Chapter 15

1.5K 43 6
                                    

Flynn's POV

"Flynn.." Sambit niya sa pangalan ko.

"Long time no see, Ms. Gwen Sanchez." Sa kilos palang ng babaeng  ito alam ko agad na siya yun.

"H-How did you k-know?" Lumapit pa ako sa kanya.

"Kahit ano pang gawin mo sa sarili mo, kahit takpan mo pa ang mukha mo kilala na kita agad, Gwen." Kahit naka mask siya alam ko ang sama ng tingin niya sa akin. Tumingin siya sa akin ng seryoso.

"Sabihin mo nga lahat ang nangyari sayo simula ng mawala ka sa isla." Huminga muna siya ng malalim bago magsimulang magkwento.

"Hahanapin ko sana si Ammy dahil ang tagal niyang bumalik sa bahay. Nang biglang sumulpot sa harapan ko si Cheska ang pinsan kong babae. Dinala niya ako sa isang bodega tapos pinahirapan niya ako. Ibinato niya sakin ang kutsilyong may lason, nadaplisan ako sa braso." Ipinakita niya ang kanang braso niya sa akin. May peklat nga ang braso niya.

"Ano pang ginawa niya sayo?" Unti unti niyang tinanggal ang mask na nasa mukha niya. Nagulantang ako sa nakita ko. May malaking peklat siya sa halos kalahati ng mukha niya.

"Ito ang pinaka masakit na ginawa niya sa akin. Ang sirain ang mukha ko." Ngumiti siya ng mapait, tumingin siya sa kawalan. Nakita ko rin may mga butil ng luhang tumutulo sa kanyang mukha.

"Diba sabi ko sayo ang panget mo kapag umiiyak ka." Inirapan niya lang ako habang may luha pa sa kanyang mukha.

"Tse! Ewan ko sayo. By the way, Mommy ko pala si Gineva Rivera." Pinunasan niya ang ilang luhang natira sa kanyang mukha.

"How suprising, congrats pala." Nag sip ako ng wine sa hawak kong wine glass.

"Kuya! kanina pa kita hina-" Napatigil si Ammy ng sabay kami lumingon ni Gwen sa kanya.

"G-GWEN! GWENNNN!" Tumakbo siya at niyakap niya si Gwen.

"Maldita ka talaga, bakit hindi ka nagpaparadam ha?" Nanlaki pa ng mata niya ng mapansin niya ang mukha ni Gwen.

"WHAT THE HELL! WHAT HAPPENED TO YOUR FACE! Omygod! sino gumawa sayo nito!? ako ang papatay!" Di ko alam kung matatawa sa kanya o maiiyak.

"Hoy Ammy, ang tagal mo naman." Biglang pasok din ni Gonzalez a, bumitaw sa pagkakayakap si Ammy kay Gwen at piningot ang tenga ni Gonzalez

"Kita mong nag-momoment ako dito tapos manggugulo ka ha! Gusto mo ibalik kita sa zoo." Napansin kong sinuot ni Gwen ang kanyang mask.

"O, may chikababes pala kayong kasama. Hi miss beautiful." Lumapit siya kay Gwen.

"Sige alis muna ko baka hinahanap na ako sa baba." Umalis siya agad ng hindi manlang inabot ang kamay ni Gonzalez.

"Pftt.. pahiya ka no? hahaha!" Inasar pa siya ni Ammy. Parang pinagsakluban ng lupa ang mukha ni Gonzalez.

"Tss, napakasungit naman ng chikababes na yun. Ikaw nalang Ammy lalabingin ko, tara nga dito." Akmang yayakapin niya sa Ammy ng-

*Poink*

"Lambingin mo mukha mong unggoy ka! Doon ka sa zoo maghanap ng kauri mo! Tse!" Iniwan niya kaming dalawa dito sa veranda. Inakbayan naman ako ni Gonzalez.

"Tayo na nga lang maglambingan partner." Tinulak ko siya ng mahina. Tiningnan ko siya ng nadidireng reaksyon.

"Manahimik ka nga kadiri ka, mabuti pa bumalik na tayo sa loob." Nauna akong naglakad pabalik sa party at nakasunod siya sa likuran ko.

Panatag na ang loob ko dahil nakita ko na si Gwen. Alam ko rin mabuti na ang kalagayan niya.


Gwen's POV

12 am na natapos ang party dito sa bahay. Grabe sobrang napagod ako ngayong araw. Masaya din ako dahil nakita ko na sila, sobrang miss ko talaga ang mga iyon.

*Tok tok*

"Gwen, pwedeng pumasok?" Inayos ko ang buhok kong nagulo, kakatapos ko lang kasing maligo.

"Come in." Pinanood kong pumasok si
mommy pumasok dito na may ngiti sa labi.

"May good news ako sayo anak." May ngiti pa rin sa labi niya.

"Ano po iyon?" Hinawakan niya ang malaking peklat sa mukha ko.

"Pwede ng matanggal ang peklat sa mukha mo anak. Ako ang gagawa ng operation para matanggal ang peklat dyan sa mukha mo." Ngumiti ako ng malapad. Nangilid ang luhang nasa mga mata ko.

"T-Totoo po? Salamat mom." Niyakap ko siya ng mahigpit dahil sa tuwa ko. Sa wakas ang matagal ko ng hinihiling sa diyos natupad na.

"Next week kita i-aadmit sa hospital namin dito sa Pilipinas." Kumalas ako sa yakap sa kanya. Pinahid ko ang mga luha gamit ang palad ko.

"Sige na magpahinga ka na, alam ko namang pagod ka ngayong araw." Hinalikan niya ako sa pisngi bago umalis sa kwarto ko. Humiga na ako sa kama ko para magpahinga na. Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.

ZzzzzZzzzzzZzzzzzZzzzzzZzzzzzzZzz

"Hoy! gumising ka na dyan!" Napabaliwas ako ng bangon dahil sa gulat ko kung sino yung nagsalita.

*BLAGG!*

"Ano b-ba kasing ginagawa mo dito Ammy!? nang-gugulat ka masyado!" Nahulog pa ko sa kama ko dahil sa gulat sa kanya.

"Susunduin ka. Obvious naman diba? Sabi kasi ng kuya kong magaling papuntahin daw kita sa bahay para daw maka-bonding tayo ulit." Inirapan ko siya. Para lang don manggugulat talaga.

"Paano ka pala nakapasok dito?" Sinuot ko ang bath robe ko, wala ang suot na bra ngayon. Ganoon ako kapag natutulog tinatanggal ko.

"Malamang sa pintuan niyo. Ano ba yan Gwen? bakit nagiging tanga ka na ngayon?" Sinamaan ko siya ng tingin maka tanga akala mo siya hindi tanga. Nag peace sign lang siya.

"Kilala ko kasi si Tita Gineva, personal doctor namin siya at siya rin ang nagopera sa kuya ko noon sa puso." Tumango tango ako. So ibig sabihin may sakit pala sa puso noon si Flynn.

"Wait mo nalang ako dito maliligo lang ako." Agad akong pumasok sa shower room. After kong magshower naabutan ko siyang nagcecelphone, hindi ko na siya pinansin nagbihis nalang ako sa walk in closet.

"Hoy Gwen, dalian mo dyan ang bagal mo naman!" Sigaw niya. Sobrang mainiipin naman nitong babaeng to. Sa sobrang pagmamadali ko nagsuot ako ng dress na lagpas sa tuhod na may black coat with black flat shoes.

"Ano? tara na?" Inirapan ko pa siya. Tinawanan niya lang ako bago pumulupot sa braso ko.

"Let's go na! hahaha!" Bumaba kami ng sabay ni Ammy. Nakita ko sina Mommy at Georgiana na paalis na rin.

"Morning mom, George. Saan kayo pupunta?" Tumigil muna kami ni Ammy sa harap nila.

"Aalis lang kami ni mom pupunta kami sa hospital natin para mag observe." Nakangiting sagot ni Georgiana na sa tanong ko.

"A ingat kayo, aalis na rin kami." Sabay kaming lumabas ng bahay at sumakay ako sa kotse ni Ammy, sina mom naman sa kotse namin.

"Gutom ka na ba?" Tanong ni Ammy habang nagdidrive siya.

"Little bit." Bumalik ang tingin ko sa bintana ng kotse.

"Okay! Dadaan muna tayo sa head quarters ni kuya. Isasama natin siya sa palengke para may taga-buhat tayo." Tumango lang ako at tumingin ulit sa bintana ng kotse para hindi ako mabored sa biyahe.





A/N: Enjoy reading guys.

The Maldita Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon