Chapter 14

1.5K 42 5
                                    

Flynn's POV

10 months Later..

Sa wakas natapos na ang trabaho ko dito. Mamayang hapon na ang flight ko papuntang pilipinas. Halos isang taon na rin walang pagababago ang paghahanap namin kay Gwen. Biglang nag-ring ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang caller si Ammy pala.

"Hello?"

"Kuya, may party bukas sa Rivera residence. Inimbita ako ni Tita Gineva pati ikaw."

"Anong time ba?"

"8pm ng gabi, formal attire daw ang susuotin at may mask. Darating daw ang anak niya galing ibang bansa."

"Okay. Hahabol nalang ako."

"Okay. Ingat ka sa biyahe mo kuya."

*Toot toot toot*

Inayos ko na ang maleta ko para mamaya sa flight ko pauwi. Kailangan ko pang bumili ng suit ko para sa party na yun ni Mrs. Rivera. Si Gineva Rivera ang personal doctor namin sa US. Siya rin ang nagopera sakin noon sa puso. Malaki ang utang na loob namin sa kanya kaya naging close kami.


Gwen's POV

Naghahanda na ang lahat sa pagdating ni Georgiana dito. Siya daw ang nakakabatang kapatid ko. Ako? Hindi ko alam kung anong isusuot ko, hindi sa wala akong mapili. Hindi ko alam kung anong gagawing ko dito sa mukha ko. Hanggang ngayon narito pa rin ang peklat.

*Door's open*

"May napili ka na bang susuotin mo para bukas?" Bungad agad ni Mommy pagkapasok niya ng pinto ng kwarto ko.

"Meron na po, pero hindi ko alam kung paano ko itatago ang peklat na nasa mukha ko. Ayokong masira ang party ng dahil sakin." Tumabi siya sa akin. Iniharap niya ako sa kanya habang hawak niya ang mukha ko.

"Kahit ano pa ang itsura mo anak, ikaw pa rin ang pinaka maganda. Huwag kang mag alala matatakpan yan ng make up artist natin, ako ang bahala." Niyakap ko siya, ang sarap talaga sa pakiramdam ang kalinga ng isang ina. 23 years kong inantay to.

"O siya, maiwan na kita pagkatapos mo mamili matulog ka na. Para hindi ka mapuyat. Good night Gwe- Kate." Hinalikan niya ako sa pisngi bago siya lumabas ng kwarto.

Inilapag ko nalang ang magazine ng mga gowns sa side table. Tumayo ako sa harap ng salamin dito. Oo sobrang laki ng iniwang peklat ng sugat sa kalahati ng mukha ko. Kamusta na kaya sina Ammy? Hinahanap kaya nila ako? Malamang, oo.

Tinanggal ko na ang bath robe ko, naka pantulog ako na bistida na may manggas. Humiga na ako sa bed ko para matulog.


Ammy's POV

Nagising ako ng  7:00 am, nagshower ako agad dahil kukunin ko pa ang damit na susuotin ko mamaya sa party ni Mrs. Rivera. After ko magshower nagsuot lang ako ng simple dress. Hindi na ako nag-abalang kumain, diretso na ako sa car ko para umalis.

Hindi muna kami mag iimbestiga ngayon dahil sa party mamaya. Si unggoy daw sasama din, ewan ko dun hindi naman niya kilala si Mrs. Rivera sabagay may sira utak non. After 20 minutes nakarating na ako sa shop na inorderan ko ng gown. Pati pala si kuya kinuha ko na rin ng suit niya. May nareceive akong text galing kay kuya.

"Pick me up dito sa airport." Basa ko sa text message niya. Inilagay ko sa backseat ng kotse ang mga pinick up kong damit at nagtungo sa airport. Nang makarating na ako sa airport. Nakita ko si kuya na nakasandal sa bakal na railings at may hawak na phone. Binusinahan ko siya, napansin naman niya ako agad.

"Kanina ka pa kuya?" Sinimulan ko na ang engine ng sasakyan.

"Nope, ngayon ngayon lang." Hindi niya manlang ako tinapunan ng tingin. Busy masyado sa phone niya baka may jowa na si kuya.

Nilamon lang kami ng katahimikan sa buong biyahe. Nang makarating kami sa bahay agad agad siyang bumaba sa kotse. Busy talaga ang commander.

"KUYA! BAKA MABANGGA KA HA! TINGIN TINGIN DIN KAPAG MAY TIME!" Pahabol kong sigaw sa kanya. Masyado kasing busy baka mamaya mabangga siya sa pader.

Kinuha ko na ang mga damit sa backseat ng kotse ko. Inabot ko ito sa katulong namin.

"Paki ayos nalang po manang gagamitin na po kasi namin yan mamaya." Agad naman umalis ang katulong namin.

Naabutan ko si kuya sa na nakahiga sa sofa sa sala. Naka headset siya at nakapikit. Jetlag pa more, pagod ang brother ko. Umakyat nalang ako sa taas para makapagayos ng maaga.

Gwen's POV

Kalahating oras nalang magsisimula na ang party dito. Tapos na rin akong mag make up. Sinabi ko kay Mommy na huwag nang tumawag ng make up artist. Marunong naman akong mag make up kaya ako na ang gumawa. Natakpan naman ang peklat ko sa mukha hanggang leeg. Nakasuot ako ng gold na gown na tube with gold heels. Ginupit ko rin ang buhok kong hanggang ibaba ng kili kili kanina, lagpas nalang ito ng baba ko na nacurl.

"Ms. Kate baba na po kayo, magsisimula na po tayo." Tinanguhan ko lang ang organizer. Huminga muna ako ng malalim bago isuot ang maskara na natakpan ang mata't ilong ko. Dumating na rin pala kanina si Georgiana kanina. Nagkakilala na kami kanina, nakakatuwa siya at maganda rin.

"Ladies and gentlemen maraming maraming salamat sa pagpunta sa party ngayon. Nais kong ipakilala sa inyo ang aking anak na si Geogiana Rivera." Rinig kong tawag ni Mommy kay Georgiana. Lumapit naman agad siya sa stage sa may garden.

"Good evening po sa inyong lahat maraming salamat sa pagpunta sa party namin." Bumaba na ako sa hagdanan dahan dahan lang baka mamaya madulas ako.

"May isa pa pala akong sasabihin. Andito din ang panganay kong anak. Come here, ipinapakilala ko sa inyo ang aking anak na si Kate Rivera." Pinagbuksan ako ng pinto ng mga taga organizer. Sa gitna ako dumaan, lahat ng mata nakatingin sakin. Hindi na bago ito sakin para lang akong nasa red carpet nito. Nang makarating na ako sa stage ibinigay sakin ni Mommy ang mic.

"Good evening everyone, thank you to all of our guests tonight. Sana maging masaya kayong lahat sa party na ito." Niyakap ako ni Mommy at ni Georgiana. Habang pababa ako ng stage nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na tao na nakatingin sakin.

"Flynn..." Bulong ko. Baka nakilala niya ako. Ayoko pang magpakita sa kanya, hindi pa ako ready.

"Mommy cr lang ako." Paalam ko, nagmadali akong umalis sa garden para pumasok sa loob ng bahay ng-

*BLAGGG!*

May nabangga akong babaeng naka dark blue na gown at may mask na black.

"I'm sorry di ko sinasadya. Okay ka lang ba?" Tinulungan ko siyang tumayo.

"Okay lang, kasalanan ko rin hindi din ako nakatingin sa daanan." Hinubad niya ang mask niya. Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko. Si Ammy.

"M-Miss excuse l-lang m-mag restroom kasi ako." Hindi ko na siyang hinintay sumagot . Pumunta ako sa restroom, binura ko nalang ang make up ko tanging lip stick nalang ang natira. Pumunta nalang ako sa veranda mas relaxing dito.

Ang sarap ng hangin dito, mas tahimik lang walang maingay. Niyakap ko ang sarili ko dahil lumalakas ang ihip ng hangin.

"Malakas ang hangin dito, bakit wala kang man lang balabal Miss Rivera." Bigla akong napalingon sa likod kung saan galing ang boses na narinig ko.

"Flynn.."



A/N: Enjoy reading guys.

The Maldita Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon