Chapter 11

1.5K 44 5
                                    

Gwen's POV

Pagdilat ko ng aking mga mata, nasa isa akong bodega na madilim. Nakatali ako sa upuan pati bibig ko may tape na nakatapal. Sinubukan kong magpupumiglas pero mahigpit talaga ang pagkakatali sa paa't kamay ko.

"Huwag mo nang subukan makawala dyan. Mapapagod ka lang my dear couz." Bungad niya sakin habang palapit sa gawi na may kasamang dalawang lalaki sa gilid niya.

"PAKAWALAN MO KO DITO! WALA KA TALAGANG KASING SAMA CHESKA! INAGAW MO NA NGA LAHAT SAKIN! ANO PA BANG GUSTO MO!? HA!" Nagpupumiglas pa rin ako sa upuan kung saan ako nakatali.

"Ang mamatay ka, yun ang gusto ko para wala ng hahadlang sa mga plano namin ni mommy." Tiningnan ko siya ng masama. Sila pala ang may plano ng lahat ng ito.

"MGA WALANGHIYA KAYO! KAYO ANG MAY PAKANA NG LAHAT NG ITO! ANG PAGKAWALA NG LAHAT SAKIN PATI NI DADDY!" Bulyaw ko ulit sa kanya. Hindi manlang siya natinag sa pwesto niya. Ngumiti pa siya sakin may binulong siya sa isang lalaking katabi niya.

"MANAHIMIK KANG BRUHILDA KA! KAYONG MAG AMA, KAYO MGA WALA KAYONG AWA, PATI SI MOMMY TINANGGALAN NG KARAPATAN SA KOMPANYA! SIYA NAMAN ANG NAGPALAGO! KAYA HINDI MO KAMI MASISI KUNG BAKIT LAHAT NG KAMALASAN NA SAIYO NA GWEN!" Nagsimula ng umagos ang mga luhang parang tubig saking mga mata. Tumigil na rin akong nagpupumiglas dahil nanglumo na ang buong katawan ko.

"Ngayon Gwen, maglalaro tayo. Itong hawak ko kutsilyo ay may lason na pwedeng makapatay ng tao. Ibabato ko to sayo at kapag hindi ka nakailag alam muna kung anong mangyayari sayo." Nag angat ako ng tingin, nakita ko ang kutsilyong hawak niya. Ibinato niya ito sa gawi ko, tumigilid ako ng konti para makailag. Pero nadaplisan ako sa kanang braso.

"Arghh!!!" Daing ko dahil sa hapdi. Nakita kong umagos ang dugo sa kanang braso ko.

"Opps, ikaw kasi eh hindi ka marunong umilag yan tuloy mamatay ka na." Tumawa siya ng parang nababaliw. Naramdaman ko rin parang namamanhid ang kanang braso ko.

"Sobrang s-sama mo t-talaga Cheska." Nanghihina na ako, alam kong maraming dugo ang lumabas sa braso ko.

"Talaga? Masama na yan sayo. Hindi pa ko tapos no. Boys kunin niyo na yung pinahanda kong sobresa dali!" Nakita kong dinala nila ang isang kalang bato. Nilagyan nila ito ng kahoy at binuhasan ng gas. Madali itong nagapoy.

"Kalagan niyo yan." Kinalagan nila ako at inakay papuntang gawi ni Cheska.

"Anong gagawin m-mo sakin!?" Hinila niya ang buhok ko.

"Gaganti lang ako sayo Gwen. Huwag kang mag alala saglit lang ito." Dinala niya ako sa gawi ng apoy habang hila ang buhok ko. Pilit niya ako iniluhod ramdam ko ang init ng apoy.

"Please C-Cheska huwag." Ngumiti lang siya ng nakakaloko sakin. Lahat ng lakas ko ay ginamit ko pero hindi ako nanalo sa kanya.

"AHHHHHH!" Dagundong boses ko dahil idinikit ni Cheska ang kalahati ng mukha ko sa apoy. Ramdam ko na nasusunog ang balat ko. Matagal din bago niya alisin ang mukha ko sa apoy na yun.

"Diba saglit lang. Ngayon alam mo na ang kahihinatnan mo Gwen. Mamamatay kang panget ang mukha at walang nakaka-alam. Hahahahaha!" Pabalibag niya akong binitawan kaya napahampas ang likod ko sa sahig.

"Sunugin niyo na ang lugar na ito. My farewell, Gwen." Lumabas na siya ng bodega. Sinimulan na ng dalawang lalaki na buhusan ng gas ang buong paligid. Bago sila umalis higisan nilang apoy ang bodega at nilock ang ang pinto nito.

Nagsimula ng magliyab ang buong paligid. Kahit hinang hina ang buo kong katawan, naghanap ako ng malalabasan dito. May nahagip akong bintana na parang nakaawang. Medyo mataas ito pero kailangan ko ito para makalabas dito. Umakyat ako sa isang upuan na mataas inabot ko ng kamay ang bintana para mabuksan. Nang mabuksan ko ito agad akong umakyat sa bintana. Tumalon ako palabas medyo mataas ang tinalon ko. Tumama nanaman ang likod ko sa damuhan.

Pinilit kong tumayo, medyo blur na ang nakikita ko. Bukod sa sakit ng likod at ng daplis ng kutsilyong may lason. Nalapnos pa ang kalahati ng mukha ko. Iika ika akong naglakad patungong highway. Puro malalaking damo ang nadadaan ko sana pagkatapos nito highway na.

Nakarating na ako sa dulo ng talahiban. Hindi nga ako nagkakamali, highway na ito. Pagtungtong ko sa highway, may parang naramdaman akong kirot sa daplis ng sugat sa kanang braso ko. Epekto na yata ito ng lason, nanlabo ang paningin ko at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

Gineva's POV

"Ma'am Rivera, traffic daw po sa edsa magshort cut nalang po tayo." Nilingon ko ang personal driver ko.

"Ah ganoon ba? Sige basta walang traffic." Pina-andar na niya ang sasakyan. Katabi ko si Georgiana she's sleeping napagod yata sa biyahe. Dumaan kami sa medyo talahid na lugar. Napako ang tingin sa taong bumagsak sa kalsada.

"Stop the car!" Agad akong bumaba sa kotse. Nashock pa ako ng makita ko kung anong nangyari. Isang babae may sugat sa kanang braso at sunog ang kalahating mukha. Hinawakan ko siya, may pulso pa. Nakatagilid kasi ang ulo niya. Nilagay ko ito sa lap ko, nanglaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang babae.

"MANG DOMENG TULONG NGA DITO!" Inalog alog ko pa siya but no respond. Ano bang nangyari sa batang ito?

"Dios miyo Ma'am anong nangyari sa batang iyan?" Bungad agad ni Mang Domeng pagkalabas niya ng kotse.

"Hindi ko rin ho alam, paki tulungan mo ho ako. Sakay natin sa kotse." Siya ang nagbuhat sa dalagang walang malay. Ginising ko si Georgiana para lumipat sa tabi ng driver seat.

"Mommy what happened to her?" Takhang tanong ni Goergiana.

"I don't know baby." Ipinatong ko ulit ang ulo niya sa lap ko. Tinitigan ko mabuti ang mukha ng dalaga. Pamilyar ang mukha nito sakin pero hindi ko maalala kung saan.

"Mang Domeng sa bahay tayo dumeretso." Doctor ako, baka may humahabol sa kanya at makita pa s'ya doon. Nakaka awa ang kanyang kalagayan.

Kinuha ko muna ang medicine kit dito sa bag ko. Nilagyan ko ng paunang lunas ang mga sugat niya. Sensitive din yung nasunog na bahagi ng mukha niya kaya dapat maging maingat. Nang makarating na kami sa mansion ko. Pinadala ko siya sa isang kwarto para matingnan ko pa siya.

"Mommy, why did you bring that girl in our house?" Takhang tanong ni Georgiana.

"Because she need my help, kawawa naman kung iiwanan natin doon sa daan." Nakangiti pa ko habang binibitawan ang mga salitang iyon.

"Tama ka mom, ichicheck ko
rin s'ya kung stable na ang lagay n'ya." Nakangiting tugon nito.

Pinuntahan ko agad ang pasyente dahil kailangan n'ya agad magamot sa kalagayan n'yang iyon.



A/N: Enjoy reading guys.

The Maldita Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon