Chapter 13

1.5K 44 6
                                    

Gwen's POV

Tiningnan ko ang buong paligid pagising ko. May babaeng nakatitig sakin, sino kaya siya? May kirot parin akong nararamdaman sa aking katawan pero hindi na masyado.

"Salamat sa diyos nagising ka na. May masakit ba sayo?" Nalipat ang tingin ko sa babaeng nasa gilid ng kama.

"W-Wala naman p-po, sino p-po k-kayo?" Medyo hirap pa akong magsalita. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sakin.

"I'm Gineva Rivera, isa akong doktor. Nakita kita sa gilid ng kalsada na walang malay at malubha ang kalagayan." Paliwanag n'ya.

"M-Maraming salamat po sa p-pag a-asikaso s-sakin." Kahit hirap magsalita sinikap ko pa 'rin magpasalamat.

"Walang anuman hija, ano nga bang nangyari sa'yo? Sino ang gumawa ng walang awa nito sa'yo?" Biglang nag balik ang pagpapahirap na dinanas ko sa kamay ni Cheska.

"H-Hindi ko po maalala." Minabuti kong ako nalang mu'na ang nakaka alam nito.

"Ganun ba? Ano nga pala ang pangalan mo hija?" Nakangiti itong nakatingin sakin habang inaantay ang sagot ko.

"G-Gwen.. Gwen Sanchez po." Nakita ko ang paglaki ng mga mata n'ya sa gulat.

"I-Ikaw y-yung artista na anak ni Renato Sanchez?" Bahagya akong tumango. Napansin ko'ng nangiligid ang luha sa mata n'ya.

"Umiiyak p-po b-ba k-kayo?" Pinunasan niya ng kamay ang mga luhang tumulo mula sa kanyang mga mata at hinawakan ako sa kamay.

"Gwen, listen to me. Ako ang dating asawa ni Renaato Sanchez, ikinasal kami dahil mahal namin ang isa't isa noon. Nagkaroon ng bunga ang aming pagmamahalan at ikaw 'yun." Ikinabigla ko ang mga sinabi n'ya rebelasyon. "Dahil hindi ako mayaman at nag aaral pa 'ko noon, pinaghiwalay kami mg daddy mo at kinuha ka nila sa'kin. Naimpluwensyahan ng parents ng daddy s'ya kaya inilayo ka nila sa akin." Isa isa ng tumulo ang luha sa mga mata ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

"P-Pero bakit h-hindi mo 'ko binalikan?" Malungkot na tanong ko.

"Sinubukan ko pero pilit ka nilang inilalayo sa 'kin. Kaya nagsikap ako para maging isang sikat na doktor para maging maayos ang pamumuhay para mabawi kita sa kanila. Ngayon hawak ko na ang mga kamay mo, sa loob ng dalawampu't tatlong taon nahawakan kita ulit. Sobrang saya ko, Gwen." Niyakap ko s'ya nadala ako ng excitement ko na sa wakas nakita at nayakap ko na ang mommy ko.

"M-Masaya din p-po ako na n-nayakap ko ang m-matgal ko ng inaasa s-sa buong b-buhay ko." Nagyakapan at nag iyakan kami sa loob ng kwarto.


Ammy's POV

*Phone conversation*

"Hello kuya? bakit ka napatawag?"

"Anong balita sa pinapagawa ko sa inyo?"

"Still walang bago kuya, wala ni-isang clue kung nasaan siya."

"Ganoon ba, sige basta hanapin niyo pa rin siya."

"Aye eye captain, bye ingats ka dyan."

Binaba ko na ang tawag, halos 2 months na kami naghahanap kay Gwen kasama ko pa rin yung unggoy na partner ni kuya. And still, wala pa rin kaming nakikitang clue kung nasaan ng lupalop si Gwen.

Sumakay ako ng kotse papunta sa club na pagmamayari ng pamilya ni Gwen. Baka sakaling may makuha akong impormasyon. Hindi ko naman ma-contact yung unggoy na yun. Baka lumalandi nanaman, may itsura naman siya. Trip ko lang talagang asarin, sarap kasi. After 30 minutes nakarating na ako sa bar. Umupo ako sa counter table infaireness ang ganda ng bar na ito.

"Isang margarita." Order ko sa counter. Nakamasid lang ako sa paaligid habang hinihintay ko yung drinks ko.

"Here's your drink madam." Wala naman akong balak magpakalasing dito. Napansin kong may pumasok na babaeng nakadress na red na halos mahubaran na sa sobrang iksi.

Girl 1: Diba si Cheska Romero 'yun? Tara papicture tayo.

Girl 2: Oo nga tara, papicture tayo.

Rinig kong sa usapan ng katabi kong dalawang babae. Cheska Romero siya yung pumunta sa isla bago mawala si Gwen. Masama ang kutob sa babaeng 'to. Pinanuod ko siyang pumunta sa stage ng club.

"Good evening everyone, may announcement lang ako sa inyong lahat. I'm the new owner in this club because my cousin Gwen Sanchez is dead." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi siya patay hindi maaari, napa upo ako sa upuan ko.

"Oo alam ko nalulungkot kayo, pero totoo. Na-crimate na namin ang katawan niya. Hindi na namin pina-blic  kasi 'yun ang hiling mommy ko." Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Hindi maaaring mamatay si Gwen ng ganon ganon lang. Lumabas na ako ng club na iyon hindi ko na kayang makinig pa. Biglang may humigit sa kamay ko.

"Umiiyak ka ba?" Si unggoy nanaman.

"Hindi tumatawa ako, nakikita mo na nga diba? Bakit andito ka?" Nagkamot siya ng ulo. Pinahid ko ang mga luha kong natira sa pisngi ko.

"Wala nag bar lang ako tapos napansin kong pumasok yung magandang babaeng nag announce tungkol kay idol. Totoo kaya yun?" So narinig pala niya.

"Hindi ko alam. Pinsan siya ni Gwen diba? Kailangan bantayan din natin ang kinikilos ng babaeng 'yun." Naglakad na ako ulit habang siya ay nakasunod sa likod ko.

"Magreresearch ako mamaya tungkol sa Cheska na 'yun. Hatid na kita?" Nang makarating kami sa kotse ko akmang papasok na siya sa loob ng pigilan ko siya.

"No need. Kaya ko naman magdrive mag isa, hindi naman ako lasing." Pumasok na ako sa kotse at pinaharorot ko na ang sasakyan ko paalis sa club.


Flynn's POV

Hinihilot ko ang sintido ko, kakatapos lang ng trabaho ko dito sa US. Dagdag pa ng problema ko sa pilipinas. Kailangan mahanap na si Gwen, dahil lalong tumatagal mas lalong nawawalan ng pag asang mahanap pa siya. Tutuparin ko ang ipinangako ko sa ama niya na poprotektahan ko ang anak niya.

Pumasok ako sa shower room ng hotel na tinutuluyan ko dito sa US. Gusto ko mang umuwi sa pilipinas hindi pwede dahil malaki ang kasong ibinigay sakin ni Chief Perez dito. Nang makatapos na ako sa shower nagbihis na ako at nahiga na sa kama. Kailangan ko na magpahinga para may lakas ako bukas.


Gineva's POV

Fastforwad

"Kaya mo na ba talaga? Huwag mo munang puwersahin ang sarili mo." Nagpupumilit bumangon, okay na daw ang pakiramdam niya. Inialalayan ko siya tumayo ng higaan niya.

"Opo. Okay na ako huwag na kayong mag aalala sakin." Kahit may peklat ang mukha niya. Nangingibawbaw pa rin ang ganda niya.

"Dahan dahan lang ha? Baka mapuwersa pa ang katawan mo." Tumango lang siya, sinuot niya ang shawl na binigay ko kanina sa kanya. Mga isang taon pa pwedeng ayusin ang peklat na naiwan ng malaking sugat sa mukha niya.

"Maglakad lakad lang ako sa garden mo dito, mom. Para naman ma-exercise yung mga buto ko ang tagal ko rin nakahiga." Inalalayan ko siyang bumaba ng hagdanan at papunta sa garden.

"Ang ganda naman ng garden niyo dito." Namangha siya sa mga pulang rosas na malapit sa upuan na inuupuan niya.

"Oo naman alaga yan ng mga hardinero dito, Gwen." Nawala ang matatamis na ngiti sa kanyang mga labi. Tiningnan niya ako ng diretso at mapait na ngumiti.

"Mom, pwede po ba na Kate ang itawag mo sakin? Ayoko munang maging si Gwen Sanchez dahil baka maraming makakilala sakin. Alam mo naman kung anong nangyari diba?" Binalik niya ulit ang tingin sa mga pulang rosas.

"O, sige kung iyan ang gusto mo, para naman sayo iyon." Tumingin ako sa kanya habang siya ay nakatingin pa rin sa mga roses.

Aalamin ko kung sino ang gumawa ng mga ito sa anak ko. Pagbabayaran nila ang mga ginawa nilang ito.



A/N: Enjoy reading guys.

The Maldita Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon