Please subscribe to my YouTube channel 👉 ASSUMER21 CHANNEL
Instagram: assumer_21
Chapter Two
Kakamot-kamot sa ulo si Bikay habang papalapit sa among si Vinz. Hiyang-hiya siya nang maabutang natutulog pa at higit sa lahat nakasuot lang siya ng panty! Parang ayaw na niyang lumabas sa kuwarto kaya lang kung kanina ay sa CR siya dinala, baka sa susunod sa labas na ng building siya pulutin, at ayaw niyang mangyari iyon. Kailangan niya ang trabahong ito, 'di hamak na mas malaki ang suweldo dito. Kung mapapaalis ng wala sa oras ay wala din siyang malilipatan.
"Tatayo ka na lang d'yan?" Muntik na siyang mapatalon sa pagkagulat nang magsalita ang among lalaki na prenteng nakaupo sa sopa.
Mula sa pintuan ng kusina ay dali-dali siyang naglakad palapit sa amo.
"Ser Bens, so-sorry po kanina, ti-nanghali ako nang gi-sing." Hindi tumitinging wika niya, kung tali lang ang kanyang mga daliri sa kamay ay kanina pa ito buhol-buhol sa walang tigil niyang pagkuskos dito.
Narinig niya ang malakas at paulit-ulit na bumuga ng hangin si Ser Bens. "Sa susunod na mangyari ulit iyon, hindi ako magdadalawang isip na palayasin ka dito. Hindi ko naman talaga kailangan ng maid dito at lalo nang iresponsable."
Napayuko pa siyang lalo sa kinatatayuan kaharap ng amo nang marinig ang huling sinabi nito.
"Sorry po ulit, Ser Bens, hindi na po mauulit."
"And one more thing, Bikay, kapag kinakausap kita tumingin ka sa 'kin." Maawtoridad na utos ng amo.
Medyo nakangiwi siyang dahan-dahan na nagtaas nang tingin kay Ser Bens, mula sa nangingintab na sapatos na itim, pataas sa itim din na pants, dahilan upang mapalunok ng laway at 'di maiwasang mangapal ang balat sa mukha, kung maputi siya siguradong namumula na din. Naaalala niya ang nasaksihan kagabi at hindi sapat ang mga telang nakabalot sa buong katawan ng amo, na-i-imagine niya kung gaano kalaki at kahaba ang nakapagitan sa mga hita ng binata at malakas na bumabayo nang paulit-ulit sa bulaklak ng mga babaeng kasama.
"What!"
Mabilis siyang tuluyang nagtaas nang tingin at natigil sa pagmumuni-muni sa katawan ni Ser Bens, pero nang mapadako siya sa mapupulang labi ng lalaki ay muling may naalala ang paghalik sa pagkababae ng katalik. Sunod-sunod siyang lumunok ulit ng sariling laway.
"Bikay! Nakikinig ka ba?!"
"Ho! O-po! Ser Bens. Ano nga po ulit iyong sinasabi ninyo?" Sinalubong niya ang nanlilisik na mga mata ng amo, marahil ay sa galit sa kanya.
Ngayon lamang niya napagmasdan si Ser Bens, hindi nabawasan angnkaguwapuhan ng binata kahit nanlilisik ang mga matang binagayan ng magkasalubong na makakapal na kilay. Ang matangos na ilong, bigla tuloy siyang nainggit sa kaharap dahil isa ito sa pinanghihiyangang hindi naipagkaloob sa kanya ng Diyos.
"Ang sabi ko, mag-general cleaning ka sa kanilang kuwarto, pagkatapos mong linisin ang kuwarto ko, maliwanag ba?" Napansin niyang gumalaw ang mga panga ng amo na lalong nakadagdag sa kaguwapuhan nito, parang may puwersang humihigop sa kanya at hindi nakakasawang pakatitigan ang lalaki.
"Ay opo, ser, lilinisin ko po lahat kahit araw-araw kong nililinisan. Naiilang lang po akong linisin 'yong parang sinasakyan na parang kabayo. Hindi ko po alam ang tawag do'n, basta hugis itits na malaki, ayos lang po sana kung kahugis ng sa babae. Nakakahiya hawakan Ser Bens, dalaga pa naman ako. Para sa'n po ba ang mga iyon? May hugis talong na parang goma kasi malambot nang pisil-pisilin ko. May magic wand nakasulat sa box, pero nang tingnan ko po maliit lang naman, napansin ko din 'yong parang mikropono, kaya lang bunganga ng tao may ngipin pa, parang totoo po, tapos 'yong kabilang side hugis tingg*l may butas din! Saan po ninyo nabibili-"
"Isa din sa ayaw ko ang madaldal at matanong, narito ka pata magtrabaho at lahat nang ipinag-uutos ko kailangan mong gawin. Kung ayaw mong mawalan ng trabaho." Tumayo si Ser Bens at kinuha ang case na nakapatong sa center table. Sinundan niya ang amo na naglalakad papunta sa pintuan ng condo. "Kapag nagising at umalis ang dalawang babae sa kuwarto alam mo na ang gagawin mo."
Malaya niyang napagmasdan ang malapad na likod ng amo, sa bawat paghakbang ng binata ay napapalunok siya dahil sa matambok nitong pang-upo. Bakas din sa suit ang matitipunong mga braso nito. Tinalo pa nito ang katawan ng mga kalalakihan sa Saray na batak sa trabaho tulad nang pag-uuling at pagbuhat ng mga kahoy na pinutol patungo sa bayan.
"Opo, Ser Bens, papalitan ko ang bedsheet at mga punda, ibabalik ko po sa kabilang kuwarto ang mga parang laruan na parang hindi matapos kong linisin at itatapon ang mga walang hangin na lobong maliliit sa basurahan, nakakadiri may mga sipon, sinisingahan-" Hinawakan niya ang bibig at bahagyang pinisil nang maalala na bawal magtanong. "Sorry po, nakalimutan ko agad."
"Palagi kong sinasabi na ayaw kong maririnig ang tawag mo sa 'kin na Ser Bes. Sir Vinz, Bikay, Sir Vinz."
"Lahat naman po yata ayaw ninyo." Nakalabing bulong niya
"Anong sinabi mo?" Lumingon sa kanya si Ser Bens na akmang bubuksan ang pinto.
"Ahm, sabi ko po, papraktisin ko po ang dila ko mamaya, Se-sir Vi-Bens, nahihirapan pa po ako, wala na po ba kayong ibang pangalan?"
"Hindi ko pa ba nasabi na ayaw ko ng taong madaldal?"
"Po? Ewan po, parang opo, pero parang hindi pa po," hindi siguradong sagot niya.
"Tandaan mo, Bikay." nag-isang linya ang mapupulang labi ng amo at muling tumalikod.
Nagulat pa siya nang pabagsak na isara ng amo ang pinto matapos lumabas.
Please vote and share
BINABASA MO ANG
my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing
Romance#3 in Romance-comedy Bagong salta sa Kamaynilaan si Bikay na nanggaling pa sa malayong kabundukan. Isa lang ang nakatatak sa utak niya, huwag magpauto sa kung kanino kailangan siya palagi ng nakalalamang. Ignorante man sa bagong paligid pero hindi...