Cheska's POV
May event ngayon para sa isang medical mission at pagbibigay ng mga gamit sa mga bata para sa school. Sa kasamaang palad naimbitahan ako sa walang kwentang event na yun. Ano bang pake ko sa mga pulubing 'yun? pare parehas lang silang patay gutom! Pero ang sabi ni mommy mapapbango nito lalo ang image ko. Kaya kahit labag sa kalooban ko pupunta pa rin ako.
"Mom alis na ko." Nagbeso lang kami sumakay na ako sa van ko para ihatid ako sa mabahong lugar, kung nasaan ang mga patay gutom na mga pulubi. Nagbaon ako ng malaking hand sinitizer at alcohol malay niyo napaka daming bacteria ng mga pulubing iyon! Kadiri! Wala naman akong kasama sa loob ng bukod sa driver ko. Nang makarating na ako sa location naglagay muna ako ng hand sanitizer plus alcohol bago tuluyang bumaba. Tumambad sa'kin ang sobrang daming pulubi na sobrang dungis, bwiset sobrang dugyot ng mga nilalang na ito.
Isang court ito kaya medyo malawak at may stage, ngumiti ako habang naglalakad. Sobrang baho naman dito kadiri talaga! May mga humahawak na mga dugyot na bata sa damit ko kaya nadumiham ito. Gustong gusto kong manakit dahil parang humahalon na ang amoy nila sa mamahaling damit ko.
"Hi Ms. Cheska dito po kayo." Buti naman may nag asist na sa'kin malayo ang upuan ko sa mga pulubing yun.
"Di pa po ba tayo mag iistart?" Tanong ko sa organizer na mukhang cheap tss.
"Inaantay pa kasi namin ang mga Rivera, malapit na siguro sila." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Mga Rivera don't tell me-
*BEEP* *BEEP*
Tunog ng sasakyan sa labas ng court unang bumaba dito ang isang babae na may edad na at may kasama siyang babae sa tingin ko medyo mas bata ito sa'kin. Mga doctor yata ang mga yan may dala silang mga gamot. May isa pang bumaba sa kotse at ito'y ikinagulat. Anong ginagawa ng Kate Rivera na yan dito!?
"Okay magandang umaga sa inyong lahat ako nga pala si Santy Chavez ang mayor dito. Sobra po akong nagpapasalamat dahil sa pagdating niyo dito. Sana matulungan niyo ang aming baranggay." Speech yan ng walang kwentang mayor nag mayor pa kayo e mukha namang pulubi rin tss.
"Hi there Cheska," Speaking the devil, katabi ko na siya sa upuan ngayon. "Hindi ko alam na pumupunta ka pala sa mga gantong event, ang bait mo pala." Parang nang aasar pa siya.
"Bakit? ano akala mo sa'kin demonyo?" Mahina pero may diin kong sabi.
"Oo." Nginisihan niya ako bago siya tumayo at pumunta sa stage. Pumunta na'rin ako sa stage para mamahagi ng mga cheap na school supply. Pinakalma ko ang sarili ko habang nagbibigay ng mga school supply. Pero sa totoo lang gusto ko ng magwala sa sobrang inis, tsk!
Gwen's POV
Natapos ang event na ang sarap ng pakiramdam ko. Epic ng mukha ng demonyitang babae kanina, halata namang napipilitan lang siya maging mabuti sa harap ng mga tao. Ang hirap talagang itago ang ugaling meron ka hahahaha! buti nga sa kanya! Karma is real, nakipagkamay ako sa mayor bago pumunta sa kotse. Unang umuwi si Cheska may emergency daw, sus! maniwala kayo doon. Sabihin niya lang na diring diri siya dito, sarap niyang itapon sa impyerno e! gigil si ako!
"Mag ingat kayong dalawa sa pag uwi." Paalam ko kina mom at George.
"Okay, you too." Nagbeso beso kami bago umalis. Habang nasa biyahe ko ay may natanggap akong message.
Message Received
Unknown number0999*******
Hey this is Flynn meet me in rooftop, I want to talk to you.
Dug
Dug
Dug
Dug
DugAno ba yan!? grabe talaga ang tama ko sa lalaking yun, hindi na nga ako pinatulog nung isang araw. Pero kailangan ko siyang harapin jusko naman! Di na ko nagreply pupuntahan ko nalang siya doon. Meron sa loob ko na nagagalak kasi magkikita sila ulit, hay grabe hibang na yata talaga ko sa kanya.
