Chapter 34

1.4K 26 0
                                    

Gwen's POV

3 months later..

Sa loob ng tatlong buwan na naka-lipas, ni anino nina aunt Olivia at Cheska. Hindi din sila nahuli ng mga pulis dahil wala na daw sila sa bahay. Sa malamang nagtatago na ang mga iyon. Nag resign na pala ako sa company ni Mrs. Nakahara, napag isip isip ko kasi na gusto ko munang magpahinga for modeling.

Aasikasuhin ko na rin ang mga ari arian ni dad na naiwan sa akin. Sabi naman ng abogado ko kaya itong ayusin para maipasa sa pangalan ko ang mga property ng daddy. At isa pa gusto ko rin mag focus sa amin ni Flynn, sinagot ko na kasi siya mag two months na, so it means na official na kami. Hatid sundo nga ako lagi kapag pupunta ako sa abogado ko ang sweet niya talaga hehehe.

Pero kung sakaling may gawin sina tita o si Cheska handa na ako. Hindi ako papayag na may madamay sila na isa sa mga mahal ko sa buhay. Okay lang na ako ang mapahamak kesa ang mga mahal ko sa buhay ang masaktan nila. Napatigil ako sa pagmumuni muni ng may mag doorbell. Tiningnan ko muna bago buksan.

"Good morning, babe." Bati ko kay Flynn.

"Morning maldita ko." Hinalikan niya ako ng smack lang sa lips. Ganyan tawag niya sakin e, okay lang cute naman e hehehe.

"Nagbreakfast ka na ba?" Tanong ko.

"Yes. Let's go? Baka malate ka pa sa meeting nyo ni attorney." Kinuha ko ang bag ko sa sofa at hinawakan ang kamay niya palabas ng condo ko.

May meeting kasi ako today para sa update kung ano na ang lagay ng mga property ni dad. Sa isang reataurant lang naman kami magkikita.

"Hihintayin nalang kita dito maldita ko." Ngumiti naman ako. Hinalikan ko siya sa pisngi bago bumaba ng kotse.

Nagtungo ako sa isang upuan dahil wala pa naman si attorney. After 5 minutes dumating na siya. Napag usapan namin ang tungkol sa mga pinaggagawa ni Tita at Cheska sa company namin.

"Ako na ang bahala sa mga perang nagkulang sa company at mall ni dad. Basta ang gusto ko lang ay mailipat na sakin ang mga properties ni dad." May mga utang na kasi ang company at mall ni dad ng dahil kina tita at Cheska.

"Huwag ka mag alala Ms. Sanchez konting tiis nalang at maayos natin ito." Sagot naman niya.

"Thanks attorney, aasahan ko yan." Ako.

Natapos ang usapan namin at pumunta na ako kay Flynn. Nasa loob siya ng kotse tulog yata, buti at bukas ang pinto ng kotse dahan dahan ako pumasok para hindi siya magising. Pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukhan. Ang cute niya matulog ang amo amo ng mukha niya. Ang hahaba ng pilik mata niya, ang tangos ng ilong at kissable lips pa jusko lord salamat at binigyan mo ko ng ganitong boyfriend.

"Oi babe, gising na." Tinapik ko siya sa pisngi. Unti unti niyang minulat ang mga mata.

"Kanina ka pa?" Antok na tanong niya.

"Nope. Ngayon lang naman. Let's eat? Alam kong gutom ka na." Tumango naman siya. "Sa supermarket tayo pumunta mag-gogrocery ako, magluluto ako sa condo." Pina-andar na niya ang kotse papunta sa mall na malapit dito. Pinark niya ang kotse sa parking lot ng mall at sabay kami pumunta sa loob. May mga tao nakatingin sa amin at yung iba naman ay bumabati. Ngumingiti at bumabati naman ako. Kumuha kami ng cart at bumili ng mga ingridients para sa lulutuin ko mamaya.

"Babe, ano ba ang gusto mong lutuin mo?" Tanong ko.

"Kahit ano basta luto ng maldita ko." Napangiti naman ako at kinilig na rin hehehe. Kinuha ko lang ang mga kailangan ko para sa lulutuin ko. Pagkatapos namin sa supermarket napagpasyahan na namin na umuwi na para makapagluto na rin ako.

Nang makarating na kami sa condo unit ko. Nagpaalam lang siya sa akin na magbibihis muna pumayag naman ako. Madilim sa loob ng condo yun ang pinagtaka ko hindi ako nagpapatay ng ilaw. Kinapa ko ang switch dahil wala talaga ko makita kapag madilim. Malapit ko na sana na makapa ang switch ng may humawak sa akin at may panyo siyang itinakip sa may ilong ko. Nagpupumiglas ako kaya nabitawan ko yung mga pinamili ko. Nakakahilo yung amoy na yun sinikmuraan niya pa ako and all went black.


Flynn's POV

After 10 minutes natapos na akong magbihis at bumalik na sa unit ni Gwen. Nagtaka kung bakit naka awang yung pinto ng unit niya. Nakapatay pa yung ilaw sa loob binuksan ko yung ilaw at nawindang ako. Nakakalat yung mga paper bag at yung laman din nun kalat sa sahig.

"Gwen!? Nasaan ka!? Gwen!?" Nilibot ko ang buong condo niya pero wala talaga siya dito. Imposible naman na umalis siya e magluluto nga siya para sa akin. Napasabunot ako sa buhok ko hindi ko talaga siya makita. May napansin ako sa ilalim ng sofa na kumikinang. Kinuha ko yun at nakita ang isang pares ng hikaw ni Gwen. Kinutuban ako agad kaya tumawag ako sa office for back up.

"Partner! Napatawag ka?"

"Magpadala ka ng back up dito sa condominuim ko, bilisan niyo."

"Teka-"

*toot toot*

Hindi ko na siya pinatapos naghanap pa ako ng mga clue dito sa unit ni Gwen. Nakita ko sa isang sulok ang phone niya na may crack ng konti sa screen. Buti at walang password ito kaya nabuksan ko ito agad. Nag aalala na talaga ko hindi ko alam kung saan siya dinala kung sino man yun. Nang dumating na ang team ko ay ipinaubaya ko muna kay Gonzalez ang pag iimbestiga.

"Hoy partner! Saan ka naman pupunta!?" Rinig kong sigaw niya.

"Hahanapin ko si Gwen! Kayo na muna bahala dito!" Hindi ko na hinintay yung sagot niya. Agad akong pumunta sa parking lot nitong condominium. Kailangan kong puntahan kung nasaan man si Gwen. "Kung nasaan ka man, sana hindi ka nila saktan." Pinagarurot ko ang kotse ko hindi ko alam kung saan pero kaillangan ko siyang hanapin.


Cheska's POV

Naglakad ako papasok ng bodega dahil dumating na ang araw ng paghihiganti ko. May ngiting sumilay sa mga labi ko ng makita ko siya na naka upo na may takip ang mata at bibig niya. Nakagapos din ang kamay at paa niya na ikinatuwa ko.

"Ma'am ito na po ang iniresquest niyo. Wala kaming kahirap hirap kunin yang babaeng yan." Ani nito.

"Good. Ito ang bayad dadagdagan ko pa yan sa next misssion niyo. Sige na makaka alis na kayo ako na bahala dito, tatawagan ko nalang kayo kapag may ipapagawa ako sa inyo." Ani ko.

"Okay po ma'am." Umalis na sila pagkatanggap ng bayad.

Tiningnan ko ang wala pa ring malay na si Gwen dito. "Sabi ko naman kasi sayo hindi ako papayag na makakalamang ka. Gusto ko maging patas tayo, pero ayaw mo. Dadaanin ko nalang sa dahas ,my dear cousin. hahaha!" Bulong sa walang malay na si Gwen.













A/N: Enjoy reading mga bebelabs!

The Maldita Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon