Epilogue

3.1K 66 7
                                    

Gwen's POV

Andito ako sa cementery kung saan naka-libing ang parents ko. Mga limang araw na ang nakipas ng ma-discharge ako sa hospital. Nag lagay ako ng mga flowers sa gilid ng mga puntod nila. Masakit sa part ko, konting panahon ko lang naka sama ang mommy ko. Pero thankful pa din ako. Sa konting oras na yon, naramdaman ko ang pagmamahal niya sa'kin.

"I miss the both of you. Sana masaya man kayo kung saan kayo naroroon. Don't worry about me and George. We will be fine, mom. Ikaw naman dad, may justice na rin ang pagkawala mo. Tita Oliva is dead at si Cheska ay naka-kulong na din." Nakangiting sabi ko. Nagtagal pa ako ng mga 30 minutes bago umalis.

"I'll get going. Dadalaw nalang ako ulit dito. Bye, mom and dad." Lumabas ako ng cementery at sumakay sa kotse ko.

Birthday ni Ammy ngayon. Kaya pupunta ako sa bahay nila para tumulong sa paghahanda. Nag-drive lang ako papunta sa kanila. Hindi pa ako tine-text o tinawagan ni Flynn. Ang sabi ni Ammy kanina, tulog pa daw. May trabaho daw kasi yon kagabi.

After 15 minutes nakarating na ako sa bahay nila. Pinagbuksan ako ng gate ng isang katulong. Nag-park ako sa garahe nila. I think mga limang kotse ang kasya dito. Pinagbukasan ako ng katulong nila ng maindoor.

"Gwen! Your came. Ang aga pa a! Mamayang gabi pa ang party ko." Nag beso siya sa'kin pagpasok ko sa loob.

"I just want to help. Nakaka-bored sa unit ko." Sabi ko.

"Wala naman ide-decorate e. May organizer naman akong kinuha. Gisingin mo nalang si kuya sa taas. Magtatanghali na hindi pa rin gising." Sabi niya pa.

"Anong oras ba yon umuwi?" Tanong ko.

"Mga 9:00 am na. Mag-lulunch na kaya!" It's means konti palang ang tulog niya. Grabe namang trabaho yon! Puyatan!

"Saan ba ang kwarto niya?" Tanong ko.

"Dyan sa pangatlong kwarto. Pakisabi kakain na. Padating na rin ng parents namin e." Tumango ako at tumungo sa second floor.

*Tok tok tok*

"Hey, Flynn? Are you awake?" Pinakinggan ko kung may magbubukas pero wala. Mahimbing pa yata ang tulog. Ipinihit ko ang door knob. Bukas naman pala.

Naka-off yung ilaw ng kwarto. Tanging lamp shade lang sa gilid ng kama niya ang bukas. Tulog nga. Parang ayoko naman gisingin, ang sarap ng tulog niya. Umupo ako sa tapat ng kama niya. Napaka-gwapo niya talaga. Hinaplos ko ang buhok niya, siguro mamaya maya ko na ito gigisingin.

"Kawawa naman ang boyfriend ko. Halatang napagod e." Bulong ko. Para malibang binuksan ko ang phone ko at naglaro ng games.

Flynn's POV

Nagising ako na medyo masakit ang ulo ko. Sa puyat at pagod ito kagabi. Ang hirap hulihin ng mga pesteng drug lord na yon! Pati si Gonzalez nahirapan din kagabi. Napalingon ako sa side ng bed. Andito si Gwen? Mukhang naka-tulog na siya. Ang aga naman niya para sa party ni Ammy. Halatang himbing na siya, hindi man lang nagising ng ilipat ko sa kama. Kinumutan ko siya bago lumabas ng kwarto.

"Buti naman at gising ka na, kuya! Where's Gwen?" Bungad na tanong ni Ammy.

"She's sleeping." Sagot ko.

"Okay. Mom and Dad! Kuya is here na!" Malakas na tawag niya. Kahit kelan talaga! Napaka-ingay niya.

"Son, I really missed you so much." Humalik ako kay mom sa pisngi.

"Nasaan ang girlfriend mo? Ang sabi ni Ammy andito daw siya." Tanong ni dad.

"Naka-tulog sa kwarto ko." Tipid na sagot ko.

"I see. Kumain na ba kayo? Let's eat?" Tanong ni mom.

"Kumain na ko. Si kuya, hindi pa." Sumabay ako sa kanilang kumain. After ko kumain, nag paalam ako sa kanila. Tulog pa rin si Gwen pag-balik ko. Naligo muna ko. May pupuntahan ako sa mall.

"I'll be right back, maldita ko." Hinalikan ko siya sa forehead niya bago tuluyang umalis sa kwarto ko.

Gwen's POV

*Fastforward.."

Nakapag-ayos na ako. Pag-gising ko kanina wala si Flynn. Umalis daw sabi ni Ammy. Kanina pa nagsimula yung party hindi pa din siya bumabalik. Naka-suot lang ako ng purple na cock tail dress. Naka-straight ang medyo humaba kong buhok. Light make up lang din ako in-apply sa'kin.

"Good evening, idol!" Pa-unang bati sa'kin ng boyfriend ni Ammy.

"Same." Walang ganang sagot ko. Buti pa si Ammy may partner e! Nasaan na ba kasi Flynn!?

"Bakit parang badtrip kaya?" Tanong ni Ammy.

"Medyo, pagod na yata ako. Mamaya maya, uuwi na rin ako." Palusot ko.

"Ikaw bahala. Hoy! Tara doon tayo." Hinila ni Ammy yung boyfriend niya papunta sa dance floor.

Pumuna ako sa may pool side nila. Na-iinis talaga ko! Kanina pagdating ko tulog siya! Tapos ngayon umalis naman! Kainis naman yung lalaking yon. Naku! Pasalamat siya mahal ko siya kung hindi! Titirisin ko talaga siya.

"Maka-uwi na nga lang! Boring dito." Bulong ko.

*BLAGGG!*

"Ano ba!?" Sigaw sa naka-bangga sa akin.

"Andito ka lang pala, maldita ko." Napatingin ako sa kanya.

"Dumating ka pa! Tss! Tabi nga dyan! I'm going home, pagod ako!" Hinigit niya ang kamay ko dahilan ng pagtigil ko sa paglalakad.

"Nagsusungit ka na naman. Sorry kung late ako. May inasikaso kasi ako." Paliwanag niya.

"Na mas mahalaga sa'kin!? Ha! Doon ka nalang sa inasikaso mo! Nakakahiya naman na nakaka-istorbo pa ako!" Sarcastic na sabi ko.

"Don't be at me. Your are special to me, Gwen." May kinuha siya sa bulsa niya na isang maliit na box. Lumuhod siya sa harap ko.

"What are you doing!?" Gulat na sabi ko.

"You are the very especial person to me. Walang makaka-higit doon. Kahit noong una ay masama ang ugali mo. Nang aapak ng ibang tao at walang alam na gawin kung hindi puriin ang sarili. But, all of your imperfection caught me. Nagbago ka at naging isang mabuting tao. Medyo may kamalditihan pa rin naman minsan. Alam ko, konti pa lang ang panahon ng maging tayo. Pero, wala naman sa oras, buwan o taon yon diba? Tatanungin kita, Gwendolyn Sanchez, will you marry me?" Binuksan niya ang box na yon. Naka-lagay doon ang isang ring na may maliit na bato sa gitna.

"Ano na sa tingin mo ang sagot ko!?" Na-iiyak na sabi ko. I can't belive it!

"Yes or no lang ang pwede mong isagot, maldita ko. Dalian mo na at nakakangalay dito." Sagot niya.

"Oo na! I will marry you, Mr. Flynn Cooper." Masayang sabi ko.

"Yes!? I'm so happy!" Sinuot na siya sa kaliwang ring finger ko ang sing sing. It's beautiful.

"Me too. I'm happy and thankful because you came to my life. Binago mo ko. Natuto ako sa mga pagkaka-mali na nagawa ko. Sa tulong niyo ni Ammy, naging iba ang pananaw ko sa buhay. Ang akala ko, kapag isa kang sikat makukuha mo ang lahat. I'm just a spoiled brat. Walang alam kung hindi ang insulto at ang mag-maldita sa lahat. Thank you for change for a different person. I loved you so much, babe." Sabi ko.

"I love you too, maldita ko." Lumapit siya sa'kin at ginawaran ako ng halik sa labi.


Sabi nga ng iba, mahirap ang magbago. Lalo kung nakasanayan mo na ang ugaling meron ka. Pero sa pag pag dating ng isang tao sa buhay mo. Pwedeng maiba ang pananaw mo. Just like me. Marami mang nangyaring hindi maganda. May miracle pa rin na nagmahal sa'kin. Maldita man ako noon, konti nalang ngayon. Hahahahaha! Masaya na akong nasa tabi ko si Flynn at siya na ang forever ko. Hanggang dito nalang ang kwento ni Gwendolyn Sanchez.

The Maldita Superstar is signing off..



THE END







N: Cut! Maraming maraming salamat sa mga sumuporta sa storyang ito. I hope na nagustuhan niyo. Paki-support din yung iba ko pang story. I love you mga bebelabs ko. Hanggang sa muli! Muah!

A/N: I have another story title she's cold like an ice (completed) at Finding the truth (on-going) sana suportahan niyo din. Marami pa po akong upcoming na story kaya stay lang kayo mga bebelabs! See you.

The Maldita Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon