Chapter 21

1.5K 42 0
                                    

Gwen's POV

Agad akong nagluto ng dinner para pagdating ng makulit na yun. Nagluto lang ako ng adobo, sinigang na baboy at pritong isda. Nag quick shower ako pagkatapos magluto.

*Ding Dong*

Agad akong pumunta sa pinto para tingnan kung sino ang nagdoor bell.
Binuksan ko ang pinto ng makita kong si Ammy na yun.

"Good evening, sissy." Nagbeso pa kami bago ko pumasok sa loob ng condo.

"Let's eat? Nagluto ako ng dinner." Nakangiting anyaya ko sa kanya. Ibinababa niya ang backpack sa sofa at sumunod sa akin papuntang dining area.

"Thanks." Hinila ko ang isang upuan para makaupo siya sa katabi ng upuan ko. Tahimik kaming nagsimula sa pagkain.

"So, anyare sa lakad mo sis?" Basag niya sa katahimikaan.

"Okay naman na-deal ko na yung contract. Next week na ang start ng modeling ko sa kanila." Nagtuloy lang ako sa pagkain.

"That's good. Sige lang pasikatin mo ang katauhan ni Katerina Rivera hahaha." Ngumiti lang ako ng tipid at tinapos ko na ang pagkain ko.

"Ihahatid na kita sa room mo. Doon ka na rin maligo may sariling cr doon." Kinuha niya ang backpack niya sa sofa at sumunod sa akin. Dalawa ang kwarto dito na may sariling cr.

"Thanks sa dinner hehehe." Isinara na niya ang pinto. Pumunta ako sa kichen ko, kumuha ako ng wine glass at isang bote ng wine. Nagtungo naman ako sa veranda para magpahangin. Nagsalin ako ng wine sa baso.

"Ang sarap naman ng hangin dito." Nakaangat pa ang dalawang kamay ko habang nilalasap ang hangin. Ipinikit ko pa ang mata ko para feel na feel hehehe. Tinungga ko ang alak mainit itong tumuloy sa lalamunan ko.

Lumingon ako sa kabilang unit na katabi ng condo ko. "Mukhang wala siya dito." Sinilip ko pa ang veranda niya. Patay lahat ng ilaw sa loob.

"HOY!"

"AY PALAKA! ANO BA!? AMMY!" Singhal ko sa kanya. Muntik na akong mahulog dito.

"Para ka kasing geraffe dyan kung makasilip sa unit ni kuya! Hahaha! Wala siya dyan sis may trabaho, sayang hindi ko nakuhanan yung mukha mo epic hahaha!" Inirapan ko siya.

"Wala naman ako sinasabi ah!" Mabilis ako nagsalin ulit ng wine sa baso at agad kong tinungga iyon.

"Hoy! Hinay hinay ka lang baka pati baso malunok mo na! Hahaha!" Napahawak pa siya sa tyan niya kaka
tawa.

"Psh! manahimik ka na nga dyan! Kung wala kang sasabihing matino matulog ka na." Hindi na ako naglagay sa baso ng wine bagkus sa bote ko ito tinungga.

*PLOK PLOK PLOK* (Tunong ng paglaklak ni Gwen sa alak hahaha.)

"Hehehe.. ikaw naman masyado kang highblood. Sige na nga matutulog na ako at ikaw tama na ang isang bote ng alak na iyan. Matulog ka na rin after mo dyan *yawn* night, sissy." Pinanood ko lang siya pumasok sa loob. Tumingin ako sa langin medyo makulimlim ngayon dahil walang mga stars. After a minute pumasok na rin ako sa kwarto ko at natulog na.


Flynn's POV

"Wohoo! sa wakas natapos na tayo partner." Nahuli na namin ang mga sindikato. Tumingin ako sa wrist watch ko it's already 3:00 am ng madaling araw. Hinanap ko ang phone ko sa bag pero wala doon.

"Hoy Gonzalez! nakita mo ba yung phone ko?" Takang tumingin siya sa akin.

"Abay ewan ko sayo! Phone mo hindi mo alam kung saan mo nilagay." Agad akong sumakay sa kotse ko para umuwi sa condo. Puyat at pagod na ako bibili nalang ako ng bagong phone.

Queen's Condominum Parking lot

Pinark ko ang kotse ko at kinuha ko na ang bag ko. Sumakay na ako sa elevator papuntang unit ko. Nang makarating na ako sa unit ko inenter ko ang passcode para makapasok. Hinagis ko sa sofa ang katawan ko sobrabrang antok na talaga ako.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz



Ammy's POV

Nag inat pa ako pagkagising ko. Ang lambot ng kama dito kaya ang sarap ng tulog ko. Pumunta na ako sa bathroom para gawin ang morning routines ko after that ay lumabas na ako sa kwarto.

*Sniff*

"Ang bango naman ng niluluto mo Gwen!" Bungad ko sa kanya ng makarating ako sa kitchen.

"Psh! Stop calling me Gwen it's Kate remember?" Tinuloy niya ulit ang pagluluto niya.

"Sorry naman! Ang aga aga highblood ka parin." Hindi niya ako sinagot tinuloy niya pa rin ang pagluluto hanggang matapos siya.

"Sarapppp naman nitoooo!" Kumuha ako ng bacon, itlog, bread, rice, hotdog at milk pagpasensyahan gutom na ang mga alaga ko sa tyan hihihi.

Tahimik lang siya hanggang matapos kaming kumain. Nagprisinta akong magliligpit ng pinagkainan namin. Habang nahuhugas ng plato ay nakita ko siyang may katext sa cellphone niya. Nahagip din ng mata ko ang pagpasok niya sa loob ng kwarto. Nang matapos ko ng hugasan ang mga pinagkainan namin. Nagtungo ako sa sala para manood ng tv.

"Aalis muna ako ikaw na muna bahala dito." Hindi na ako nakasagot dahil agad siyang lumabas ng unit. Nagkibit balikat nalang ako at tinuon ko ang atensyon ko sa pinapanood ko.


Gwen's POV

"Ano ba kasing trip ng lalaking yun para papuntahin ako sa Head quarters nila?! tss!"

Hindi na akong nag abala pang dalhin ang kotse ko. Nag comute nalang ako papuntang head quarterss nila Flynn. Bumaba ako sa harap ng head quarters nila. Naghintay ako sa may tapat.

"Ang tagal naman non, parang uulan na!" Naiinis na ako dahil sa pag aantay ko. Biglang bumuhos ng ulan no choice akong salubungin ito. Lumipas ang isang oras ay nagtanong na ako sa guuard dito.

"Ahm.. excuse me po kuya? Nandyan po ba si Mr. Flynn Cooper?" Magalang na tanong ko sa guard.

"Ay ma'am, wala ho siya dito hindi po siya pumasok ngayon." Sagot ng guard sa akin.

"Ah ganoon po ba? Salamat po." Basang basa na ako sa sobrang lakas ng ulan. Hindi ako pwedeng sumakay dahil sobrang basa ko. Malapit lang naman dito ang Queen's Condominium kaya pwede lakarin. Nanginginig na ang buong katawan ko sa lamig.

"Patay ka talaga sa akin Flynn!" Nang makarating ako sa parking lot ay dumeretso ako sa kotse ko. Kinuha ko doon ang reserba kong damit kapag emergency. Pumunta ako sa ladies rest room para magbihis ng damit.

Sinuot ko ang jacket ko at ang shawl ko bago tumungo sa unit ko.

"O Saan ka galing?" Bungad na tanong ni Ammy. "Sa ulul mong kapatid." iyan sana ang gusto kong isagot sa kanya.

"Ah dyan lang sa parking lot kinuha ko ito." Tinaas ko yung dress na binili ko kahapon. Inabot ko naman iyon sa kanya.

"Wow salamat naman hihihi." Ngiti lang sinagot ko sa kanya. Tumungo ako sa kwarto ko para maligo. Baka magkasakit ako nito sa pagligo ko sa ulan na yun.

"Kung hindi lang dahil tinext mo ko, naku! Ang sarap mong batukan!" Nag hot shower na ako pagkapasok ko sa bathroom.









N: Enjoy reading guys.

The Maldita Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon