Flynn's POV
*KRINGGGGGGGGGGG*
Napabangon ako sa tunog ng alarm clock. Monday ngayon kaya kailangan kong pumasok ng maaga. Nag quick shower lang ako. Nagbihis ako ng formal attire, tuwing monday dapat formal attire dahil may inspektor. Inayos ko na ang buhok ko na nilagyan ko ng gel. Hindi na akong nag abalang mag breakfast. Agad akong nagtungo sa parking lot ng condo.
*Parking lot*
"Good morning." Napatingin ako sa bumati sa akin. Nakangiti siya habang nakataas ang isang kamay. Napakaganda niya sa suot niyang red na dress.
"G-Good morning Gwen." Nginitian niya ako ulit bago sumakay sa kotse niya. Pinagmasdan ko itong maglaho hanggang mawala ito sa pangin ko.
Sumakay ako sa kotse ko at tinodo ang aircon. "Bigla yatang uminit dito?" Bulong ko bago paharurutin ang sasakyan ko palabas ng parking lot.
Gwen's POV
"Tch! Hindi manlang hihingi ng sorry!" Pabulong na singhal ko habang nagmamaneho sa daan patungo sa location ng photoshoot ko. Sinadya ko talagang batiin siya, umaasa akong hihingi ng sorry yung mokong na yun! After 30 minutes nakarating na rin ako sa location. Sa laguna namin gagawin ang first photoshoot ko sa Japan bloosom. Pagbaba ko ng kotse ko ay pinagmasdan ko ang buong venue namin. Napakaganda dito dahilan para mapangiti ako ng sobra.
"Hi there, Ms. Rivera, I'm Jonas Salvador. I'm your photographer for today." Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. Nakangiti akong tinannggap yun.
"Nice to meet you Jonas." Ginayak niya ako sa isang blue na tent. Dito ang dressing room at pahingahan ko.
"Wear this kimono." Inabot niya ang pink na may halong gold na kimono.
"And you." Turo niya sa isang beking naghahanda ng mga make up.
"Yes Jonas?" Maarteng sagot nito sa kanya.
"Ikaw na ang bahala dito kay Ms. Rivera, gawin mo siyang isang napakagandang babae." Nagbeso muna kami bago siya lumabas ng tent. Nang lumingon ako sa make up artist ay nakatitig siya sa akin.
"You know? may pagkakahawig ka kay Gwen Sanchez." Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ako nagpahalata, ngumiti ako ng matamis na matamis sa kanya.
"Marami na rin ang nagsabi niyan hahaha. Pero para sa akin, marami kaming pagkakaiba. Pwede huwag niyo na akong ipagkumpara sa taong wala na sa mundo!" Medyo naiinis na tonong sagot ko. Natauhan naman siya at tumango.
Inayos niya ang buhok ko at inaaplyan ng make up. After niya akong ayusan ay lumabas na siya ng tent. Sinipat ko ang sarili ko sa salamin, napangiti ako dahil nagmukha akong japanesse sa make up at sa damit ko. "This is my time to shine again." Lumabas na ako sa tent.
"Gorgeous! *clap clap*" Inabot sa akin ni Jonas ang imomodel ko. Click dito click doon. Pose ako ng pose sa bawat click ng camera ni Jonas. Natutuwa ako dahil nakabalik ako sa pagmomodel ko. After ng unang shoot, nagpahinga muna ako sa tent.
"Hi Ms. Rivera, here's your lunch." Inilapag niya ang rice, vegetable at porkchop.
"Thanks." Lumabas na siya ng tent at kumain na. Hindi ko inubos ang rice because I'm on a diet. After ng lunch ay pinagbihis na ako for the second shoot. Cosmetics naman ang imo-model ko. Pumili ako ng daring para maganda ang kalabasan nito. Black na dress ito, backless sa likod at kita ang clibage ko. Nagsuot muna ako ng robe at inaapplyan ako ng make up. Kinulot niya ang hanggang balikat na buhok ko. Ni-resquest ko rin na red ang lipstick ko, hindi lang red, dark red pa. Hinubad ko ang bath robe na suot ko at lumabas na sa tent. Kaya ng kanina pinuri nila ulit ang itsura ko at nagsimula na ang photoshoot.
BINABASA MO ANG
The Maldita Superstar (COMPLETED)
RomanceMeet Gwendolyn Katerina Bloom Sanchez the Superstar, na kinahuhumalingan ng kalalakihan dahil sa angkin niyang kagandahan, pero kabaliktaran ng ugali niyang mala imbyerna. What if kung isang araw, napagbintangan siya sa isang krimeng hindi naman niy...