Gwen's POV
Nagising ako ng may maramdaman akong pagbuhos ng tubig sa mukha ko.
"Rise in shine! Get up! Hindi ka andito para matulog!" Rinig kong boses ng isang babae.
"Sino ka!? N-Nasaan ako!?" May piring yung mata ko at ramdam ko rin na nakatali ang kamay at paa ko.
"Tss! Ano ka ba my dear! Hindi mo nakikilala ang magandang boses ng pinsan mo!" May diin ay sarcastic ang tono niya.
"Walanghiya ka talaga Cheska!!! Pakawalan mo nga ko dito!!! Tigilan mo na ako!!!" Nagpupumiglas ako sa upuan.
"Matagal na my dear, kahit anong gawin mo dyan hindi ka maka alis. Hindi ako titigil hangga't hindi ka namamatay! Peste ka sa buhay namin ng mommy ko!!!" Naramdaman kong sinabunutan niya ang buhok ko. "Pero, hindi ako makukuntento kung ikaw lang ang papatayin ko. Uunahin ko nalang ang mga mahal mo sa buhay para pag namatay ka ay sobrang lungkot mo para hindi ako mahirapang patayin ka!!! Ikaw ang magmamaka awa sa akin na patayin ka na dahil uunahin ko sila especially ang iyong pinakamamahal na boyfriend. Siguradong hinahanap ka na nila ngayon hahaha!!! Goodluck nalang sa kanila kung mahahanap ka pa nila bago sila mamatay lahat!" Narinig kong tumawa pa siya ng mala demonyo.
"Hayop ka talaga!!! Huwag mo silang idadamay dito!!! Ako nalang ang patayin mo tutal yun naman ang hangad niyong dalawa ng mommy mo!!!" Sigaw ko sa kanya.
*PAK!*
*PAK!*
Nakatanggap ako ng malalakas na sampal mula sa kanya. Sa dalawang makabilang pisngi ko pa.
"Hindi ka ba nakaka intindi?!!! Ang sabi ko uunahin ko ang pamilya mo!!! Gusto ko mahirapan ka hanggang magmakaawa ka na patayin kita!!!" Tinanggal niya ang piring sa mata ko. Nasa isa ako bodega ngayon ba madilimn at madaming mga drum na may laman na tubig. "Napagmasdan mo na ba ang magiging himlayan mo Gwen!? May tubig at semento na dito at sa oras na mapatay ko na silang lahat tatabunan na kita ng semento patay ka man o buhay! Hahaha!!!" May dinaial siya sa phone niya at ngumiti sa akin.
"Hello... I'm Cheska pinsan ako ni Gwen... Sure," Tumingin siya sa akin at iniloudspeaker ang phone. "Kausapin ka daw ng sweetheart mo, I'll give you 1 minute to talk to each other." Itinapat niya ang phone sa akin.
"Gwen!? Are you there!?" Narinig ko si Flynn nga yung nasa kabilang linya.
"Oo! Andito nga ako Flynn!" Sagot ko.
"40 secs." Si Cheska.
"Nasaan ka ngayon!? Pupuntahan kita!" Alam ko na nag aalala na yun sa akin.
"I don't know where I am! Please do-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng ilayo na ni Cheska ang phone sa akin.
"Time's up, I'll text you nalang Mr. Cooper kung nasaan kami just wait for my message to you. Bye!" Nakita kong ibinulsa na niya ang phone niya.
"Did you heard it!? Gusto ka puntahan ng boyfriend mo dito. Di ba magandang pagkakataon yung para patayin ko siya? Ano kaya magandang gawin sa boyfriend mo? Barilin o pasabogan ng bomba? Hahahahahaha!!!" Nangangasar na sabi niya habang nilalaro ang mga daliri niya.
"Huwag mo siyang idadamay dito Cheska!!! Sa akin kayo may problema kaya ako lang ang pahirapan niyo!!!" Ngumisi lang siya.
"Wala ng bawian may dear cousin, kung hindi mo na kami pinakailaman sa mga plano namin, hindi sana tayo aabot sa ganto!!! Pinili mo yan magdusa ka!!!" Umalis siya ng bodega at naiwan ako dito. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng pinsan kong yun. Mag iisip ako ng paraan para makatakas dito.
Ammy's POV
Andito ako ngayon sa bahay ng nina tita Gineva. Siya lang kasi ang nandito si George nasa states para asikasuhin ang business nila doon. Magdadalawang araw na simula ng mawala si Gwen at hanggang ngayon hindi pa rin alam nina kuya kung saan siya dinala ng pinsan niyang impokrita. Dito ako pinapatulog ni kuya para may kasama si tita mahirap na baka may makapasok pa dito.
"Hija wala pa bang lead kung nasaan ngayon si Gwen?" Nag aalalang tanong niya.
"As of now, wala pa rin po." Magalang kong sagot.
"Jusko! Wala naman sanang may mangyari masama kay Gwen." Hinagod ko ang likod ni tita.
"Huwag po kayong mag alala maililigtas po siya at makakabalik siya dito. Magpahinga na po muna kayo at maggagabi na. Ako nalang po muna ang mag aantay sa message ni kuya gigising ko nalang kayo kung may balita na." Inihatid ko siya sa taas para makapaghingaa muna. Muli akong bumaba at tumambay sa sala para hintaying kung ano na ang nangyari.
Cheska's POV
"Nasaan na siya?" Si mom.
"Nasa loob ng bodega, ano bang plano mo sa pamilya ng babaeng yan?" Tanong ko.
"Hihingi tayo ng ransom sa pamilya niya. Pero papatayin pa rin natin siya at ang mga mahal niya sa buhay. Sila ang dahilan kung bakit tayo naghirap ulit ng ganito. Mga sagabal sila sa mga plano natin especially yang Gwen na yan." Tumango tango nalang ako bilabg pag sang ayon. Iginayak ko siya sa loob para makita niya si Gwen.
"Long time no see my lovely niece! Tagal natin din nagkita, ang akala ko kasi patay ka na!!! Pero matagal talagang mamatay ang isang masamang damo na katulad mo!" Nakita kong sinamaan ng tingin ni Gwen ang mommy ko. B*tch talaga.
"Wala ka talagang kasing sama! Ikaw ang pinagkakatiwalaan ni dad ng iba pa niyang negosyo noon pero ano!? Pinatay mo siya at ang masama kinuha mo pa lahat ng property ng dad ko!!! Hindi ka ba nakukuntento sa mga meron ka at pati daddy ko pinatay mo!!! Nakakasukang isipin na kapamilya ko kayong mga walang puso!!!" As if naman na tatamaan kami sa mga sinasabi niya.
"Gwen, kinuha lang namin ang dapat sa akin dahil kulang ibinigay ng tatay mong walang kwenta sa amin ng mommy ko!!! At hindi namin kasalanan kung bakit siya namatay nangyari na ang lahat kaya huwag mo ng ibalik ang mga nangyari na!!!" Sabat ko.
"Ang dapat sa inyo makulong sa kulungan at pagdusahan ang mga kasalanan na dapat niyong pagbayaran!!! Both of you!!! Hinding hindi ko mapapalampas ang mga ginawa niyo!!! Ang rason niyo ay hindi katanggap tanggap, pwede naman kayong maki usap sa daddy ko na bigyan kayo ng pera dahil yun naman talaga ang dapat!!! Ikaw tita, tinuturing ka ng daddy ko na isang kapatid hindi ka iba para sa kanya!!! At ikaw Cheska binibigyan ka ng daddy ko lahat ng meron ako dahil gusto mo rin!!! May narinig ba kayo sa kanya!? Wala diba!? Ang tanong ko bakit kailangan mo siyang patayin tita Olivia!?" Tahimik lang akong nakinig sa mga sinabi ni Gwen.
"Maraming rason kung bakit ko siya pinatay! At isa na doon ng minsan akong tumawag sa kanya pero hindi niya ako sinasagot dahil ayaw niya na akong bigyan ng perang kailangan ko!!! Dahil sa kadamutan niya kaya ko siya pinatay!!! At ikaw na ang isusunod ko Gwen, para magkasama na kayong dalawa sa impyerno!!!" Nakita kong itinutok ni mommy ang hawak niya baril kay Gwen.
*BANG!*
Pinatamaan niya ito sa kaliwang binti na ikinatuwa ko. Nakita kung paano nasaktan ang babaeng yun. Dapat lang yan sa kanya she deserve to die.
"Soon Gwendolyn, ang sabi nga ng anak ko ihuhuli ka namin para mas masaya hahaha!!!" Tumalikod na si mommy at lumabas ng bodega.
"Hayop talaga kayo!!!" Sigaw ni Gwen.
"Hindi kami hayop Gwen, tao lang kami na naghihiganti sa inyo." Pinukpok ko siya ng kahoy sa batok na kinawalang malay niya. "Matulog ka muna my dear cousin, dahil bukas na ang simula ng paghihirap mo." Bulong ko sa walang malay na si Gwen.
A/N: Enjoy reading mga bebelabs! god bless you all.
BINABASA MO ANG
The Maldita Superstar (COMPLETED)
RomanceMeet Gwendolyn Katerina Bloom Sanchez the Superstar, na kinahuhumalingan ng kalalakihan dahil sa angkin niyang kagandahan, pero kabaliktaran ng ugali niyang mala imbyerna. What if kung isang araw, napagbintangan siya sa isang krimeng hindi naman niy...