Chapter 3

2.4K 72 27
                                    

Gwen's POV

HINDI ako masyadong nakatulog kagabi. Iniisip ko pa rin 'yung mga nangyari. Gosh! Muntik na ko talaga kagabi! Paano nalang ang showbiz kung wala ako? Tumayo ako sa kama, pumunta ako sa bathroom para simulan ang morning routine ko. Pagkatapos lumabas na ako ng kwarto.

"YAYA! YAYA!" Bwiset na mga katulong puro bingi.

"Y-Yes po M-Ma'am..." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit ba ang bagal mo kumilos?! Di'ba katulong ka dito?! Gawin mo ang mga trabaho mo! stupid!" Yumuko lang siya, as I care.

"Where's my breakfast?" Tanong ko sa stupidang katulong ko na walang kwenta.

"N-Nasa kitchen po M-Ma'am, v-vegetable s-salad at f-fresh m-milk po ma'am." Nakayukong pa ri'ng sambit niya.

"EH ANO PANG TINATAYO TAYO MO D'YAN?! KUNIN MO NA ANG BREAKFAST KO!" Nagmadali naman ito pumunta sa kitchen. Wala pang isang minuto nahanda na niya ang breakfast ko.

"Get lost! Ayoko sa mga ugly creatures. Layas!" Bumalik naman siya sa kusina. Poor people? hindi kami magka-level no!

Kumain lang ako ng breakfast then pumunta na ako sa kotse. Nagulat ako dahil andito na ang Personal Assistant ko.

"What are you doing here? Di ba sabi ko sa set ka na dumeretso?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"I will drive for you from now on, Ma'am Sanchez." Lalong tumaas ang kilay kasing taas ng Mt. Pinatubo.

"Wow ha! Instant driver na pala ang Personal Assistant ko ngayon?!" Sarcastic kong sabi sa kanya.

Sumakay nalang ako, wala akong paki sa kanya bahala siya kahit anong gawin niya. Who cares? Nag-drive lang siya. Ako naman inaayos ang mukha ko. Bwiset na make up artist! Hindi pumasok ang walang kwenta na yon. Nang makarating na kami sa location ng shooting, pinagbuksan ako ng Personal Assistant slash Driver ko ng car door. Nag init lalo ang ulo ko pagbaba ko ng makita ko ang walang kwentang make up artist ko na nasa set na.

"Ma'am, sorry po hindi po ako nakapunta para ayusan kayo." Akmang lalapit siya sa akin ng tinabig ko siya.

"DON'T TOUCH ME! BINABAYARAN KITA PARA PAGSILBIHAN AKO PERO HINDI MO NAMAN NAGAGAWA! YOU'RE FIRED!!!" Nakayuko lang siya sa akin. Nilampasan ko lang ang walang kwentang patay gutom na ex. Make up artist ko.

"ANONG TINITINGIN TINGIN NIYO?! JUST CONTINUE OUR SHOOT!"  Umupo muna ko sa upuan ko. Mga walang kwentang tao. They just ruined my day. Nakaka-sira ng beauty! Bwiset!

Natapos ang shoot ng 5 pm, nakaka stress talaga. Ilang scene nalang matatapos na ang movie ko.

Flynn's POV

NAGDA-DRIVE ako ngayon ng van ni Gwen. Tahimik lang ako habang siya talak ng talak.

"Nakaka-stress mga tao talagang mahihirap, mga walang kwenta!" Ang sama talaga ng bunganga ng babaeng to.

After 30 minutes nakarating na rin kami sa mansion nila.

"Hey you, Mr. Vargas." Napatingin ako sa kanya. Nakapamewang siya sa gilid ng kotse.

"Ano po yun Ma'am?" Magalang na sagot ko.

"Ahm.. Never mind." Dire diretso na siya pumasok sa mansion.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit niya, umalis na ko dahil kailangan kong pumunta sa Head quarters.

"Good evening Mr. Cooper." Bati ni Mr. Perez sa akin. Tinanguhan ko lang siya bago umupo sa katapat niyang upuan.

"So, ano bang pag uusapan natin?" Walang ganang sagot ko sa kanya. Pagod na ko dahil sa trabaho ko.

"Anong nangyari nung isang araw? May sumugod daw sa inyo? Is that true?" Sunod sunod na tanong niya.

"Puntirya talaga nila si Gwen Sanchez. Buti nabaril ko yung gulong ng kotseng humahabol sa amin." Tumango tango lang siya.

"Kailangan mong bantayan mabuti ang anak ni Mr. Sanchez, doublehin mo ang pagtingin sa kanya." Tumango lang ako. Nag paalam na ko sa kanya.

Nag drive ako ng kotse ko papuntang condo ko. Nang makarating ako sa unit ko agad akong dumeretso sa bathroom.

Gwen's POV

I'M here at my beautiful room. Nag mememorize ng ilang lines para sa nalalabing scenes sa aking movie.

Ang problema ko, saan ako kukuha ng bagong make up artist. Nakaka stress kasi ang walanghiyang make up artist na yun. Pa importante masyado!

Busy ako sa pag scan ng script ng biglang nag brown out at may narinig akong kalabog sa baba. Hinanap ko yung flashlight sa phone ko. Tinungo ko ang door papuntang hallway. Kahit madilim tinungo ko ang way pababa. May fear pa naman ako sa dilim.

"Yaya?! are you there?!" Tawag ko sa katulong namin pagbaba ko papuntang kitchen.

It's creepy kasi walang sumagot sa akin. Takot pa naman ako sa dilim. Pupuntahan ko si dad baka nagising din siya. Kahit nanginginig ang mga legs ko pinilit ko puntahan ang room ng daddy ko. Pag bukas ko ng pinto ng kwarto niya, nadatnan ko siyang tulog medyo nakatagilid siya.

"Dad? wake up brown out ngayon. 'Di ko alam kung nasaan sina yaya, dad." Nakatayo lang ako sa may pinto habang sinasabi yun. But walang response akong narinig mula sa kanya.

Lumapit ako sa bed niya, umupo ako sa tabi niya.

"Dad? Wake up i sa-" Naputol yung sasabihin ko ng may maramdaman akong malapot na likido sa pagtapik ko kay dad. Nanginginig ang mga kamay kong tinapat ang flashlight ng phone ko dito.

"D-Dugo.. D-DUGO!" Napabalikwas ako ng tayo sa bed ni dad. Tinapat ko ang flashlight sa kanya. Na shock ako ng makita ko siyang may dugo sa may dibdib niya.

"O-Omygod.. DAD!" Naluha na ko dahil sa nakita ko. Tumalikod ako at tumungo sa may pintuan. Pipihitin ko na saan ang doorknob ng may humampas  ng matigas na bagay sa likod ko and all went black.

Someone's POV

NAKA-UPO ako sa office ko dito sa aking mansion, nang dumating ang tatlong tauhan ko.

"Ano nagawa niyo ba ang pinag uutos ko?" Kumuha akong glass at nag buhos ng wine.

"Opo master, naligpit na namin sya." Napatigil ako sa pag sip ng wine dahil sa sinabi niya.

"Good. E yung anak niya nasaan?" Nag sip ako ulit ng wine. Mapapa sa akin na ang kayamanan nila.

"Tulad po ng sinabi ninyo, siya ang paghihinalaan ng mga pulis sa krimeng iyon." Binaba ko ang wine glass at tumayo ako sa upuan ko.

"Kunin nyo na'to at umalis na kayo." Inabot ko sa kanila ang tig isang sobreng may lamang tig kalahating milyon.

Sa wakas maka-kamkam ko na rin ang lahat ng kayaamanan ng aking butihing kuya. Sisiguraduhin ko rin na wala ng babalikan ang kanyang pinaka mamahal na anak.








A/N: HERE'S UPDATE FOR TODAY. OMG ANG TAGAL KONG HINDI NAKAPAG UPDATE! SORRY TALAGA KASI BUSY AKO SA STUDIES KO SA SCHOOL NAMIN. BUT PROMISE KO MAG UUPDATE NA KO ULIT HEHEHE. ENJOY READING GUYS LOVE YOU ALL.

The Maldita Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon