Chapter 32

1.4K 31 0
                                    

Gwen's POV

Sobrang daming nangyari sa loob ng tatlong araw. Ang akala ko magiging relax ako pero lalo yatang gumulo ang isipan ko. Di ko napigilan na sabihin kay mom yung tungkol sa nangyari sa'kin. Thursday na ngayon at mamayang gabi na ang party kaya kailangan ko ng maghanda. Inayos na ang sarili ko bago lumabas ng kwarto ko. Badtrip din ako kasi wala si Flynn dito nasa hongkong daw may trabaho. Nakahanda na yung mga gagamitin ko para sa party, sa totoo lang wala na akong gana pumunta sa party na yun. Sa mga nangyari nitong nakaraan nababadtrip talaga ko.

Nang matapos na ako magshower ay lumabas na ako ng kwarto. Simula ng mag usap kami ni mom hindi muna ako pumunta sa bahay. Alam ko naman na hindi niya gusto ang desisyon ko pero ito ang makakabuti sa lahat. Nakasuot lang ako ng floral dress wala akong gana kumain ngyon. Papunta ako sa parking lot ngayon para pumunta sa office ni Mrs. Nakahara. Pasakay na sana ako ng kotse ng-

"Ay palaka! Ano ba? Bakit bigla bigla ka nanghihila?" Iritang tanong ko sa humila sakin. Si Flynn lang naman.

"Sorry kung nagulat kita, I'm just missed you." Sagot niya.

"Tss! Bakit ang aga mo dumating? Diba dapat next week pa." Tanong ko.

"Namiss kita kaya umuwi ako agad." Inirapan ko lang siya. "Saka sabi ng mom na samahan daw kita sa party mamaya." Dagdag pa niya.

"Okay." Sasakay na sa ako ulit ng pigilan niya ko. "Ano na naman ba?" Naiinis na ko.

"May problema ba?" Tiningnan ko siya sa mata.

"Wala. Alis na ako pupunta pa ko kay Mrs. Nakahara." Sa puntong yun di na niya ko pinigilan. Wala talaga kong sa mood ngayon nasusungitan ko tuloy siya. Pina-andar ko na ang kotse ko tanaw ko siya sa side mirror nakatingin sakin. "I'm sorry." Sambit ko sa aking isipan.


Flynn's POV

Pinanood ko ang sasakyan niya umalis. Halata namang may problema siya ayaw pa amin. Bumalik na ako sa unit ko, kaka uwi ko lang galing HongKong dahil maaga natapos ang trabaho ko doon. Sakto naman at tinawagan ako ni tita Gineva na samahan ko daw si Gwen sa party mamayang gabi. Tumingin ako relos mag 3:00 pm na pala kaya nagpag desisyunan ko na magshower muna.


Cheska's POV

Maganda ang mood ko ngayon dahil sa gaganaping party mamaya. At ang isa pang kinatutuwa ko ang dala sakin ng private imvestigator. Tungkol sa walang kwenta kong pinsan, buhay talaga siya at nagpapakilala bilang Kate Rivera sa maraming tao. Ang akala niya siguro ay makakatakas siya sa akin. Nagbabad ako dito sa bath tub para ako ang pinaka fresh at maganda mamaya sa party. Meron din akong sorpresa sa aking mahal na pinsan.


Ammy's POV

*Phone coversation*

"Hello, kuya!"

"Nasaan ka?"

"Ako? Nandito sa bahay malamang."

"Okay, papunta ako dyan ngayon."

"Ha? B-"

*Toot toot*

Haist! Ang bastos talaga ng kuya ko. Babaan ka ba naman ng telepono, Tsk! Wala pang 15 minutes ay may nag doorbell na. Agad naman ako pumunta sa pinto para pagbuksan kung sino yun.

"O kuya, ang bilis mo naman." Dumeretso lang siya papasok.

"Kukuha lang ako ng coat and tie ko at ikaw maghanda ka ng susuotin mo sasaama ka sakin. Casual ang theme." Hindi na ako naka sagot dahil dali dali siyang umakyat sa taas.

Sumunod naman ako para pumunta sa kwarto ko para maghanap ng susuotin ko. Pumasok ako sa walk in closet ko at naghanap ng gown.

"Ano kaya magandang isuot?" May nakita akong black na backless na gown. "Siguro ito nalang." Pinili ko yun at silver na 5 inches na heels. Buti nalang at may mga ganto ako dito sa closet. Inilapag ko muna ang napili ko sa kama at lumabas ulit ng kwarto para magtanong kay kuya kung anong meron.

"Ano bang meron at pinagbibihis mo ko ng ganoon?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Nasa salas siya inaayos yung napili niya damit.

"Party." Maikling sagot niya. "I got to go, I'll pick you before 8 dapat handa ka na." Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya.

Tumingin ako sa orasan 4:00 pm na kaya maghahanda na ako kahit di ko alam kung anong party yung pupuntahan namin. Tsk!


Gwen's POV

Naka ayos na ako suot ko ang isang silver casual na gown. Nakakulot din ang buhok ko at naka make up na rin ako. May nagdoorbell si Flynn na yan sigurado.

"Let's go?" Iba yung aura niya ngayon.

"Okay." Sumunod lang ako sa kanya hanggang makarating kami ng parking lot. Sa passenger seat ako sumakay.

"Gwen?" Napalingon ako sa back seat ng kotse.

"Ammy? Bakit ka andito." Nginuso naman niya si Flynn. Tiningnan ko siya naka focus lang siya sa pag dadrive. Tumahimik nalang ako kasi parang wala naman silang sa mood ngayon. Nang makarating kami sa venue ay inalalayan ako ni Flynn pababa ng kotse si Ammy nakasunod sa likuran namin.

*Click*

*Click*

*Click*

Ang daming camera sa gilid habang naglalakad ako sa red carpet. Hanggang makapasok na kami sa loob ng venue ang daming star at super model dito. Lumapit sa amin yung organizer para iguide kami papuntang table.

"Ang ganda naman dito G-Kate," Si Ammy habang nakatingin sa paligid.

"Yes. Your right." Pag sang ayon ko. Tiningnan ko si Flynn na seryoso sa aura. Hindi kaya nabadtrip to ng sungitan ko kanina. Hay! Bahala nga siya dyan.

"Restroom muna ko." Nakita kong tumango lang si Flynn at nag okay sign si Ammy. Nagtungo na ako sa restroom para mag retouch ng make up feeling ko kasi nahahagard na ako. Inilabas ko ang powder sa loob ng puouch ko at nagsimula mag retouch.

*BLAGGG!!*

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto sa isang cubicle.

"Well, well, well tingnan mo kung sino ang nandito." Padabog kong inilapag ang face powder ko at humarap kay Cheska. Oo si Cheska nga.

"Ano na namang kailangan mo!?" Pasigaw ko na tanong.

"Umamin ka nga sa akin, ikaw si Gwen Sanchez diba!?" Tumaas ang isang kilay ko.

"Kung sabihin kong sayo na oo, may mapapala ka ba!?" Sasabunutan niya sana ako pero nauna ko sa kanya.

"So, ikaw nga! Bakit ba hindi ka mamatay matay!? May sa pusa ka ba!?" Galit na asik niya.

"Swerte kasi ako! Hindi katulad mo, malas ka!" Lumabas ako ng restroom.

"Hindi pa ko tapos sayong babae ka! Halika dito, Gwen!!!" Sigaw niya palabas ng rest room. Nakita ko ang mga tao ay nasa amin ang mga mata  pati mga reporters lumapit din.

"Gusto mo talaga ng eskandalo!?" Paghahamon ko sa kanya.

Reporter 1: Totoo ba ang narinig namin ms. Romero? Siya ba ang pinsan mong si Gwen Sanchez?

"N-No! N-Nagkamali lang a-ako!" Pag-tanggi niya.

"Don't deny it! Yes! I'm Gwen Sanchez. Mga tanga ba kayo!? Nag iba lang ako ng pangalan but I'm Gwen." Mataray na sabi ko. Lumalabas talaga ang kamalditahan ko.

Reporter 2: Pero ang sabi sa amin ni Ms. Cheska na patay ka na daw. Hindi na nila ang na-public dahil sa kahilingan ng mommy niya.

"Naniwala naman kayo!? Sila ang may pakana kung bakit ako nawala. Especially her." Turo ko kay Cheska. "Ako nilalabas ko ang tunay na ugali ko. Hindi tulad ng iba dyan, plastik!" Dagdag ko pa.

"Shut your mouth! She's lying! Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo! Your making a story!" Sigaw ni Cheska.

"Di'ba gusto mong maging bida!? Sisiguraduhin kong magiging bida ang pangalan mo sa headline. Murder Cheska Romero ang nakalagay!" Umalis ako sa harapan nila at pumunta sa gawi nina Flynn. I want to leave this place.









N: enjoy reading guys.

The Maldita Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon