Gwen's POV
Nanginginig pa'rin ang buong katawan ko nagyon. Andito ako sa waiting area ng hospital kung saan dinala si Flynn. Hindi ko alam ang gagawin ko kanina, nagpapanic na 'ko, naransan ko na 'to ng mamatay ang daddy ko. Tinawagan ko na 'rin si Ammy kanina at ang sabi n'ya uuwi na daw s'ya. May mga butil ng luha nanaman sa mukha ko, hindi ko alam 'kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang meron sa parte ng puso ko ang sumasakit na hindi ko malaman na dahilan. Nag aalala ako sa kanya, Natatakot ako na baka may mangyaring hindi maganda, ano ba 'to?
"Ate!" Narinig ko ang pamilyar na boses. Nag angat ako ng tingin si George, yumakap ako sa kanya.
"What happened ate!?" Bumitaw ako sa pakakayakap at pinusan ang ilang butil ng luha sa mukha ko.
"I don't know.. pumunta l-lang s-s'ya sa condo ko k-kanina tapos g-ganyan na s'ya." Nanginginig pa 'rin ang boses ko.
"Ate, umuwi ka mu'na sa condo ngayon. Ako na muna bahala dito, para makapagpalit ka na'rin ng damit mo." Oo nga pala sa sobrang taranta ko kanina hindi na ako nakapagpalit ng damit. Puno ng blood stain ang damit ko. "Ipapahatid na kita sa driver ko." Isinuot n'ya sa'kin ang suot n'yang jacket para daw matakpan yung damit ko.
Nakasakay na ako ng kotse papunta sa bahay pero blangko pa'rin ang utak ko sa nangyari. Ano ba talagang nangyari? Bakit n'ya ako pinuntahan sa unit ko? Sobrang natutuliro talaga ang utak ko ngayon, parang may ipinahihiwatig s'ya kanina. What it means? Hanggang pagdating ko sa condo ay tuliro pa'rin ang isip ko, dumeretso ako sa bathroom at nagquick shower. Gusto kong matulog pero tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay naalala ko pa'rin si Flynn.
Ammy's POV
Nang makarating sa akin ang balita tungkol kay kuya, nagmadali kami umuwi ni unggoy sa Pilipinas. Andito kami ngayon sa waiting area ng hospital kung nasaan si kuya. Sabi ng doctor okay na daw siya buti nalang at hindi naapektuhan yung organs n'ya. Hinihintay nalang namin na malipat siya sa recovery room.
"O, kumain ka muna." Inabutan niya ako ng sandwich at juice.
"Wala akong gana, later nalang siguro." Pagtanggi ko, wala talaga akong gana.
"Kanina ka pa hindi kumakain, baka malipasan ka na nyan." Hindi ko nalang siya inimik. Nabalitaan na rin ng parents namin ang nangyari, think mamaya nandito na rin sila.
Nung dumating kami kanina nadatnan namin si George ang sabi niya umuwi na daw si Gwen. Sabi pa niya tulala daw 'yun kasi siya ang nagdala kay kuya dito. Natigil ako sa pag iisip ng lumabas na ang doctor at pumunta sa gawi namin.
"Nalipat na ang pasyente sa recovery room. Need niya lang ng pahinga, bubuti rin ang lagay niya. Please, excuse me." Tinanguhan ko lang yung doctor at pinuntahan na namin si kuya. Tahimik lang na naka sunod si unggoy sa likod ko. Pagbukas ko ng room ay nakita ko doon ang mahimbing na natutulog kong kuya. Lumapit ako sa side ng hospital bed niya.
"Ano bang nangyari kuya? Bakit kailangan umaabot ka sa ganto?" Pinipilit kong pakalamahin ang sarili ko. I want to cry but I need to be strong. Naramdaman kong tinapik ni unggoy yung likod ko then i feel relieved.
"Don't be sad Ammy, magiging okay din si boss." Tumango lang ako. Biglang nag sink in sa utak si Gwen, i need to see her alam kong mas nahihirapan ang isang 'yun.
"Aalis mu'na ko, ikaw muna bahala kay kuya." Paalam ko kay unggoy, tango lang ang sagot niya. I kissed kuya's forehead before iIleave the room. Alam kong kailangan ni Gwen ng kasama ngayon baka mabaliw ang isang yun.
Gwen's POV
Nagising ako na-mumugto ang mga mata ko. Simula ng umuwi ako dito umiyak lang ng umiyak. Wala akong ganang bumangon ngayon gusto ko lang magmukmok sa kwarto buong araw. I feel guilty sa nangyari kay Flynn, alam ko naman na kaya nangyari 'yun sa kanya. Alam kong gusto niya mapanagot kung sino 'yung gumawa sa akin, a year ago. Pero ito ang nangyari hindi ko mapapatawad ang sarili kung may mangyari man sa kanya.
*Ding dong*
Nagbalik ako sa wisyo ng marinig ko na may nag-doorbell. Tumayo ako sa kamay at nagsuot ng bathrobe bago lumabas ng kwarto. Medyo masama nga pakiramdam ko ngayon para akong magkakasakit. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ay agad ko itong binuksan.
Yumakap agad ako kay Ammy ng makita ko siya. "Gwen are you okay?" Naramdaman ko na tinatabik niya likod ko.
"I'm sorry.." Sambit ko. Nangingilid nanaman yung mga luha ko.
"No, don't feel sorry Gwen. Okay na si kuya kaya, don't worry huwag ka ng mag sorry. Don't blame yourself kasi hindi mo naman kasalanan yon." Pag aalo niya na ikinagaan ng loob ko. Kumalas ako sa pagkakayakap, inakbayan niya ko papasok sa loob ng condo.
Olivia's POV
*Phone conversation*
"Ano may nakuha na kayong lead kung ano ang pagkatao ni Kate Rivera?"
"Wala pa po Ms. Olivia sobrang private ng mga information about sa kanya. Hindi po kami makakakuha ng sapat na impormasyon."
"MGA TANGA! NATURINGAN PA NAMAN KAYONG IMBESTIGADOR! GAWIN NIYO NAMAN ANG TRABAHO NIYO! BINABAYARAN KO KAYO NG MALAKI PARA GAWIN ANG TRABAHO NIYO! MGA BOBO!"
"Pasensya n-na po madam."
"GUSTO KO KAPAG TUMAWAG AKO ULIT MAY IPAPAKITA NA KAYO IMPORMASYON! OR ELSE KAYO ANG MANANAGOT!"
*Toot* *Toot*
Pina iinit talaga nila ang ulo ko mga walang silbi. Nag hire ako ng private investigator pero wala namang pakinabang.
"Hi mom," Nag beso sa'kin si Cheska. "Problem?" Tanong nya pa.
"Malaki. Yung kalat na ginawa mo ang hirap sulosyunan." Nagkibit balikat lang siya.
"Di ba sabi ko mom, ako na bahala dyan." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Nasaan na ang solusyon mo!? ha!? Kailangan nating kumilos ng maaga! kundi parehas tayong malilintikan kapag lumitaw yun!" Nag walk out ako papuntang itaas.
Gustong gusto kong mapatay ang pesteng Gwen na yun! I want her life end in my own hand at sa puntong mahuli ko na siya sisiguraduhin kong hindi na siya humihinga. *Evil smirk*
N: Enjoy reading guys. Gwen is in the multimedia.
BINABASA MO ANG
The Maldita Superstar (COMPLETED)
RomanceMeet Gwendolyn Katerina Bloom Sanchez the Superstar, na kinahuhumalingan ng kalalakihan dahil sa angkin niyang kagandahan, pero kabaliktaran ng ugali niyang mala imbyerna. What if kung isang araw, napagbintangan siya sa isang krimeng hindi naman niy...