CHAPTER THIRTY THREE::

11.8K 254 3
                                    

BIKAY'S POV

"Careful mahal." Sabi ni Vinz habang inalalayan siya sa pagbaba sa kama.

Kabuwanan na niya at sa sobrang laki ng tiyan niya ay nahihirapan siyang kumilos. Nagpasya din silang dalawa na huwag sabihin sa kanila ng OB kung ano ang gender ng magiging anak nila. Ang siniguro lang nila ay malusog dapat ang baby sa loob ng tiyan niya.

"Naiihi na naman kasi ako tapos wala naman lumalabas eh." Sabi niya habang naglalakad sila patungo sa cr.

Tinulungan siya ng lalaki na ibaba ang underwear niya dahil nahihirapan siya, hindi rin niya magawang yumuko sa laki ng tiyan niya.

"Mahal, may dugo baka naagas na ang baby natin, isusugod na kita sa ospital." Natatarantang wika ni Vinz.
Nagulat  at natakot siya sa sinabi nito.

"Ha! Hala ang baby natin, kung kelan kabuwanan ko na saka pa ako maagasan." Naghihisterikal na sabi niya.

Nakaya pa naman niyang maglakad hanggang sa nakasakay ng kotse.

"Bilisan mo na medyo sumasakit na ang tiyan ko, baka duguin ako ng maraming." Sigaw niya habang nakahawak sa tiyan.

Halos paliparin na nito ang kotse makarating lang agad sila sa ospital.

"Mister hindi po naagasan ang misis mo, malapit na po siya manganak." Anunsyo ng doktora.

"Dok,  bakit di naman sumasakit, konti lang." Katwiran niya habang naglalakad na iniutos nito.

"Ganun talaga, hindi pare-pareho ang panganganak." Paliwanag nito "Maya-maya i-tse-check ko ulit kung malapit na lumabas si baby." Dagdag pa nito bago umalis sa harapan nila.

"CONGRATS, its a baby boy." Anunsyo ng doktora ng maipanganak niya ang kanyang baby.

Narinig niya ang pag-iyak ng sanggol, Pero teka.

"Ah, ah, may parang lalabas ah." Sabi niya.

"Yes misis Hindi lang isa ang baby mo." Sabi nito

"Ka-kambal! Ahhhh." Sabay iri ulit niya.

Laking pasalamat niya dahil sa wakas nakaraos na siya. Ang saya niya dahil kambal ang anak nila ni Vinz, Kaya pala di pangkaraniwan ang laki ng tiyan niya.

"Dok, bakit parang humihilab na naman ang tiyan koooo." Daing niya.

Hindi na niya naintindihan ang sinabi ng doktora dahil Maya-maya may lumabas na naman sa kanya. Nanghihina na siya Kaya parang gusto na niyang matulog. Tiyak na matutuwa ang nobyo niya kapag nalaman na Hindi lang isa ang baby nila kundi tatlo.

"Misis, triplets ang babies mo." Nakangiting sabi ng doktora.

May ngiti siya sa mga labi bago ipinikit ang mga mata.
_____
VINZ'S POV

"Kuya look at her, napakaputi niya." tuwang-tuwa na turo ng kapatid niya sa isa niyang anak.

Kakauwi lang nila galing sa ospital at sumama din sa kanila ang pamilya niya dito sa condo niya. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang mga anak niya na natutulog sa crib.

" Kuya, siguro naglihi si ate Bikay sa inihaw na pagkain, kasi oh,  look at this one parang maitim yata siya." puna nito sa isang baby boy niya.

Napaisip siya sa sinabi nito Habang nakatingin sa isa niyang anak.

"Ano ka ba Zera Hindi naman siguro totoo yun, nasa lahi yan." Saway ng ina nila.

"Ma, unique ang mga baby ni kuya, itong si baby girl napakaputi."

"Pinaglihi ko yan sa gatas Kaya siguro maputi." Nakatawang sabad ni Bikay habang nakaupo sa kama nila.

"This one ate, na namumula ang skin niya pero maputi din naman" curious na tanong ni Zera.

" Baka dahil sa sili na pinaglihihan ko." humahagikhik na sagot nito.

"I'm sure ate sa mga inihaw mo ipinaglihi itong si baby boy or sa sunog na kanin." Tumatawang hula nito.

"Psstt, quite baka magising ang mga baby." Saway niya sa kapatid.

Tumahimik naman ang kapatid niya. Pinanlakihan niya ito ng mga mata ng magsasalita ulit.

"Hindi mo ba narinig si mama, wala yun sa mga pinaglihihan nasa lahi." Naiinis na paliwanag niya.

"Hijo, I'm happy for the both of you, binigyan nyo kami ng mga apo."sabay tapik sa balikat niya ng kanyang ama.

"Ate, Kuya, kelan nyo sila balak sundan kung sakali?" Singit ng kapatid niya, parang ito pa ang excited na magkaroon sila ng maraming anak.

"Tama na silang tatlo para samin diba mahal?" Baling niya sa nobya.

"Oo pero kung gusto mo pa na mag buntis ulit ako ayos lang sakin,Hindi naman ako nahirapan sa panganganak eh." mabilis na sagot nito.

Napalunok siya sa sinabi nito.Naisip niyang kapag nag buntis ulit ito ay mahihirapan na naman siya sa paglilihi ng babae.

" Saka na si-siguro kapag malalaki na sila." Sagot na lamang niya.

"Hija, nagdala nga pala ako ng nilagang baka, kailangan mong kumain ng may sabaw." Payo ng ina niya Kay Bikay.

"Salamat po." Nakangiting sagot nito.

" Vinz, ang mabuti pa siguro,hinanap ka na ng bahay na malilipatan. Masyado ng maliit itong condo mo para sa inyong mag-anak." Suhestyon ng ama niya.

"Yes pa, may pinagpipilian na ako, ipapakita ko lang muna Kay Bikay lahat para mas mapadali kung akin ang bibilhin namin." Nakangiting sagot niya sa ama.

"Bahala ka na kung ano ang magustuhan mo, gusto ko na din, wala akong alam sa mga ganyan." Sabad nito.

Nilapitan niya ito at hinawakan sa kamay.

"Mahal, tayo ang titira sa bahay na bibilhin ko, kaya gusto ko tayong dalawa ang magdedecide." Paliwanag niya.

"Uyy, si kuya, totoo na ba talaga yan." Tukso ng kapatid niya.

"Zera, tigilan mo ang kuya mo." Saway ng kanyang ina.

"Joke lang kuya, natutuwa ako kasi parang perpect husband ang tingin ko sayo ngayon, di tulad noon." Napangiwi ito sa huling sinabi.

"Kelan nga pala ang plano nyong pagpapakasal?" Tanong ng ama niya.

"Hindi pa namin pa napag-uusapan pero iyon na ang sunod na plano namin." Sagot niya.

"That's good." Sang-ayon nito.

Loveuall:::miss A.

Please vote and comment

my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon