Chapter 27

1.4K 38 0
                                    

Gwen's POV

Tinanghali ako ng gising dahil hindi ako nakatulog ng maayos. 10:00 am na  kaya bumangon na ako. Tumingin ako sa salamin ng side table ko. Ang itim ng ilalim ng mata ko. Nakaka inis naman kasi! Tuwing naalala ko yung kagabi nababaliw ako, di ko alam pero gumaan ang pakiramdam ko ng mag confess ako sa kanya.

Pumunta nalang ako sa shower para mahismasmasan ako. Ngayon hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lalaking 'yun. Haysst.


Flynn's POV

Papunta ako sa head quarters ngayon, may ngiti ako sa labi habang nagdadrive. Hindi ko malimutan yung reaksyon ng mukha niya after that kiss. Maganda ang naging mood ko ngayong umaga. Nang makarating na ako sa headquarters sinalubong ako ni Gonzalez.

"Good mood tayo ngayon a, by the way ito na yung pinapagawa mo." Iniabot niya ang isang brown envelop.  Binuksan ko ito at ayos na nga lahat ng kailangan sa documents na ito. Account ko to na iba ang identity, may transaction kasi ng drugs na mangayayari sa Hongkong next week at kailangan mayroon pupunta doon para mahuli ang mga sindikato.

"Good, thanks." Sabi ko.

"Psh, ako pa? pag gwapo laging magaling." Nagkibit lang ako ng balikat. "Sige partner layas muna ko may gagawin pa'ko." Tango nalang ako sa sinagot ko.

Umupo ako sa swivel chair at inilagay ko sa drawer ang documents. Binuksan ko ang laptop ko marami pa ko ibang gagawin, tambak lahat simula ng hindi ako nakapasok.


Cheska's POV

Sinusukatan ako ng gown ko para sa Ball next week. Kailangan ako ang pinaka maganda doon dahil ako ang tatanghalin na superstar of the year. Hindi pa'rin nawawala ang galit ko sa babaeng 'yun. Pero hindi ako pwede mastress kailangan ko maging fresh sa araw na 'yun.

"Okay, nakapili ka na ba ng gusto mong suotin?" Tanong nung designer. Peke akong ngumiti pero sa loob ko gusto kong sumimangot.

"Here," Turo ko sa long gown na gold na sobrang daring tingnan. Sexy naman ako kaya walang issue sa'kin kung yan ang gusto kong suotin.

"Good choice Ms. Cheska at iyang design na yan ay bagong dating lang galing Canada." Interesting, sinukat ko ang gown at sobra akong natuwa dahil kasyang kasya sa'kin. Parang ginawa ito para sa akin *smirk*.

"I'll take that, I want it as soon as possible." Peke akong ngumiti ng matamis. Mga hampas lupang tao eww! Pagkatapos kong makipag deal nakipag beso beso ako bago umalis, magscrub ako ng todo mamaya daming germs. Haysst.


Gwen's POV

"Ano pala napag usapan niyo ni Ms. Romero kahapon?" Tanong ni Ms. Nakahara."

"Just a girl talk." Ngumiti ako hindi ko na balak sabihin yung totoong nangyari.

"Okay. By the way, this is for you." Inabot niya sakin ang isang gold na envelop. Binuksan ko ito at invitation  ito sa ball ng rising stars.
"Invited ako but hindi ako makakapunta kaya ikaw na ang umatend para sa'kin, Meron na rin akong pinagawang susuotin mo hija." Sabi niya.

"Talaga po? Omy! thank you po Ms. Nakahara It's my pleasure." Masaya ko dahil makaka attend ako sa special ball na 'yun. At makikita ko dun ang demonyitang si Cheska.

"Welcome hija, o siya umalis na tayo may photoshoot ka pala ngayon." Paglabas namin ng building sumakay na kami sa van papunta sa location ng photoshoot. Alam niyo ba kung anong theme ng photoshoot? Swimwear lang naman, I like it hehehe.

Pangdating namin sa location namangha ako dahil napakaganda ng dagat at white sand ang buhangin. "Pwede po ba ko pumunta muna doon," turo ko sa dalapamsigan tumango lang si Ms. Nakahara. Tumakbo ako papunta doon naka short at spaghetti strap lang ang suot ko ngayon kaya okay lang. Napakaganda ng dagat asul na asul, hindi naman masyadong mainit kaya hindi ako magkaka sunburn. Lumakad ako sa hanggang tuhod na tubig, kitang kita yung ilalim sobrang ganda talaga. Ngayon ko lang na appreciate yung mga ganto noon kasi hindi ko naman pinapansin, ang sama talaga pala ng ugali ko noon. Now I learned my lesson sa lahat ng pinagdaanan ko doon ako natauhan hindi ka dapat lumaki ang ulo mo dahil sa kasikatang meron ka.

"HEY KATE! HAIR AND MAKE UP NA TAYO! Tawag ng make up artist ko sumenyas ako na susunod. Sinuot ko na ang tsinelas ko at sumunod sa blue na tent para ayusan ako.

"Good morning Ms. Rivera ako si Rommie ang mag aayos ngayon sa inyo. Sabihin niyo lang po kung anong gusto niyong ayos." Sabi niya ngumiti ako.

"Ikaw na ang bahala alam ko na magaling ka kaya keep it up." Umupo na ako sa harap ng salamin at nagsimula na nga siyang ayusan ako. Meron din nag aayos ng buhok ko, afer a half hour natapos na nila ang pag aayos. Lumabas na sila ng tent sinuot ko ang Two piece na floral ang design at nag suot ng bath robe.

"Bravo *clap* *clap* you look stunning my dear." Tuwang tuwa si Ms. Nakahara ng makita akong lumabas ng tent. "Hija ito pala si Randy ang photographer ngayon." Pakilala niya sa photographer.

"Hi Ms. Rivera a pleasure to meet you." Nakipag shake hand ako.

"Me too." Nagtungo na kami sa spot kung saan ako kukunan. Hinubad ko na ang suot kong bath robe. Sa una ay sand muna ako nag pose,

*Flash*

*Flash*

*Flash*

Next sa tubig naman na hanggang beywang ko. Masaya ako dahil nagsisimula na ulit ang pagmumukadkad ng aking modelling career.


Ammy's POV

"Hoy! Ano ba kasing papanuorin natin? Kanina pa tayo paikot ikot dito sa labas ng cinema." Bored na bored na ako tapos itong unggoy na to walang mahanap na pelikula.

"Alam ko na! ito nalang." Tiningnan ko yung tinuro niya yung kathniel yata yun bagong movie nila. Sumunod nalang ako sa kanya pumunta sa bilihan ng ticket. Habang nag aantay may tumawag sakin tiningnan ko kung sino yung caller si Gwen pala.

"Yes?"

"Hi aso, asan ka?"

"Don't call me aso! Tss! Nasa sine kami."

"Kayo? sino kasama mo?"

"Si Arnan the unggoy nagyaya e,"

"I see, mukhang may date pa kayo mamaya na ko mang iistorbo bye."

*Toot toot toot*

Sasagot pa sana ako kaso agad naman niyang pinatay ang linya. Anong date? kami? ng unggoy na yan? no way! Kung ano ano sinasabi ng babaitang 'yun grabe!

"Hoy Ammy, tara na kanina pa kita tinatawag. " Nagbalik ako sa sarili ng tawagin niya ako. May dala siyang pop corn at can drinks. Sumunod nalang ako sa kanya papasok sa cinema, what is this feeling? Parang ang daming butterfly sa loob ng tiyan ko. Pati puso ko ang lakas ng kabog baka may sakit na ko sa puso nito. Dapat siguro magpa check up na ko *tango* *tango* tama bukas na bukas.









N: Enjoy reading guys. Sorry for the late UD, hope you like it all.

The Maldita Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon