Chapter 8

1.6K 49 6
                                    

Gwen's POV

"Gwen, gumising ka na dyan. 5:00 am na oh." Niyugyog pa ko ng asong to. 5:00 am palang bakit ginigising na ko nito?

"Ang aga pa aso, mamaya na." Nagtakip ako ng unan sa mukha, ang sarap sarap ng beauty rest ko sisirain lang niya.

"What aso? Ako? Ay nako Gwen bumangon ka na dyan. Sige ka wala kang kakainin kapag hindi ka bumangon." Tinanggal ko yung unan sa mukha ko at sinamaan ko siya ng tingin.

"Fine! Just shut your mouth, pwede? Alis na magbibihis lang ako." Ngumiti naman ang asong to nauulul na yata.

"By the way, ito ang isuot mo maiinit mamaya baka magka-sun burn ka." Inabot niya sa akin ang isang long sleeve na kulay blue, mahabang parang jogging pants at sumbrero. Magsasaka lang ang look, kahit ayoko inabot ko. No choice ako ayokong magka-sun burn.

Nang lumabas na siya sa kwarto, isnuot ko na yung pang magsasakang outfit. I don't like this clothes hindi bagay sa kagandahan ko. Lumabas na ko ng kwarto, nakita ko si aso na parehas ng suot ko. Seriously saan ba kami pupunta at ganto mga itsura namin?

"Let's go?" Masayang tanong niya. Masaya pa talaga ang asong to. Siguro magsasaka kami, pero isla to wala naman akong nakita sakahan.

"Can I ask? saan ba talaga tayo pupunta?" Tumingin siya sa salamin at inyaos niya ang buhok niya nakapusod bago isuot ang sumbrero.

"MANGINGISDA TAYO PARA SA TANGHALIAN! YEHEY!" Malakas na sigaw niya with matching taas pa ng kamay.

"WHAT?!" Fishing? Seriously? Omg kaya pala ganto ang damit namin. Bwiset talagang araw na to oh.

"Kung hindi tayo mangingisda, wala tayong uulamin. Gusto mo bang magutom?" Nagcross arms pa siya.

"Ikaw nalang ang mangisda, bakit pa ko sasama?" Nginisihan niya ako ng masama. Ang creepy ng ngisi ng asong to.

"NO! Sige kung hindi ka sasama bahala ka dyan maiwan. Rinig ko pa naman na may mag gumagala ditong mga multo kapag walang kasama." Kinilabutan ako sa sinabi niya. Multo? No takot ako doon kahit exist or not sila takot ako huhuhu.

"Fine! asama na ko. Dalian lang natin ayokong mangitim." Pumalakpak pa siya at kumapit pa sa braso ko. Pinabayaan ko nalang aso naman soya eh.

"This gonna be fun." Naglakad na kami palabas ng bahay. Madilim pa salabas. Fun? That's not fun at all.


Flynn's POV

"Okay, meeting dismiss." Hindi ko lang pinansin ang sabi ni Chief Perez. Iniisip ko kung ano ba talaga ang motibo ng killer sa pagpatay kay Mr. Sanchez? Hindi robbery dahil lahat naman ng gamit nakaayos.

"Agent Cooper, we need to talk." Naputol ang mga iniisip ko dahil sa pagtapik sa akin ng partner kong si Gonzalez. Sumunod lang ako sa kanya, habang nagiisip pa rin ng plano.

"You know Cooper, alam kong tinatago mo si Ms. Gwendolyn Sanchez." Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan ko siya nakatalikod siya sa akin dahil nauuna siya sa paglalakad.

"How did you know?" Kalmado lang ang tono ng boses ko. Kahit partner ko siya hindi ko sinasabi dahil madaldal ang isang to.

"Simple lang sinundan ko ang GPS ng phone tapos na nakita ko sa island de amor mo siya dinala." Nakangitng sambit niya. Tss! siraulo talaga to.

"Ano naman kung alam mo? Bakit magsusumbong ka sa iba?" Seryoso lang ang mukha ko habang nakatingin sa kanya. Ngumiti siya na parang kinikilig na ewan.

"Idol at crush ko kasi si Gwen, sama ako pag pumunta ka doon partner. Magpapa-authograph lang ako doon sa pinagawa kong tarpolin." Sinamaan ko siya ng tingin. Grabe akala ko kung ano na yun lang pala ang gusto ng gugong nato.

"Manahimik ka nga dyan, hindi laro ang ginagawa ko sa pagtatago ko kay Gwen. Baka masundan tayo ng mga gustong humuli sa kanya." Ngumuso naman ang abnormal. Seriously? Bakla ba to o ano?

"Sige na naman partner. Promise hindi ako mag iingay gusto ko lang naman magpapicture at makilala ang one only idol ko." May naisip ako bago ako pumayag. Tingnan lang natin kung mapansin ka ni Gwen. Sa kamalditahan non ewan ko lang kung pansinin siya non.

"Okay call yun pare. Kailan ka ba ulit pupunta doon?" Excited lang ang gugong na to.

"About a month or two." Nagsimula ako ulit maglakad. Hindi ako pwede paalis alis baka may makahalata ng mga galaw ko. Baka masundan ako at makita nila si Gwen.

"Ang tagal naman, pero maghihintay nalang ako. Yes, makapagpapa-authograph na ko kay idol." Narinig ko nakasunod na rin siya sakin. Two years ko na siyang partner, siya lang ang nagtagal.


Cheska's POV

"Okay, Cheska swimsuit na ang isuot mo." Nagpalit na ako ng two piece sa changing room. Hindi ako katulad ni Gwen na ipinapakita ang sama ng ugali sa mga tao. Kung kailangan makipagplastikan? okay, fine!

"Wow! Your so gorgeous Cheska." Ngumiti ako ng mala anghel na ngiti para madala sila. Aaminin ko mahirap magkunwaring mabait pero kung ito naman ang gusto nila bakit hindi.

"Salamat." Pumunta na ako ulit sa studio. After 15 minutes natapos na ang photo shoot ko para sa summer magazine.

"Good job guys, lalo na ikaw Ms. Cheska." Binigyan ako ng robe at tubig. Buti naman matatapos na ang pagkukunwari ko.

"Thank you po." Pumunta na ako ulit sa changing room. Hanbang nandoon ako may narinig akong pumasok na naguusap.

Girl 1: Ang bait ni Ms. Cheska, kesa sa Gwen na yun. Magka-iba talaga silang dalawa. Isang mabait si Ms. Cheska yun at yung isa demonyo ang ugali si Gwen yun.

Girl 2: Tama ka dyan, gustong gusto ko si Ms. Cheska. Ang mala anghel na itsura niya pati ugali. Si Gwen naman mala anghel ang mukha kabaliktaran naman ang ugali.

Umalis na rin silang dalawa. Ako na talaga ang bida para sa mga mata ng mga tao. Unti unti kong buburahin ang Gwen na yon sa mga tao. Lumabas na ko ng changing room, dumeretso ako ng parking lot at sumakay sa van ko. Ang hirap mag tago ng sariling ugali. Gusto ko na talagang ilabas pero hindi pwede dahil ako ang tatanghaling angelic face sa red carpet next month.


Ammy's POV

Kakatapos lang namin mangisda. Puro reklamo naman itong kasama ko. Ang konti lang naman ng nahuli tatlong piraso lang, samantalang yung sakin puno yung balde.

"Eww! Ang lansa ng amoy ko. I never do that again." Diring diri niyang pinupunasan ang pawis niya.

"Anong I never do that again ka dyan. Hoy! twice a week dapat tayo manghuli para may ulam tayo." Inirapan niya lang ako. Sabi nga ni kuya kailangan maging strikto ako dito dahil matigas talaga ang ulo niya.

"Hugasan mo 'yung mga gagamitin ko sa pagluluto." Utos ko sa kanya. Abay parang walang narinig ang gaga.

"Hoy! diba sabi ko hugasan mo!" May diin na ang mga katagang sinambit ko.

"Bakit ako? Ikaw na, hindi ako marunong maghigas non!" Tangkang aalis siya pero hinigit ko ang braso niya.

"Manahimik ka Gwen, gawin mo na yung mga pinapagawa ko. Hindi mo ko madadala sa pagmamaldita mo, masama akong magalit Gwen." May pagbabantang tono ng boses ko. Inalis niya ang kamay ko sa braso niya.

"OO NA! GAGAWIN KO NA NGA! Bahala ka kapag lahat ng yun madumi pa rin. Hindi nga ako marunog maghugas." Padabog siyang umalis at pumunta sa kusina ng bahay.

*BOGSSHH!*

"OMG! EWW! KADIRI NAMAN!" Rininig ko hiyaw niya. Mukha nga wala siyang experience sa mga gantong mga bagay. Pero nangako ko kay kuya na pagbalik niya dito na may  improvement si Gwen.



A/N: Ejoy reading guys.

The Maldita Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon