napagbintangan siya sa isang krimeng hindi naman niy...