Nang makarating ako sa parking lot ay nagretouch muna ko aba syempre! medyo haggard na rin ang itsura ko kaya I need to retouch. Dumeretso ako sa elevetor mag 7:30 na ng gabi kaya madilin na. Pagdating ko sa rooftop natanaw ko siyang nakatalikod mula sa gawi ko.
Dug.....
Dug....
Dug...
Dug..
Dug.Ayan na naman yung puso ko grabe nagwawala lang ang peg. Lumingon siya sa gawin ko at ngumiti, nakakatunaw naman ano ba yan!?
"You're came, how are you?" Medyo hindi ako maka galaw dito sa kinatatayuan ko.
"F-Fine, ano bang gusto mong p-pag usapan?" Shemay nauuta ako! I think mukha na akong kamatis sa pula, nakakahiya!
"About sa sinabi mo last night." Shete naman uy! grabe naman to lalo tuloy bumilis tibok ng puso ko pesteng puso 'to!
"Di ba sinabi ko na nga sayo! paulit ulit lang!" Lumapit siya sa gawi at umatras ako.
*Lapit*
*Atras*
*Lapit*
*Atras*
*Lapit*
*Atras*
Hanggang wala na kong maatrasan, sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Nakangisi siya ng nakakaloko, jusko lord! ano ba ito?
"Why do you love?" Ang husky ng tone ng voice niya. Lalo kong naiinlove, anak ng tokwa naman!
"D-Di b-ba nga s-sinabi k-ko na s-sayo," Nagkanda utal utal na ko dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Dinikit niya ang noo niya sa noo ko habang siya'y pumikit. "H-Hindi mo n-naman k-kailangan n-na mahalin a-ako Flynn, N-Nag confess lang a-ako para g-gumaan ang l-loob ko." Dagdag ko pa.
"May sinabi ba kong di kita gusto?" Nagulat din ako sa mga sinabi niya.
"H-Ha?" Di parin makapaniwalang sambit ko. Imbis na sumagot idinikit niya ang labi niya sa labi ko. He kissed me passionately, sa una hindi ako tumutugon pero nahuli ko nalang ang labi ko na tumutugon na sa halik niya.
Nang natapos ang ang halik na yun tiningnan ko siya ng masam. "What?" Natatawa pang tanong niya.
"Para saan na naman yun!? Manyak ka talaga!" Tinulak ko siya para lumayo siya ng konti, pero sa loob ko sobra na yung kilig. Pesteng puso to ang bilis ng kabog!
"I love you." Akmang lalapit siya sakin ng pigilan ko siya.
"Hep! don't come near me! manghahalik ka na naman e! Hoy ikaw a! baka nasasabi mo lang yan dahil sa pag amin ko sa'yo last time! Okay lang Flynn, hindi naman ako humihingi ng kapalit." Tumawa lang siya. Ano ba tong lalaking to? puro tawa lang? ganoon?
"Nope. I said i loved you, mahal din kita hindi ito dala ng confession mo. Minahal kita dahil sa pagbabago mo, naging mabuti ang kalooban mo at natututo mo ring mahalin ang sarili mo." Napangiti ako sa sinabi niya. "Ano tayo na ba?" Napalitan ang ngiti ko ng kunot ng noo. Anong akala niya easy to get ako? Naku minsan lang to kaya pahard to get na hahaha.
"Ano ka sinuswerte!? Ligawan mo muna ako!" Napangiti na naman siya.
"Okay, right a way ma'am. I start court you now. Let's go hahatid na kita sa unit mo, Maldita ko." Inakbayan niya ako palabas ng rooftop at palihim akong napangiti. Ganda ko talaga char hahaha.
N: Enjoy reading guys.
BINABASA MO ANG
The Maldita Superstar (COMPLETED)
RomanceMeet Gwendolyn Katerina Bloom Sanchez the Superstar, na kinahuhumalingan ng kalalakihan dahil sa angkin niyang kagandahan, pero kabaliktaran ng ugali niyang mala imbyerna. What if kung isang araw, napagbintangan siya sa isang krimeng hindi naman niy...