Chapter 37

1.4K 27 0
                                    

Flynn's POV

Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Ramdam kong nakatali ang mga kamay at paa ko. Medyo madilim sa kinaroroonan ko. Siguro dinala ako dito ng walanghiyang Cheska na yun. Siguraduhin niya lang wala silang ginawang masama kay Gwen.

"F-Flynn? Gising ka na ba?" Napalingon ako sa narinig ko. Nakatingin siya sa akin na may matang nag aalala. Pinagmasdan ko siya napako ang paningin ko sa kaliwang binti niyang may sugat.

"Gwen! What happened to you? Si Cheska ba ang may gawa niyan?" Napatungo naman siya. Gustuhin ko man na lumapit sa kanya pero ang higpit ng pagkakatali sa akin.

"O-Okay lang ako, bakit ka ba andito?" May pagaalang tanong niya.

"Para iligtas ka sa kanila, pero inisahan nila ako." Sabi ko.

"Flynn, hindi lang ikaw ang napahamak pati na rin si Ammy at si mommy. Nasa kamay sila ni tita Olivia." Ikinagulat ko ang sinabi niya.

"What!? Pero secure ang bahay ni tita Gineva paano sila nakapasok doon?" Naguguluhang tanong ko.

"Hindi ko rin alam basta kailangan nating makatakas dito para mailigtas sila. Hindi mo ba kayang paluwagin ang tali sa kamay mo?" Sinubukan ko ang sinabi niya. Wala naman yung mga bantay kaya nakakapag usap kami ni Gwen. Unti unti ko ng natanggal ang pagkakatali sa mga kamay ko. Isinunod ko ang mga paa ko at ng maalis ko na ang tali pumunta ako sa gawi ni Gwen upang kalagan siya.

"Huwag na Flynn, makakasagabal lang ako dahil hindi ko kayang igalaw ito." Pagpigil ni Gwen.

"No, sasama ka sa akin ikaw ang ipinunta ko dito." Simulan ko na siyang kalagan. Inakay ko siya habang naglalakad. Tumingin ako sa paligid kung saan pwedeng lumabas. Ang nakita ko lang ay ang bintana malapit sa pinto. Tiningnan ko muna si Gwen.

"Hindi ko kayang umakyat dyan, ikaw nalang." Pagtanggi niya.

"Aalalayan naman kita hindi ka pwedeng maiwan dito delikado baka kung anong gawin sayo ni Cheska." Tumango na lamang siya. Buti nalang at may drum doon ako muna ang umakyat para buksan iyon kasya ang dalawang tao dito. Nang mabuksan ko na bumaba ako ulit para buhatin si Gwen paakyat. Nakikita kong nahihirapan siya pero ito lamang ang paraan para makalabas dito.

"I'M BACK!!! BUHAY PA BA KAYO!??" Sh*t! Andyan si Cheska kailangan na naming bilisan inakyat ko siya sa binta at sumunod ako. Niyakap ko siya bago kami tumalon palabas.


Cheska's POV

"I'M BACK!!! BUHAY PA BA KAYO!??" Initusan kong buksan ng isa sa mga tauhan namin yung pinto ng bodega. At nagulantang ako dahil wala na ang mga bihag ko.

"What the f*ck!? Nasaan ang mga gagong yun!? Hindi nila akong kayang takasan!!! Kayo magsikilos kayo hindi pa nakakalayo ang mga yun!!!" Kinuha ko ang baril sa aking bag at nagsimulang hanapin sila. Hindi kayo makakatakas dito dahi nasa dulo ng gubat ang lugar na ito. Gusto niyo maglaro pagbibigyan ko kayo.


Gwen's POV

Naglalakad kami ngayon sa gitna ng gubat. Hindi ko alam kung gaano na kami kalayo sa pinagkulungan namin doon. Sobrang pagod na ng katawan ko pero kailangan kong maging malakas para makalabas kami dito.

"Gusto mo ba munang mag pahinga? Namumutla ka na?" Umiling naman ako.

"Okay lang ako, kailangan nating maka alis dito." Nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

"GWEN!!! NASAAN KAYO!!!? HINDI NIYO AKO MATATAKASAN!!!" Nang marinig ko ng sigaw ni Cheska sa kung saan. Biglang bumulis ako tibok ng puso ko.

"Flynn, mauna ka na para makarating ka agad sa bahay. Malapit lang si Cheska dito mahuhuli niya tayo kaya dalian mo." Kumunot naman ang noo niya.

"Hindi nga kita iiwan dito Gwen! Delikado lalo ng tumakas tayo sa baliw na yan!" Pagmamatigas niya.

"Flynn please listen to me, si Ammy at si mommy ay nasa delikadong sitwasyo din. Hindi din natin alam ang takbo ng utak ni tita Olivia, kaya puntahan mo sila. Huwag kang mag alala sa akin hindi ako magpapahuli kay Cheska." May mga butil na ng luha na tumulo mula sa aking mga mata.

"Please don't cry, babalikan kita okay? hintayin mo ko. Basta huwag kang papahuli kay Cheska." Tumango naman ako kahit hindi ako siguradong hindi ako mahuhuli ni Cheska. Hinalikan niya ako sa lips ng smack lang. Pinaupo niya ako sa ilalim ng isang malaking puno madilim naman kaya hindi masyadong ki
ta.

"Babalikan kita, hintayin mo ko." Tumango naman ako. May ibinigay siya sa akin.

"Anong gagawin ko sa baril?" Tanong ko.

"Kung sakaling may gawin sayo si Cheska gamitin mo yan. Pang self defense yan." Paliwanag niya.

"Okay, umalis ka na baka maabutan ka pa ni Cheska dito." Tumango siya. Hinalikan niya ako sa noo bago umalis. Tiningnan ko ang baril sana hindi kita magamit ayokong manakit ng iba pero kung kinakailangan gagawin ko.


Ammy's POV

Andito kami ni tita sa salas ng bahay nakagapos kami parehas. Ang bilis ng mga pangyayari may mga pumasok dito na mga lalaking naka itim na damit tapos kasama nila yung tita ni Gwen. Paggising ko nakagapos na ako ng ganto. Si tita Gineva naman nakatungo lang.

"Tita okay ka lang po ba?" Nag angat naman siya ng tingin.

"Oo hija, okay lang ako. Iniisip ko lang si Gwen, sana naman nailigtas na siya ng kuya mo." Sagot niya.

"I'm 100 percent sure na maililigtas niya si Gwen tita kaya huwag ka nang mag alala."

Gustuhin ko man na lapitan si tita Gineva kaso hindi ko magawa dahil nakagapos ako. Biglang pumasok si Olivia at lumapit kay tita.

"Long time no see Gineva, ano kaya mo pa ba!?" May diin sabi ni Olivia. Inilabas niya ang baril at itinapat ang baril kay tita. "Alam mo bang isang kalabit ko lang saa kantilyo ng baril na iton ay sasabog na yang ulo mo ha!? Pareho kayo ng anak mo mga tinik at hadlang kayo sa mga plano namin!" Sinenyasan niya yung mga tauhan niya. Hinawakan ako nung dalawang lalaki sa dalawangg braso ko ganun din yung ginawa kay tita.

"Bitiwan niyo nga ako!!! Saan mo ba kami dadalhin!? Napaka sama mo talaga!!!" Inilabas nila kami at isinakay sa van.

"Pwede bang patigilin niyo ang maingay na babaeng yan!!! Nakakarindi sa tenga!" Utos ni Olivia bago sumakay ng van. Nagpupumiglas pa din ako sa loob. Si tita naman tahimik lang.

"Sabing huwag kang malikot, papatulugin kita!" Banta nung lalaki na may hawak sa kin.

"E gago ka pala!!! Pakawalan mo kami dito para tuhimik ako!!!" Sigaw ko.

"*BANG* Shut up!!! Kung hindi ka tumigil ipapakain ko sayo ang bala nito." Napatahimik ako at sinuntok nila ang sikmura ko kaya nawalan ako ng malay.


Gwen's POV

Naka upo pa din ako sa ilalim ng puno  hawak ang baril na ibinigay ni Flynn. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil hindi na ako makapag isip ng maayos. Sumasakit pa ang katawan a at ang sugat ko sa binti.

"GWEN!!! LUMABAS KA NA DYAN!!! HINDI KA NA MAKAKATAKAS SA AKIN!!! MAMAMATAY KA SA KAMAY KO NGAYON HAHAHA!!!" Hinigpitan ko pa ang hawak sa baril. Alam kong hindi na ako makakapagtago ng matagal. She's gonna find me here I better to prepare myself.













A/N: Cut muna! Nabitin ba kayo hehehe. Tunghayan sa next chapter, thanks for reading and enjoy.

The Maldita Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon