Cheska's POV
Inis akong bumalik sa room ko dito sa resort. Ang daming mga nakatingin kaya binilisan ko ang paglalakad. Nakakainis talaga ang sarap talagang tanggalin yung anit ng babaeng yun!!! Tiningnan ko ang mukhako sa salamin pagkapasok ko sa loob ng room. Sobrang pula ng maganda kong mukha, Pakshet talaga!!! Ang mamahal ng mga ginagamit ko sa mukha tapos sasampalin lang ako ng babaeng yun!!! Akala niya hindi ako gaganti? "Lintek lang ang walang ganti, bwiset ka talaga Kate Rivera/ Gwen Sanchez!" Pumasok na ako sa shower room para ayusin ang itsura ko.
Gwen's POV
*BLAGGGGG!!!*
Pabagsak kong isinara ang pinto, nakaka inis talaga!!! Napunit tuloy yung damit ko sa lakas ng hila ng babaeng yun. Halos makita na yung kaluluwa ko sa naiwang punit sa bistida ko.
"Hey, bakit ang ingay mo? And what happened to you?" Nagising pala si Ammy. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago sumagot.
"May asungot kasing nakasunod sa atin dito! Nababadtrip tuloy ako. Siya din gumawaa ng mga 'to. Nakaka inis talaga!!!" Medyo mahapdi yung mga kalmot niya, tang ina pusa lang ang peg.
"Who is that?" Seryosong tanong ni Ammy.
"Si Cheska, but don't worry sigurado akong hahapdi din ang mukha non sa sampal ko *evil smirk*" Pumunta ako shower room para hugasan yung mga dumikit na buhangin sa katawan ko.
"Tara punta tayo sa hot spring." Yaya ko kay Ammy paglabas ko ng shower room.
"Okay, magbibihis lang ako." Hinintay ko na kwarto. Paglabas niya ay sabay kaming pumunta sa hot spring ng resort na ito.
Pagdating namin sa hot spring ay agad kaming inasikaso. Kami lang dalawa sa isang hot spring kaya sobrang nakaka refesh. Wala kaming suot na damit as in hahaha, hindi naman kita dahil hanggangg dibdib ang nakalubog sa tubig saka kami lang dalawa.
"Ang sarap dito sobrang relaxing." Sabi ko. Sinandal ko ang ulo ko sa may bato at pumukit.
"Yeah, your right." Sagot naman ni Ammy.
Sana naman wala ng maging gulo alam ko kasing kapag ginantihan mo yang si Cheska hindi siya papayag na hindi siya maka-ganti. Kaya ihahanda ko ang sarili ko for that, hinding hindi na niya ulit pwedeng tapakan ang pagkatao ko, lalaban na ako.
Georgiana's POV
It's Saturday nakaka bored dito sa bahay, wala si mom nasa medical mission. Ako lang naiwan dito, si ate naman nasa bakasyon. Nasa kwarto lang ako nagcecellphone, napag desisyunan ko pumunta sa mall para mag gala. Nagshower lang ako at nagbihis ng dress na floral with flat shoes lang. Kinuha ko na ang sling bag ko at bumaba na, ako nalang magdadrive tutal maggagala lang ako.
Kaytulong at ang driver namin ang naiwan sa bahay, nagpaalam naman ako kay mom na aalis lang. Hindi naman traffic kaya mabilis lang ako nakarating sa mall. Pinark ko lang ang kotse sa parking lot, pumasok na ko sa entrance ng mall. Puro ang nakita ko ay si Cheska Romero, lahat ng mukha niya nakapaskil sa bawat sulok ng mall na ito. I think ito yung mall ng tatay ni ate na inangkin ng mag inang yun.Naglakad lang ako para maglibot libot wala naman akong balak bumili dahil wala naman akong kailangan. Nakakabagot din pala ang maglakad lakad dito. Kakain nalang ako medyo nagugutom na ko. Pumunta ako sa isang restaurant, nag order ako ng makakain. Inaantay ko nalang ang order ko ng may lumapit sakin.
"Excuse me, pwede bang maki share ng upuan?" Tanong ng isang lalaki.
"Sure, no problem." Umupo siya sa katapat ko.
"Thanks, by the way i'm Miguel." Nginitian ko siya.
"I'm Georgiana," Nakipag shake hands ako. Tingin ko kaedad siya ni ate.
"Nice to meet you, thanks ulit." Tinanguhan ko nalang siya, dumating na yung inoorder ko at tahimik lang kami habang kumakain. Pagkatapos kong kumain ay sabay kaming lumabas sa restaurant.
"Pwede ba maging friends tayo?" Tanong niya.
"Okay, walang kaso yan sakin." Sagot ko.
"Thanks, ikaw lang kasi ang naging kakilala ko dito. Kakarating ko lang dito sa Pilipinas nung makalawa kaya wala pa akong kakilala." Mahabang paliwanag niya habang naglalakad kami. Nagtingin tingin lang ako pero wala naman akong magustuhan kaya wala din ako nabili.
"Hatid na kita?" Papunta na kami sa parking lot ng mall.
"No need. I have my car naman, thanks nalang." Nang makarating na kami sa parking lot malayo pa sa kotse niya ang kotse ko.
"Mauna ko. bye, hope we meet again." Sumakay na siya ng kotse, hinantay ko lang siyang maka alis bago pumunta sa kotse ko. Kahit papano nakapag relax ako nawala ang bored ko dahil sa pagkukwentuhan namin.
Flynn's POV
Hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-contact si Gwen, talagang tiniis niya ko? Sabado na ngayon at bukas ng hapon ang alis tapos wala pa rin akong contact sa kanya. Nag iimpake na para bukas bibilisan ko nalang ang trabaho doon para maka uwi ako agad.
*Phone rings*
Si Ammy pala natawag.
"Why?"
"Good morning pogi kong kuya, how's your sleep?"
"Morning, okay naman. Nasaan ka ba? pumunta ako sa bahay wala ka daw."
"Nasa vacation kasi ako- Hey aso tara na."
"Who's with you?"
"Naku kuya nagmamadali ako! Sige na bye."
Si Gwen ba yun? magkasama sila? Naguguluhan ako nasaan ba sila? Tss! Bahala na nga pag uwi ko nalang siya susulitin, lagot talaga sakin yun. Tinapos ko na ang pag iimpake at bumaba muna ako sa salas. Madilim na rin sa labas, umupo ako dito sa may veranda. Sinilip ko ang unit ni Gwen, patay ang ilaw talagang walang tao. Ano ba kasi problema ng babaeng yun? bigla bigla nalang aalis. Tsk!
Gineva's POV
Kakatapos lang ng ginawa namin medical mission sa Laguna. Nasa biyahe na ako pauwi sa bahay, may driver naman ako kaya panatag ako. Tatawagan ko muna si George.
"Hello, mom?"
"Yes anak, how's your day?"
"It's great, nasaan na po kayo?"
"Pauwi na ako just wait for me okay?"
"Fine mom take care, bye."
*Toot toot toot*
Pagkatapos ko siyang kausapin ay naisipan kong tawagan si Gwen ilang ring lang sinagot naman niya agad.
"Yes mom?"
"Are you sleeping?"
"Yes. Nagising lang po ako sa tawag mo."
"Ay sorry anak."
"It's okay mom, bakit po ba napatawag kayo?"
"I just want to check kung okay kalang dyan sa vacation mo."
"Okay naman, uuwi na rin kami bukas ni Ammy."
"Okay just take care of yourself, sige na matulog ka na ulit goodnight."
"Okay mom, goodnight. Bye."
*Toot toot toot*
Ngayon panatag na ako dahil okay naman silang dalawa. Sa medical mission kasi kanina nakita ko ang walanghiyang kapatid ng yumao kong asawa. Si Olivia, she's part of the program dahil charity niya daw. Hindi ako nagpakita para hindi niya ako makilala, nakasuot lang ako ng face mask kanina kaya hindi niya ako masyadong napansin. Hindi pa tapos ang imbestigasyon tungkol sa isyu ni Gwen at sa tatay niya. Pero may ibinigay na sakin ang kinuha kong private imvestigator sa nangyari kay Gwen 1 year ago, hawak ko na ang envelop na ibinigay niya sakin. Pagdating nalang ni Gwen ko ito bubuksan para malaman namin kung ano talaga ang nangyari.
N: Enjoy reading guys.
BINABASA MO ANG
The Maldita Superstar (COMPLETED)
RomanceMeet Gwendolyn Katerina Bloom Sanchez the Superstar, na kinahuhumalingan ng kalalakihan dahil sa angkin niyang kagandahan, pero kabaliktaran ng ugali niyang mala imbyerna. What if kung isang araw, napagbintangan siya sa isang krimeng hindi naman niy...