Gwen's POV
Isang buwan at kalahati na ang nakalipas nasasanay na rin ako sa mga ginagawa ko dito. Nahihirapan pa rin minsan pero nasasanay na ang katawan ko sa mga mabibigat na trabaho.
"Hoy asong Ammy, gumising ka na, tanghali na." Niyugyog ko na siya dahil ang himbing pa rin ng tulog ng asong to.
"Okay na, huwag mo nga akong tawaging aso." Binelatan ko lang siya. Nagpusod ako ng buhok at sinuot ang sumbrero ko. Nakita kong buamangon na din si Ammy aso. Nagkakasundo na rin kaming dalawa sa mga bagay baagay. Kaya ko na rin makonrol ang sarili kong emosyon. Parang unti unti na akong nawawala sa kamalditahan ko.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayong don't call me a dog because I'm not." Nagaayos na rin siya ng kanyang damit at sumbrero.
"By the way Gwen, hindi na pala tayo mangingisda ulit. So, pwede ka ng magdiwang." Tumingin ako sa kanya. Nginitian niya lang ako.
"Why?" Seryoso kong tanong sa kanya.
"Pinatitigil na tayo ni kuya dahil kalahating buwan nalang ay susunduin na niya tayo." Tumango tango lang ako. Sabagay tama siya mahirap ang mangisda sa gitna ng dagat. Kahit may pang proteksyon ka sa init ng araw wala rin. Halos maging kayumanggi na ang balat ko na dating makinis at maputi. Nang makatapos kaming magayos umalis na kaming dalawa.
Cheska's POV
"Ma'am Romero, malapit na po tayo sa island de amor." Nangiti akong tumango sa driver ko ng van. May taping kami sa islang yun, ngayon ko lang narinig ang pangalan ng isla. Sabi ng manager ko tagong isla daw ito kaya hindi naman nadadayo ng ibang mga tao.
After 15 minutes nakarating na kami sa island de amor. Infaireness ang ganda ng beach dito white sand at blue ang tubig.
"This island is so beautiful." Peke kong nginitian ang manager ko. I hate people talaga pero para mahalin ako ng tao kailangan kong magkunwari.
"Yes your right, nasaan ang tent ko?" Magalang kong sagot sa kanya.
"This way ma'am." Sinudan ko lang siya papunta sa tent namin. Habang naglalakad nahagip ng mata ko ang isang babaeng paamilyar sa akin. Naka long sleeve siya na blue, nakapants, at nakatsinelas. Kilala ko ang nag iisa kong pinsan. Yes, Gwen Sanchez is here?
"Ahm.. pwede maglakad lakad muna ako wala pa naman e." Pinayagan ako ng manager ko. Pinuntahan ko kung saan pumunta si Gwen. Siya talaga yun hindi ako pwedeng magkamali. Lumingon lingon ako sa paligid, i swear nakita ko ang babaeng yun.
"Ako ba ang hinahanap mo Cheska?" Nagulantang ako ng makita ko siya na nakangising nakatingin sakin.
"Ikaw nga, hindi ako nagkakamali. Anong gingawa mo dito? Dito ka ba nagtatago dahil gusto mong takasan ang kasalanan mo sa batas." Lalong lumapad ang ngisi niya sakin. Napansin ko may hawak siyang kutsilyo sa kaliwang kamay niya.
"OO! KAYA NGAYON PAPATAYIN NA KITA! KAYO ANG MAY KASALANAN NG LAHAT KAYA PAGBABAYARAN NIYONG LAHAT!" Sinugod niya ako at sinaksak sa dibdib. Napabalikwas ako ng bangon. Hinawakan ko ang dibdib ko, panaginip lang pala. Nasa kotse pa rin kami malapit na sa island de amor. May kutob akong malapit lang sakin si Gwen. May dinial ako sa phone ko, buti na yung nakakasiguro.
"Hello, oo... Mga 4 na tao ang kailangan ko... Thanks." Inend ko na ang phone conversation. Once na makita kita my dear couz, i will make you suffer.
Gwen's POV
It's 12:30 in the afternoon, kakatapos lang namin maglinis ng bahay ng may mapansin akong speed boat malapit sa bahay namin.
"Hoy aso, bakit may mga speed boat dito?" Tinuro ko yung mga speed boat. Tiningnan naman niya ito.
"Ah iyan ba? May shooting yata ng artista dito. Nadiscover na kasi ang islang ito." Nagulat ako sa sinabi niya. Napakagat ako ng labi at biglang lumakas ang tibok ng puso ko.
"Hindi maaari, baka makita nila ako dito." Nanglaki din ang mata ni Ammy.
"Oo nga pala, pumasok ka na sa loob huwag ka na munang lumabas ng bahay." Sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay. Mabilis pa rin ang pagkabog ng dibdib ko.
Nagpaalam muna akong magbibihis ng damit dahil amoy pawis at araw na ko. Nagbihis lang ako ng bistida na lagpas ng tuhod ko. Nang makaluto na kami kumain na kami ni Ammy. Pagkatapos namin kumain nagpaalam siyang lalabas muna. Ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin.
Umupo ako sa kahoy na upuan sa loob ng bahay ng matapos ko mag hugas ng pinagkainan. Lumipas na ang 30 minutes wala pa rin si Ammy. Nagpasya na ako na lumabas ng bahay para hanapin siya. Naglagay ako ng shawl sa ulo at tinakpan ko rin ang mukha ko kung sakaling may mga tao na rito. Naglakad ako sa gilid ng dalampasigan sobrang init kahit may shawl ang aking ulo ng tela.
"Sabi na nga bang nandito ka, tama ang kutob ko." Gulat akong lumingon sa nagsalita. Siya nga! Hindi maari nakita na niya ko.
"C-Cheska, a-anong ginawa m-mo dito?" Napaatras ako ng bahagya. May humawak sa magkabilang braso ko.
"Don't worry my dear couz, hindi kita ipapahuli. Namiss kasi kita ng sobra mag bobonding lang tayong dalawa." Nagpupumiglas ako ngunit mahigpit talaga ang hawak ng mga lalaking ito.
"BITAWAN NIYO KO! AYOKONG SUMAMA SAYO HINDI TAYO CLOSE!" Tuloy pa rin ako nagpupumiglas sa pagkakahawak nila. Lalo naman nilang hinigpitan ang hawak sa mga braso ko.
"Boys, patahimikin niyo yan at baka may makarinig dyan." Nakita kong may nilabas na panyo ang isang lalaking nakahawak sakin. Tinakip niya sa aking ilong ang panyong may nakakahilong amoy and all went black.
Ammy's POV
6:30 na ng hapon pero wala pa rin si Gwen dito sa bahay. Nag aalala na ako dahil kanina pagdating ko dito wala na siya. Natagalan kasi akong maghanap ng signal para i-text si kuya. Kinuha ko ang phone ko sa kwarto para tawagan si kuya.
*Calling kuya..*
"Hello? Ammy bakit ka napatawag?"
"Kuya nawawala si Gwen. Hindi ko mahanap kahit saan dito!"
"WHAT!?"
"Naghahanap kasi ako ng signal kanina tapos pagbalik ko wala na siya dito."
"Meron bang ibang pumuntang tao dyan?"
"Sa pagkakaalam ko pumunta kanina dito ang isang artista na si Cheska Romero."
"I see. Sige pupuntahan kita dyan. Mag ingat ka, hintayin mo ko."
"Sige kuya bilisan mo para mahanap natin si Gwen!"
*Toot toot toot*
Sana naman walang masamang mangyari kay Gwen. May kutob akong may kumuha sa kanya hindi sya aalis. Wala naman alam na lugar yun, kaya bakit siya aalis dito? May nagbago na sa kanya kaya na niyang ikontrol ang sarili niya. Hindi na siyang madaling magalit kaya hindi niya babalakin na umalis dito.
A/N: Enjoy reading guys.
BINABASA MO ANG
The Maldita Superstar (COMPLETED)
RomanceMeet Gwendolyn Katerina Bloom Sanchez the Superstar, na kinahuhumalingan ng kalalakihan dahil sa angkin niyang kagandahan, pero kabaliktaran ng ugali niyang mala imbyerna. What if kung isang araw, napagbintangan siya sa isang krimeng hindi naman niy...